Jodi Sta. Maria and friends hold fundraising event for Angelika dela Cruz's ailing brother

IMAGE 0


"Napakatibay na babae," is how Jodi describes close friend Angelika dela Cruz, who continues to hold up under her Job-like trials. Brother Erick, 19, underwent emergency surgery for a collapsed lung less than three weeks after Angelika's other younger brother Edward died in a vehicular accident.


Sa five-part horror film na Cinco, bida si Jodi Sta. Maria sa episode na "Paa" na first directorial job ni Enrico Santos.

Iilang horror films pa lang ang nagagawa ni Jodi, na mas kilala sa drama, at aminado siyang matsa-challenge siya dito, lalo pa't sa buong buhay niya'y hindi pa siya nakaka-experience ng multo. Kaya "hindi ko pa alam ang feelings talaga. Pero, ayokong magkaroon, if ever!" natatawa niyang pahayag sa press conference sa Aristocrat sa Roxas Boulevard last Thursday, July 1.

Pero feeling daw niya, maraming matatakot sa Cinco, na ipapalabas na sa mga sinehan sa July 14.

"Honestly, binabasa ko pa lang ang script, parang natatakot na 'ko, e. Kasi, yung episode, tatakbo lang siya ng 20 minutes. So feeling ko, walang room para lumaylay ang story. Parang lahat, ang taas. Bawat eksena, bawat sequence, may magaganap. Bawal mag-CR. Hindi ka puwedeng maka-miss ng kahit isang sequence sa pelikulang ito."

LIFE EXPERIENCE AS ACTING TOOL. Marami ang nakapansin na tila kung kailan nagkaroon ng asawa't anak si Jodi, saka pa siya mas lalong naging visible sa showbiz. Saan nangagaling yung sipag niya ngayon sa pag-aartista?

"E, kasi, sobrang nae-enjoy ko talaga. Nagkakataon na lahat ng nao-offer, lahat ng nagagawa ko, mga gusto kong gawin. E, ako naman talaga, walang malaki, walang maliit na role. Ang tinitingnan ko yung importansiya, yung essence ng character."

Kahit noong panahon pa ng Tabing-Ilog, ang youth-oriented drama series sa Channel 2 na tumakbo mula 1999 hanggang 2003, marami na ang nakapuna sa potensiyal niya sa pag-arte dito. Pero, parang ngayon lang siya napapansin nang husto at nabibigyan ng opportunity.

"Siguro, dumating lang ang time na nag-swak lang lahat. Siyempre, malaking factor na kung nasaan ako ngayon sa life ko na may anak ako, may asawa 'ko, gano'n. At saka, siyempre, mas marami kang na-discover sa sarili mo. Mas maraming pinaghuhugutan... At hindi lang yun. Nagkataon na ito yung time na yung mga nabigay na mga roles. Sinuwerte ako sa mga roles at sa mga nagdaang taon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sinasabi niyang "pinaghuhugutan" niya, isa na ba rito ang napabalitang on the rocks daw ang marriage nila ni Pampi Lacson noong 2007?

"I think naman, sa isang relationship, hindi mo puwedeng sabihin na forever na smooth sailing 'yan, e. May mga times talaga na medyo nagkakaproblema. Pero ang importante naman do'n, naaayos."

Paano niya made-describe ang buhay nilang mag-asawa ngayong five years na ang marriage nila?

"I think, parang adjustment pa rin."

A HELPING HAND FOR OTHERS. Sa press conference, hindi nawala sa usapan ang ginagawa niyang pagtulong sa kaibigang si Angelika dela Cruz na ang adopted brother na si Erick, 19, ay naka-confine ngayon sa Lung Center matapos maoperahan noong June 25 dahil sa pneumothorax o collapsed lung.

Nag-tweet si Jodi sa mga kakilala at news oulets na magsasagawa silang mga kaibigan ni Angelika ng fundraiser para kay Erick sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, Quezon City on July 10.

"Si Shine [palayaw ni Angelika], matagal ko nang kaibigan. At alam naman natin ang nangyari sa kanya, di ba? Namatayan siya ng brother [si Edward, sa vehicular accident noong June 7]. And now, hindi pa man siya nakaka-get over do'n, may panibagong dagok na naman na dumating sa life nila...

"Parang pinaka-least na lang na magagawa namin is tumulong sa ganitong pamamaraan. So, we came up with a fundraising event para yung proceeds no'n, mapupunta sa kanya."

Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jodi na tila may plano na silang gawan ng pangalan ang grupo nilang nagsasagawa ng mga fundraising for those in need.

Aniya, "Actually, wala pa kaming grupo. Ang nagtutulungan pa rin dito is the same group that helped Francine [Prieto, para sa inang nagka-cervical cancer], so, siguro yun lang. Yun ang comment sa aming lahat na gusto naming tumulong sa mga kaibigan or sa mga taong nangangailangan. Pero na-plan nga namin na, 'Bakit hindi nga tayo gumawa ng isang group? Kumbaga, iisa lang naman ang gusto natin, na gusto nating makatulong.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELIKA, "KUMAKAPIT, LUMALABAN." Ilan sa mga na-mention na involved sa grupo nila ay sina Anne Curtis at Diana Zubiri. Open daw sa public ang fundraising nila.

"Ang ginagawa kasi namin, nagpo-post kami ng details sa Facebook at siyempre, nasa Twitter rin. Ginagawa namin, nag-iiwan kami ng account number, account name, kung anong bangko. So, kung gusto nilang makatulong at kung hindi man sila makakapunta sa fundraising event namin, puwedeng mag-deposit na lang sila."

Ano ang naging reaction ni Angelika at ng pamilya Dela Cruz sa aksyon nilang ito?

"Si Shine naman po, kapag nakakausap ko naman po siya, she's very thankful naman po na may naghe-help sa family niya...

"I admire Angelika because she's a very strong woman. After ng lahat-lahat po ng nangyari sa kanya, nawala si Edward, nagkasakit si Erick and yung time na yun, nagkasakit pa si Daddy. Kumbaga, nandiyan pa rin siya. She's sane. Kumbaga, kumakapit. Lumalaban. Napakatibay na babae."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN