Dennis Trillo says showing Jennylyn Mercado how a father feels helped her soften stance towards Patrick Garcia

IMAGE 0


"Kinuwentuhan ko lang naman siya [Jennylyn] kung ano ang nangyari sa akin dati. At napagdaanan ko rin yung pinagdadaanan ni Patrick ngayon. Importanteng parte ng buhay yun na makasama mo ang anak mo. Dugo sa dugo," says Dennis, who is also a single father.


Obvious ang kasiyahan ni Dennis Trillo dahil hindi pala magtatapos sa afternoon series na Gumapang Ka Sa Lusak ang pagsasama nila ng rumored girlfriend na si Jennylyn Mercado. Muli silang magtatambal sa Rosario na magiging entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

"Sobrang suwerte ko na makakatrabaho ko ulit siya," nakangiting pahayag ni Dennis kay Ricky Lo sa Startalk yesterday, July 3. Although hindi ito ang first time na gagawa sila ng pelikula. Una silang nagkasama sa Blue Moon noong 2006.

At that time, inakala ba ni Dennis na magiging sila pala ni Jennylyn?

"Wala, wala... malayo pa yun sa mga iniisip naming dalawa," ang sagot ng binata.

A DIFFERENT LEVEL. Ngayong very open na si Dennis na pag-usapan ang namamagitan sa kanila ni Jennylyn, inusisa ni Ricky kung nasaang esatado na ba sila, close friends o higit pa roon?

"Siyempre, masasabi ko na ibang level na rin. Alam mo yung palagi kaming magkasama. Lalo na ngayon, may trabaho ulit kami. Mas magkakasama kami nang matagal. Mas marami akong nalalaman tungkol sa kanya. At ganoon din naman siya sa akin."

Tinanong ni Ricky kung faithful daw ba si Dennis.

"Siyempre naman," sagot ng aktor. Stick to one at one at a time, sagot pa niya sa pangungulit ng Startalk host.

"Dapat, di ba?" nakangiti niyang sabi. "Mahirap yung magkakasabay. Sa mga pinagdaanan na rin namin, mahirap ang gulo."

Saan ba sila compatible ni Jennylyn, bukod sa may kanya-kanya na silang anak?

"Taurus kami pareho. May 12 ako, May 15 siya. Pareho rin kaming mahilig sa music. Minsan nagka-clash din."

TOO SOON FOR MARRIAGE TALK. Posible raw kayang si Jen na nga ang babaeng pakakasalan niya?

"Masyadong maaga. Siyempre ano 'yan, e, ang kasal, ibang usapan na 'yan. Totally different level na yun. Kami ni Jen, nagsisimula pa lamang. Ilang months pa lang din naman kaming naging sobrang close. Kailangang makilala pa rin namin nang husto ang isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Although sobrang close na kami, marami pa kaming kailangang matutunan at malaman sa pag-uugali ng bawat isa."

Tumitingin pa ba siya sa ibang girls?

"Hindi na, e," nakangiti niyang sagot. "Para na akong naka-blinders, yung sa kabayo? Pero siyempre, ayoko na rin magkaroon ng poproblemahin. Magiging problema pa."

EMPATHY FOR PATRICK. Kamakailan ay nakita at nayakap na ni Patrick Garcia sa wakas ang anak nila ni Jennylyn. Sinasabing instrumental daw si Dennis sa pagpapalambot ng puso ni Jen sa ama ng anak.

"Nag-usap kami [ni Jennylyn]," kuwento ni Dennis. "Pero siyempre, malaking part ng desisyon ay nanggaling sa kanya. Ako lang naman, kinuwentuhan ko lang naman siya kung ano ang nangyari sa akin dati. At napagdaanan ko rin yung pinagdadaanan ni Patrick ngayon.

"Siyempre, alam ko yung pakiramdam na yun at siyempre, malaking magagawa no'n kapag nagkita yung mag-ama. Ano yun, e, importanteng parte ng buhay yun na makasama mo ang anak mo. Dugo sa dugo."

Masaya naman daw si Patrick sa kung ano man ang namamagitan kina Dennis at Jennylyn ngayon.

"Talaga? Well, thank you," nakangiting sagot naman ni Dennis. "Siyempre, hindi ko naman alam kung ano ang naiisip niya. Pero kung ganoon man, thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN