Ogie Alcasid is proud of girlfriend Regine Velasquez for being No. 7 in FHM Sexiest Women list

IMAGE 0


"I think Regine deserves something na... I don't know if it's grand, but it's something na she will always cherish. Kung anuman yun, e, she has to decide on that. Of course, with me also. Kung mangyari na yun, sisiguraduhin ko na ito ay isang moment sa buhay niya na hindi niya malilimutan," says Ogie Alcasid (in character as Kim Min Yung for Hole in the Wall) when asked if he will give Regine Velasquez a grand wedding when the time come


In character sina Ogie Alcasid at Michael V nang dumating sa press conference ng Hole in the Wall sa 17th floor ng GMA-7 last Tuesday night, June 29. Si Ogie ay si Kim Min Yung, isang Korean matinee idol, at si Michael V naman ay si Bianca, isang K-pop fan. Kaya bawat tanong sa kanila ng entertainment press during the question and answer ay in character din sila kung sumagot.

Pero hindi naman ito ang same characters na mapapanood ng viewers every week. Bawat linggo ay may makikilala ang mga manonood na bagong tauhan nina Michael V at Ogie sa Hole in the Wall.

Ayon kay Ogie, mas challenging sa kanila ni Bitoy ang third season ng Hole in the Wall, na magsisimula na sa July 5 bago ang Langit sa Piling Mo.

"Siyempre, challenge sa amin kung paano namin mabibigyang buhay ang bagong character kada linggo," sabi niya.

Ideally, dapat daw ay hindi sila uulit ng characters na ginagawa nila.


REGINE ON FHM'S SEXIEST WOMEN LIST. Masaya naman si Ogie para sa kanyang girlfriend na si Regine Velasquez, na nakapasok sa 100 Sexiest Women list ng FHM Magazine this year. (CLICK HERE to read related story.)

"Nakakatuwa, kasi seven! Pang-seven siya. Kapusong-kapuso talaga si Regine. I think, ngayon lang yata siya napasok sa Top 10. Tinawagan ko nga siya, sabi ko, 'Uy, No. 7 ka.' Sabi niya, 'Saan?' 'Sa FHM.' Tapos, sabi niya, 'Paano namang nangyari yun?'" natatawang kuwento ni Ogie.

Sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine niya raw hinahanap si Regine, pero hindi ito nakasama. Instead, sila ni Michael V ang nakasama sa kategoryang "The Peter Pans." (CLICK HERE to read related story.)

"Ako na yung most beautiful, kami [ni Michael V]. Siya [Regine] na lang yung sexiest," sabi ni Ogie.

Okey lang ba kay Ogie kung sakaling mag-pose si Regine sa cover ng FHM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na siyang ino-operan diyan, ayaw naman niya," sagot ng singer-comedian.

Humirit si Bitoy (palayaw ni Michael V) na mas willing pa si Ogie na mag-pose kesa kay Regine. Kaya sinagot naman ito ni Ogie ng: "Oo, ewan ko ba diyan sa FHM, ayaw nila."

But on a serious note, Ogie said, "That's really entirely up to her."

P-NOY'S TERM. Hindi naman kaila na isa si Ogie sa masugid na tagasuporta ng bagong Presidente ng Pilipinas na si Noynoy Aquino. Kasama rin sina Ogie at Regine sa mga nag-perform sa mismong inauguration ni President Aquino sa Quirino Grandstand kahapon, June 30, kung saan kinanta ang nilikhang awit ni Ogie na "Bagong Pilipinas."

Gaya ng lyrics ng "Bagong Pilipinas," buo ba ang paniniwala ni Ogie na mababago ni President Noynoy ang takbo ng ating bansa?

"Well, alam mo, 'yan ang hope ng kantang 'yan," sabi niya. "And this is a song of triumph kasi nagtagumpay tayo, di ba? Months ago, malay ba natin na matutuloy ang election? Malay ba natin na talagang may maihahalal tayo na Pangulo? E, naging matagumpay, di ba? Of course, may konting intri-intriga, pero naitawid natin at nandiyan na nga siya kaya nagawa namin ang 'Bagong Pilipinas.'"

Bilang isa sa masugid na tagasuporta ng bagong Pangulo ng Pilipinas, ina-anticipate na ba niya na sa loob ng anim na taon ay posibleng palagi siyang matatanong tungkol sa performance ni President Noynoy?

"Palagay ko," aniya. "Like anyone else who believes in President Noynoy, e, siyempre, he's also answerable to us. So, hindi ko sisihin ang mga nagsabing, 'Ikaw kasi, e, kinampanya mo kasi 'yan.' Hindi ko sila masisisi kasi answerable din si Noynoy sa amin. Hindi lang sa amin kung hindi sa lahat ng bumoto, nag-volunteer. At maganda na gano'n ang mentalidad ng mga supporters."

Ogie was also asked kung ano ang comment niya sa mga miyembro ng gabinete na napili ni President Noynoy para sa iba't ibang departamento ng gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, it's important naman na yung mga members of the Cabinet, e, mga trusted ni President Noynoy. Mahalaga yun, e. At loyal sa kanya. I think that's very important. I'm sure, yung mga pinili niya ay alam niyang kakampi niya at iisa ang objective nila na mapaunlad ang bansa natin," sagot ni Ogie.

MARITAL PROBLEM. Bilang isa rin sa malapit sa kapatid ni President Noynoy na si Kris Aquino, tinanong si Ogie kung may ideya ba siya sa pinagdadaanan ngayon ni Kris, na umaming hiwalay na sila ng asawa nitong si James Yap?

"Wala, e. Sa totoo lang, hindi ko alam yun. And I'm telling the truth, hindi ko alam," sagot niya.

Kung tutuusin, nanggaling na siya sa ganoong estado kaya alam daw niyang hindi ito madali. Nauwi rin sa hiwalayan ang kasal ni Ogie sa dating beauty queen na si Michelle Van Eimeren, pero nanatili naman silang mabuting magkaibigan.

"Yeah, not an easy thing. Mahirap yun. I wish them well. I pray na maging maayos. It's a long process. Mabuti na rin siguro na tahimik lang muna sila," saad ni Ogie.

WEDDING BELLS. Tungkol naman sa kanila ni Regine, matagal pa rin ba ang wedding bells?

"Wala pa, wala pa!" natatawa niyang sabi. "Ang masasabi ko lang sa inyo, ito ang ipinapangako ko sa inyo, oras na 'yan ay ma-confirm ko na, kayo ang una kong sasabihin. Siyempre, ako pa, di ba? Oras na mangyari yun, sasabihin ko."

Pero bakit nga ba natatagalan?

"Hindi ko alam," maikling sabi niya.

Naiinip na rin ba siya?

"E, in God's time 'yan. Hindi natin puwedeng pilitin. Darating 'yan, darating 'yan..." sabi niya.

If the time comes, will he give Regine a grand wedding?

"I think Regine deserves something na... I don't know if it's grand, but it's something na she will always cherish. Kung anuman yun, e, she has to decide on that. Of course, with me also. Kung mangyari na yun, sisiguraduhin ko na ito ay isang moment sa buhay niya na hindi niya malilimutan," pahayag ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN