Rufa Mae Quinto on whether Mikey Arroyo is Mr. M: "Para matapos na, siya ang tanungin n'yo."

IMAGE 0


"Basta ako, wala akong ginagawang masama. Kung sinuman ang sinasabi nila, okey lang sa akin. Basta ang importante, I'm happy, I'm doing my job. Kung tungkol kay Mikey Arroyo, okay, para matapos na, siya ang tanungin n'yo. Dahil ako, wala akong sinasabi tungkol sa kanya. Hindi ko sinasabi na siya si Mr. M at wala akong masasabi talaga, e," says Rufa Mae Quinto about mystery man linked to her.


Noong June 27 episode ng Showbiz Central ay napili ng entertainment columnist na si Ricky Lo si Rufa Mae Quinto among the hosts of the show upang umupo sa special edition ng segment na "Don't Lie To Me." Dito nga lumabas ang codename na "Mr. M" bilang pantukoy sa hanggang ngayon ay hindi pa rin mapangalanang fiancé raw ng sexy comedienne.

May lumabas na balitang hindi na raw matutuloy ang kasal ni Rufa Mae kay "Mr. M", pero itinanggi ito ng aktres at sinabing tuloy, pero hindi pa nga lang niya alam kung kailan.

MYSTERY BOYFRIEND. Kahapon, July 4, sa Showbiz Central pa rin, ang mga co-host niyang sina John "Sweet" Lapus, Raymond Gutierrez, at Pia Guanio ang nagtanong at umurirat kay Rufa Mae kung sino nga ba talaga ang Mr. M.

Hindi kaya Mr. M ang code name ni Rufa Mae sa kanyang mystery boyfriend dahil may letter M sa pangalan nito?

"E, siguro naman may M ang name niya, di ba? Ako nga, meron, Rufa Mae!" natatawang sagot ng komedyana.

Ayon naman kay Sweet, naiintindihan nila kung gusto ni Rufa Mae na maging private this time ang kanyang lovelife. Pero dahil hindi napapangalanan at napag-uusapan naman, nagsanga-sanga na ang isyu.

Sang-ayon naman ni Rufa Mae rito. Aniya, "Oo nga. Hindi na ako sensitive. Alam ko naman ang totoong nangyari. Kumbaga, bilang may kapartner, kung mawala man ang lahat, ayawan ako, wala na akong magagawa. Pero ang importante sa akin, solid ako, pamilya ko. Alam ng Diyos ang totoo. At kayong mga friends ko, alam n'yo ang totoo. Nirerespeto n'yo lang siguro ako."

Tinanong naman ni Pia si Rufa Mae kung nanggaling ba mismo sa guy at ito ang request na gawing private ang relationship nila.

"Actually, hindi naman," sagot ni Rufa Mae. "Huwag lang sigurong garapalan ang labas ko sa TV. Yung name-dropping pa. Pero parang naman nandito ako, usapang kasalan pa rin, di ba? Nandito ako nagpapa-interview. Sumasagot naman. Masaya naman ako palagi. Wala naman siyang kontra. Mukhang happy naman siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Raymond asked Rufa Mae kung kailan niya ipakikilala, lalo na sa mga fans niya, si Mr. M o ang mystery guy sa buhay niya. Bilang isang artista, Raymond believes that she owes it to her fans.

"Well, yun ang hindi ko pa naitatanong sa kanya. Kasi, ayoko naman nang puwersahan, di ba? Bahala na siya. Ngayon, kung nanonood siya, i-text na lang kayo at please lang, lahat ng tanong n'yo, sagutin na lang niya," sabi ni Rufa Mae.

Tuloy pa ba ang kasal?

"Alam n'yo, para wala na lang maraming sanga-sanga pa, isa na lang ang litanya ko na puwedeng sabihin—we will see when we get there. Or in Tagalog, sa tamang takdang panahon, malalaman nila. Time will reveal," pahayag ng sexy comedienne.

Saan ba ang magiging kasalan?

"Yun nga ang pinag-iisipan ko nga. If ever, out of town lang. Gusto ko sa Amanpulo or sa Paris. Depende nga kung saan. Alam n'yo po ang pagpapakasal, mahirap, a. Taon 'yan! At hindi parang kanin na isusubo lang, tapos luluwain mo, di ba?" paliwanag ni Rufa Mae.

MIKEY ARROYO. Noong nakaraang linggo ay nabanggit ni Ricky Lo ang "First Family" kaya marami ang nag-assume na ang Arroyo family ang tinutukoy nito. Bakit nadamay ang mga Arroyo?

"Kasi tinanong niya ako kung sa Malacañang, nag-dinner, which is true naman, I said yes. So, anong masama, di ba? Tapos, kung involved sila, sila na lang din ang tanungin. Nakakahiya, e. Nakakahiya man sa kanila. Pero kung anuman ang gusto n'yong tanungin, sila na lang ang tanungin n'yo, kung sinuman sa kanila.

"Seriously, kung gusto n'yong tanungin si Mikey Arroyo, tanungin n'yo siya. Kasi ang hirap, e. Ang dami nang nadadamay. Ako na magsasabi, tanungin n'yo na lang siya," saad ni Rufa Mae na sa unang pagkakataon ay binanggit ang pangalan ng anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating kongresista na si Mikey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sweet, it's a good thing na pinangalanan na ni Rufa Mae si Mikey dahil bilang kaibigan, siya raw ang nasasaktan kapag pinagtsitsismisan siya na "other woman." Alam naman kasi ng lahat na may-asawa na si Mikey.

"Kailan ba nila ako hindi pinagtsismisan?" sambit naman ni Rufa Mae.

Dagdag niya, "Basta ako, wala akong ginagawang masama. Kung sinuman ang sinasabi nila, okey lang sa akin. Basta ang importante, I'm happy, I'm doing my job. Kung tungkol kay Mikey Arroyo, okay, para matapos na, siya ang tanungin n'yo. Dahil ako, wala akong sinasabi tungkol sa kanya. Hindi ko sinasabi na siya si Mr. M at wala akong masasabi talaga, e. Ano sasabihin ko, di ba?

"At saka nirerespeto ko po lahat ng sinasabi nila. Whether masama, other woman or whatever, ano pa ba ang bago? Magiging sensitive pa ba ako? Ngayon pa ba ako bibigay? Ang mga fans!" natawa pa niyang sabi.

Sa huli, may mensahe si Rufa Mae nang magkabiruan sa kanyang kasuotan noong hapong iyon. Aniya, P200,000 daw ang halaga ng suot niya. Binili raw niya ito at may discount.

"Pinaghirapan ko po ang lahat," mariing sabi ni Rufa Mae. "Kung anuman po ang gagawin ko sa buhay ko, kung hindi n'yo man po respetuhin, okay lang. Basta ako, nirerespeto ko ang sarili ko. Yung mga pangalang ini-involve nila, nirerespeto ko at sana naman, hindi ko alam... Ang priority ko, trabaho. May bago akong sitcom. Pero next month pa 'yan. Meron pa akong Diva."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN