Claudine Barretto, on when she'll finally work with Mark Anthony Fernandez again: "Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam."

IMAGE 0


Mark, on the other hand, seems to think it's a done deal: "Alam ko, maggi-guest ako sa Claudine Drama Special. Kung ako ang tatanungin, parang gusto ko yung The Line... The Thin Dead Line, madrama, ma-action. Alam ko na kapag kasama mo si Claudine, maganda ang proyekto and thank you... thank you na pumayag ka na i-guest mo 'ko sa show mo."


Kahapon, June 26, habang nasa pictorial, ay masayang ibinalita ni Claudine Barretto sa Startalk ang magandang karanasan nila nina Richard Gutierrez at Anne Curtis habang ginagawa ang In Your Eyes, kunsaan nagkaroon pa sila ng pagkakataon na mag-shooting sa Amerika.

"Alam ko na ang bonding namin ni Richard at ni Anne, kahit matapos na ang pelikula, will still be there. We really want to see kung ano ang tunay na pagkatao ng isa't isa.

"Nagulat ako kay Chard dahil pagdating sa mga gusto namin, sa propesyon namin, pagiging artista namin, roles namin, characters namin, pati sa script, nakikita ko na talagang nakatutok talaga siya."

MARITAL COUNSELING. Last Friday, June 19, nagkaroon ng pre-taped special ang GMA-7 for their 60th anniversary sa Araneta Coliseum. Pero kapansin-pansin daw ang absence ni Claudine sa selebrasyon ng network.

Paliwanag naman niya, "Actually, we had a TVC [TV commercial] shoot and we really, really wanted to be there."

At dahil nga sa non-appearance niya sa anniversary, may mga nag-speculate na baka raw may problemang pinagdadaanan ngayon sina Claudine at ang asawa niyang si Raymart Santiago.

"Actually, hindi ko talaga alam. But, we're okay. We're really okay. Thank God, wala naman kaming problema or nagiging problema. Wala. Walang sawa factor. Pareho lang kaming busy ngayon. Nakakagulat lang saan galing yun..." natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Alam mo kasi, kami ni Raymart, nagka-counselling kami once a month or twice a month to see our pastor. Bago pa maging problema, we deal with the problem."

Nilinaw rin ni Claudine ang tungkol sa isyung diumano'y nag-walk-out siya dahil sa napikon daw siya sa tanong ng isang reporter. Ang tanong ay may kaugnayan sa kapatid niyang si Gretchen Barretto at tipong ito raw ang isinalubong sa kanya pagkarating niya sa Amerika.

Pero ayon kay Claudine, "Hindi walkout yun. Ayoko talagang pag-usapan. Na-bad trip talaga 'ko. E, ako naman, wala naman akong image na pinoprotektahan mula noon at hanggang ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman ng tao na kapag galit ako, galit ako. Hindi naman bawal yun."

HE SAID, SHE SAID. Isa pang isyu ngayon kay Claudine ay ang pagdalaw raw niya sa taping ng Diva kunsaan si Regine Velasquez ang bida at kasama sa cast ang dating boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

Sabi naman ni Claudine, "Wala siya noong taping, noong araw na yun. I think umalis siya ng more than two hours yata. Ang dinalaw ko talaga ro'n is Direk Dom [Dominic Zapata]. And si P-Chi [Rufa Mae Quinto] nandoon. At nando'n din si Kuya Randy [Santiago] ko.

"Alam ko naman ang iiwasan at hindi pupuntahan. Pagpunta ko do'n, inalam ko talaga, sinigurado ko na wala talaga siya. Hindi naman ako bababa ng kotse or dadalaw kung nandoon siya. Para na rin lang respeto sa asawa niya, sa kanya, at sa asawa ko lalo."

Magkakasama na sana sila ni Mark sa isang movie, pero hindi nauwi sa maganda ang negosasyon kung kaya't hanggang ngayon, kahit pareho silang Kapuso, ay hindi pa rin sila nagkakasama sa isang project.

Kung saka-sakali, handa na ba siyang makatrabaho si Mark?

"Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Siguro ano, hintayin na lang natin kapag dumating ang time na yun."

On the other hand, nakausap din ng Startalk si Mark at taliwas sa sinabi ni Claudine ang naging tugon ng aktor sa sinasabing pagsasama na nilang talaga sa isang project.

Mismong si Mark ang nagsabi sa Startalk, "Alam ko, maggi-guest ako sa Claudine Drama Special. Kung ako ang tatanungin, parang gusto ko yung The Line...The Thin Dead Line, madrama, ma-action. Alam ko na kapag kasama mo si Claudine, maganda ang proyekto and thank you... thank you na pumayag ka na i-guest mo 'ko sa show mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN