Richard Gutierrez on relationship with Jewel Mische: "There's no reason for us to make it a big deal."

IMAGE 0


"Huwag na tayong magtanga-tangahan pa. Alam naman ng lahat, e. I mean, there's no reason for us to dwell on it. There's no reason for us to make it a big deal. I'm doing my job and what's personal is personal. I mean, yun naman ang naiiwan sa akin, e. Pero alam n'yo naman, e. Kumbaga, huwag na nating palakihin," says Richard Gutierrez about his relationship with young actress Jewel Mische.


Maraming tinatapos na projects si Richard Gutierrez ngayon dahil malapit na siyang umalis para maging host ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown. Kabilang sa tinatapos niya ay ang pelikulang In Your Eyes kasama sina Claudine Barretto at Anne Curtis.

"We're finishing the movie now. We have two days left before I leave for Survivor. I'm finishing everything before I leave. Medyo hectic ang schedule natin ngayon," pahayag ni Richard nang ma-interview siya ng entertainment press sa grand opening ng Beauty & Butter one-stop-shop sa 5th Level SM Megamall last Monday, June 28, kung saan siya naging special guest.

Handang-handa na ba siya for the reality show of GMA-7?

"Yes, oo, naka-mindset na ako. I can say na I'm ready to go. I'm really focused and nakahanda na rin yung survival gear ko," sabi ng 26-year-old actor.

Ano ang mga inihanda niyang gagamitin?

"Of course, inihanda ko yung survival gear. And nag-prepare ako ng back-up, you know, just in case, emergency stuff, ganun, basic necessities. Mahirap na kung ano mangyari, dapat handa ka. First aid kit, flashlight, ganun."

Lagi rin daw nakikipag-meeting si Richard sa GMA-7, patunay lang na excited siya sa bagong hosting experience na ito.

"Oo, it's going to be my first time to host a reality show this big. And talagang it's an honor for me to be hosting Survivor Philippines. So, I will give my best to have a great, great show."

Alam na rin daw ni Richard ang lineup ng celebrities na kasama niyang mananatili sa isang isla for 39 days.

"Alam ko na yung mga kasali sa Survivor, alam ko na yung mga castaways. Kasi a few weeks back, tinanong ako kung gusto kong malaman kung sinu-sino. Sabi ko, huwag muna kasi hindi pa ako naka-mindset. Pero ngayong naka-mindset na ako, alam ko na kung sino yung castaways. Very exciting lineup, maganda yung mix ng people. It's going to be very, very interesting," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron bang castaway na close sa kanya?

"Nung makita ko yung lineup, nakita ko merong nakatrabaho ko na. May mga castaways din na kaibigan ko. Pero number one rule din kasi sa Survivor bilang host, hindi ako puwedeng makipagkuwentuhan sa kanila, hindi ko sila puwedeng kausapin. We're very strict, and I will play my role. Wala namang personalan iyan, e. Kung seryoso ako sa island, hindi nila ako puwedeng kausapin. Ganun talaga. Pero pagkatapos ng Survivor, puwede ulit kaming magkuwentuhan," saad ni Richard.

JEWEL MISCHE. Sa more than a month niyang mawawala sa Pilipinas, sino ang mami-miss niya sa kanyang pag-alis?

"Maraming makaka-miss sa akin," biro ni Richard. "Alam mo kasi honestly, hindi ko pa alam, e. Ang mindset ko kasi nasa isla, e. Iniisip ko muna yung kailangan kong gawin. Kumbaga, napakabigat ng responsibility ko as a host, taking care of Survivor Philippines: Celebrity Showdown, na ang mindset ko nasa isla. Pagdating ko dun, at saka ko maiisip kung sino yung mga taong mami-miss ko. Pero, of course, you know, we're only human. Kaya marami tayong mami-miss."

Siyempre kasama sa mami-miss niya ang taong nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ngayon—na alam naman ng halos lahat ay walang iba kundi ang StarStruck 4 winner na si Jewel Mische. Nagpaalaman na ba sila?

"Well, of course, lahat naman ng tao... kumbaga alam naman ng lahat ng tao na celebrity ako. Siyempre kung sino man siya, alam niya na trabaho, kailangang gawin ko ito dahil trabaho. At pangarap ko rin ito, e. Pangarap kong maging part ng Survivor Philippines. So, wala munang emotions. Kumbaga, I have to stay focused," sagot ni Richard.

So, iisantabi muna niya ang lovelife?

"Hindi naman sa iisantabi. Siyempre for one month and a half, I have to stay focused. Kumbaga, hindi siya magiging madali. Naka-mindset na talaga ako. And nothing really matters now except yung sa island. Kasi malapit na akong umalis, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakadagdag kumpirmasyon pa sa totoong relasyon nila ni Jewel ang pagkakadulas ng kapatid ni Richard na si Ritchie Paul sa isang interview kung saan nabanggit nito na girlfriend ng kanyang kuya si Jewel. Ano ang naging reaksiyon niya rito? (CLICK HERE to read related story.)

"I mean, huwag na tayong magtanga-tangahan pa. Alam naman ng lahat, e. I mean, there's no reason for us to dwell on it. There's no reason for us to make it a big deal. I'm doing my job and what's personal is personal. I mean, yun naman ang naiiwan sa akin, e. Pero alam n'yo naman, e. Kumbaga, huwag na nating palakihin," sabi niya.

Bakit mas pinipili niyang maging tahimik sa kanyang lovelife ngayon?

"Well, alam naman natin yung totoo na sa showbiz magulo, di ba?" sagot ni Richard. "I mean, ayoko lang maging 'showbiz' kung anuman yung sa personal life ko. Hindi ako ganun, e. Kumbaga, totoong tao ako, e. At yung mga personal na bagay sa akin, ayoko nang palakihin. Ang palakihin natin yung mga projects natin, yung mga magpapabuti sa ating networks. So, mag-focus na muna tayo sa trabaho."

RUFFA GUTIERREZ. Hiningan din namin ng reaksiyon si Richard tungkol sa interview kay John Lloyd Cruz. Bukod sa pag-amin ng aktor na girlfriend na niya si Shaina Magdayao, inamin din ni John Lloyd ang pagkakaron niya ng "special relationship" kay Ruffa Gutierrez, na ate ni Richard.

Happy ba si Richard sa pag-aming ito ni John Lloyd?

"Yes," sagot niya. "Si Ate naman, she has remained strong. I'm very happy na happy siya ngayon. There's a lot of people behind her, supporting her including us, her family. She has great friends. Alam ng ate ko yung ginagawa niya. She's very smart. Hindi na natin kailangang pakialaman yung nasa isip niya dahil she knows what's best for her also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba ng chance na magkakilala at mag-bonding sila ni John Lloyd noong sila pa ng ate niya?

"Wala. Pareho kasi kaming busy. Nakilala ko siya, pero wala kaming time mag-bonding."

Happy rin ba si Ruffa para sa kanya?

"Happy siya para sa akin. Kaya maging happy na tayong lahat at magtulungan tayong lahat to keep moving forward for the better," sagot ni Richard.

Sa tingin niya, gagawin niya rin ba ang ginawa ni John Lloyd na pag-amin tungkol sa kanyang relationship?

"What's personal for me right now is personal. It makes me happy, quiet and peaceful. Yun ang gusto ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN