Gerald Anderson on breakup rumor with Kim Chiu: "Paano namang magbi-break yung magkaibigan lang?"

IMAGE 0


"Basta gusto kong mag-grow kami bilang artista at bilang aktor at aktres siyempre. Kung kailangang maghiwalay muna, kung makakatulong naman para sa amin yun, siyempre open naman kami ni Kim sa ganoon," says Gerald Anderson about his team-up with Kim Chiu.


Nalulungkot si Gerald Anderson dahil malapit nang mamaalam sa ere ang kinabibilangan niyang drama series sa ABS-CBN, ang Kung Tayo'y Magkakalayo.

"Bale ten nights na lang kami mapapanood. Nakakalungkot na magkakahiwa-hiwalay na kami dahil naging close na kaming lahat ng cast, pati ang buong staff. Pero masaya naman ako sa support na ibinigay sa amin ng televiewers namin. Mataas ang rating namin, di ba? Kaya sobrang thankful ako sa lahat ng sumusuporta ng show mula nung umpisa at hanggang ngayong matatapos na," sabi ni Gerald nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial niya para sa isang magazine kahapon, June 27, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ano ang susunod na project na pagsasamahan nila ni Kim Chiu sa Kapamilya network?

"Wala pa namang sinasabi sa amin. Pero siguradong meron 'yan," sabi ng 21-year-old actor.

Pero bakit may balitang sa susunod na project nila ni Kim ay hindi na sila ang magkakasama o magiging partner? Kaya nang makarating ito sa Kimerald, grupo ng tagahanga nina Kim at Gerald, ay nagbanta ang mga ito na magra-rally sa ABS-CBN.

"Hindi ko pa rin kasi alam ang plano ng ABS-CBN sa amin ni Kim, e," sabi ni Gerald. "Pero excited naman ako sa mga susunod na gagawin namin kung hiwalay man o hindi. Pero siyempre, mas maganda pa rin yung kami ni Kim ang magkasama. At para na rin sa mga fans namin na gustung-gusto nilang napapanood kami together ni Kim."

Pero gusto rin ba niyang naipapareha siya sa iba maliban kay Kim?

"Basta gusto kong mag-grow kami bilang artista at bilang aktor at aktres siyempre. Kung kailangang maghiwalay muna, kung makakatulong naman para sa amin yun, siyempre open naman kami ni Kim sa ganoon," sagot niya.


JUST FRIENDS. Kumusta na ba sila ni Kim?

"Ayun, tuwing magkasama kami, lalong lumalakas ang relationship namin, yung friendship namin," ani Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Friendship lang ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Kim?

"Magkaibigan lang talaga kami. Close lang kami, ganun," sagot niya.

Bakit may balitang break na sila ni Kim samantalang wala naman silang inaamin na naging sila?

"Yun nga ang magulo, e. Sinasabi nila kami na tapos may balitang break na kami? Paano namang magbi-break yung magkaibigan lang? Friends lang talaga kami, yun lang yun," diin ni Gerald.

Hindi kaya balang araw ay bigla silang umamin ni Kim na nagkaroon sila ng relasyon after nilang mag-break? Karamihan kasi sa couples sa showbiz na nagde-deny noong una, pero nang maghiwalay ay saka lang umamin.

"Hindi siguro mangyayari yun sa amin ni Kim. Kasi friendship lang talaga ang meron sa amin," sagot ni Gerald.

MOST BEAUTIFUL STAR. Si Kim ang itinanghal na Most Beautiful Star sa special edition ng YES! magazine na 100 Most Beautiful Stars. May mga kumukuwestiyon sa pagiging number one ni Kim. Hindi raw deserving ang kapareha ni Gerald at mas marami pa raw magandang artista kesa kanya.

Ano ang reaksyon ni Gerald tungkol dito?

"Si Kim talaga ang dapat number one. Deserving siya," diretsong sagot ni Gerald, na kabilang din sa YES! 100 Most Beautiful Stars this year.

ALJUR ABRENICA. Sabi ng Kapuso star na si Aljur Abrenica ay crush niya si Kim. Ano naman ang reaction niya tungkol dito?

"Wow! Good! Siyempre sino ang hindi magkaka-crush kay Kim, maganda siya talaga, di ba?" sabi ni Gerald.

Nagti-text daw si Aljur kay Kim?

"Talaga? Wala akong alam dun."

Paano kung ligawan ni Aljur si Kim?

"Wala na akong karapatan dun. Kaibigan ko lang siya," sagot ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN