Ruffa Gutierrez reveals she was still with John Lloyd when he began his relationship with Shaina

IMAGE 0


"When I found out that they are officially a couple already...inamin naman sa akin ni JL yun. And we tried naman our best to say goodbye finally. Kasi, di ba, normally when you say goodbye, goodbye na talaga? But some cases, that's really true. But sometimes for some people when you say goodbye, later hello ulit," says Ruffa Gutierrez about the relationship of John Lloyd Cruz (inset) and Shaina Magdayao.


Kung si John Lloyd Cruz ay sinabing hindi nagkasabay o nag-overlap ang relasyon niya kay Ruffa Gutierrez at sa girlfriend niya ngayong si Shaina Magdayao, iba naman ang sinasabi ni Ruffa. Ayon sa actress-TV host ay nag-overlap ang relasyon nila ni John Lloyd sa relasyon ng aktor kay Shaina.

Ito ang inihayag ni Ruffa sa panayam niya sa showbiz talk show niya sa TV5, ang Paparazzi, na ipinalabas kahapon, June 27. Ang nag-interview kay Ruffa ay ang co-host niya sa programa na si Cristy Fermin.

Ang naturang episode ng Paparazzi ay nagsilbi na ring birthday celebration ni Ruffa na nagdiwang ng kanyang 36th birthday noong June 24, Thursday. Si Ruffa ang sumalang sa "Caught" segment ng programa.

SAFETY OF HER CHILDREN. Una munang tinanong ni Cristy si Ruffa kung ano ang birthday wish niya.

"I feel blessed. Kuntento na ako sa lahat ng mga blessings na dumarating sa akin... Safety na lang ng mga anak ko, safety ko with health para sa akin. Sana humaba pa ang buhay ko para maalagaan ko pa yung mga anak ko. So, yun ang pinaka-ultimate wish ko," sabi ni Ruffa.

Bakit kasama sa birthday wishes niya ang safety nilang mag-iina? May nakaamba bang panganib sa kanila?

"Meron," pag-amin ni Ruffa. "Pero itong bagay na ito, huwag nang pag-usapan kasi isang private matter ito regarding me and my kids. Pero yung mga ibang malalapit sa akin, alam ito. So, sana yung taong may galit sa akin, sana you'll also find happiness and peace in his heart. Lahat naman ginagawa ko para alagaan yung mga anak ko. I work so hard. Emotional ako pagdating sa personal na buhay ko."

Pagkatapos nito ay naiyak na si Ruffa. Pero dugtong niya, "Alam naman natin it's regarding my ex [husband, Yilmaz Bektas]. Pero huwag na natin siyang banggitin."

ALONE IN HER ROOM. Paano ba ang isang Ruffa Gutierrez pag nag-iisa na lang sa kuwarto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Depende sa mood ko for that day. Kasi kung happy naman ako, minsan ka-telebabad ko yung mga friends ko. I play with the kids...nagdi-dress lang kami. Niri-raid ng mga anak ko yung mga closet ko. They wear my accessories. Fashionista yung mga 'yan, e. Siguro nagmana rin sa akin, mahilig sa mga sosyal na gamit.

"So it depends, e, on how I feel for that moment. Pero siyempre, kung depressed ako, e, di iiyak talaga ako. With me naman kasi, mabilis akong makapag-move on sa mga problema 'cause I have a strong support system. And I think the biggest problem that I ever faced in my life was the breakdown of my marriage. So if ever I was able to survive that, I can survive anything."

Ang puso mo ba ngayon, punong-puno? Ang puso mo ba ngayon walang laman? Sino ka ba ngayon bilang isa tao na nagmamahal?

"Right now, ang puso ko is punong-puno ng pagmamahal," sagot ni Ruffa. "Hindi dahil sa isang guy sa puso ko. But galing sa pagmamahal ng mga magulang ko, ng mga anak ko, ng mga friends ko. Right now, it's my choice na ayoko munang magkaroon ng isang serious relationship."

JOHN LLOYD CRUZ. Cristy: Sabi mo ayaw mo pa ulit na magmahal. Pero hindi natin pupuwedeng talikuran na itong mga nakaraang buwan, tumibok ang puso mo sa isang lalake na hindi kayang manindigan sa inyong relasyon. Anong nararamdaman mo pag dini-deny ka ng isang lalake?

"Itong pinag-uusapan namin, si John Lloyd," paglilinaw ni Ruffa para sa mga hindi makasunod sa usapan nila ni Cristy. "I'm very happy na at least dun sa interview [ni John Lloyd]... Kasi everybody is like waiting for my reaction na 'Anong masasabi mo na si John Lloyd umamin na sa The Buzz na sila na ni Shaina. Akala nila dun ko lang nalaman, na na-depress ako, nag-iiyak ako. Hello! Nung nalaman ko nga na ikakasal si Yilmaz, hinihintay ko na mag-emotional breakdown ako, na magwala ako, na magkulong ako sa kuwarto, it never happened. Ito pa kaya? Hello! I'm too busy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And the thing is, I already knew it a long time ago. Kasi kami naman ni JL, very open ang communication namin. So kung may problema on his part or my part, we're just a phone call away. So, hindi ako na-shock. As a matter of fact, siguro ang reaction ko, siguro just like anyone else—finally, di ba? Especially for me...ma-clear na rin ako. And alam na ng mga tao kung ano yung totoo.

"Now," patuloy niya, "with regards dun sa inamin rin niya na we had a relationship, very special, I'm very happy that he acknowledged that. Kasi pag kaming dalawa lang, he acknowledges it naman. Nakakatuwa yung sa sobrang shock ko, hindi ako...I wasn't expecting him to say that. Kasi ang usapan namin from the very beginning, was not to talk about it. Pinag-usapan talaga namin na isikreto. Kasi ako naman, even with Yilmaz, everybody found out na lang kung anong 'itsura niya after the wedding. I'm very private when it comes to my private life.

"Yes, we did special times together. Nakita ninyo, me lumabas ba? Unless we were spotted, nakunan kami ng picture sa States. Tinanggi namin talaga yun. You know, Tita Ethel Ramos called me and she said to me, basahin ko raw ang YES! magazine [July 2010 issue] kasi may feature daw si JL dun. Ayaw naman niyang sabihin kung ano yung sinabi. Basta matutuwa raw ako at tataba talaga ang puso ko."

Dagdag ni Ruffa, "I'm very thankful to JL na pinakinggan niya yung advice ko. Sabi ko sa kanya, 'Be a man and be a man of character because yun ang dala-dala mo whether sikat ka in the future or malaos ka one day.' Hopefully hindi mangyari. You know I always believe in a man of character. And you know, a man who stands by his decision. And alam ko, it's very difficult for us, the whole of last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm just so happy na every time he says something about me, it's always with respect. Kasi yun naman ang agreement namin na when we decided to have our final closure, na walang siraan, don't say bad things about each other. And I'm very, very thankful and grateful that he's doing that part of the deal."

OVERLAP ISSUE. Sunod na tanong ni Cristy: Pinagsabay ba kayo ni Shaina?

"Sinabi niya, hindi, di ba? Ang alam ko kasi, wala silang commitment. Lately lang sila nagkaroon ng commitment. So if you are not dating someone exclusively, na wala naman kayong formal na commitment sa isa't isa... depende sa agreement ninyo yun, e, di ba? I know my agreement with JL. And I don't know what his agreement is with other people," sagot ni Ruffa.

Nag-overlap ba?

"Yes," pag-amin ni Ruffa. "When I found out that they are officially a couple already...inamin naman sa akin ni JL yun. And we tried naman our best to say goodbye finally. Kasi, di ba, normally when you say goodbye, goodbye na talaga? [In] some cases, that's really true. But sometimes for some people when you say goodbye, later hello ulit."

Pero kahit inamin na ni John Lloyd kay Ruffa na sila na ni Shaina ay tuloy pa rin naman daw ang communication nilang dalawa. Nagtatawagan pa rin daw sila. Pero nag-decide na rin si Ruffa na itigil na rin ang pakikipag-usap kay John Lloyd.

"Gusto ko rin naman kasing respetuhin yung karelasyon niya ngayon," paliwanag niya.


JOHN LLOYD'S REACTION. Pagkatapos ng interview ni Ruffa ay hiningan naman ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd sa rebelasyon ng dating nakarelasyon. Pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

"Tama na. Kung ano ang sinabi niya sa Paparazzi, hanggang dun na lang yun. Tapos na," sabi ng 27-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN