Kris Aquino clueless about her reported game show on ABS-CBN

IMAGE 0


"No, there is no such thing. I have not accepted anything," says Kris Aquino about a report that she will be doing a game show in September.


Nag-react si Kris Aquino sa inilabas na artikulo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa napipintong paggawa niya ng game show sa ABS-CBN sa September this year. (CLICK HERE to read related story.)

Ang sabi ng host actress sa PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon, "No, there is no such thing. I have not accepted anything."

Hindi pa raw alam ni Kris kung anong show ang ibibigay sa kanya ng kanyang home network pagkatapos nitong mag-resign sa showbiz talk shows na The Buzz at SNN. Ngayong linggo ay matatapos na rin ang primetime series na kinabibilangan niya, Kung Tayo'y Magkakalayo.

Nakatakdang magbakasyon sa U.S. si Kris kasama ang mga anak na sina Josh at Baby James sa darating na Huwebes, July 8. At ang pag-uusap sa pagitan niya at ng ABS-CBN management ay magaganap bago ito umalis o pagdating niya next week.

Sa artikulo ng PEP na lumabas noong June 30, ay hindi naman binanggit doon na alam na ni Kris at ni Robin Padilla na magkakaroon sila ng back-to-back noontime shows. Maging ang host ng Wowowee na si Willie Revillame, na naka-indefinite leave pa rin hanggang ngayon, ay wala pa rin umanong alam na tatanggalin na sa ere ang kanyang programa.

Kaugnay nito, naglabas din ng statement ang ABS-CBN. "These are mere speculations. They are not official," sabi ng Corporate Communications head Bong Osorio tungkol sa lumabas na report ng PEP. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN