Jomari Yllana reunites with Direk Marilou Diaz-Abaya in Peñafrancia movie

IMAGE 0


Actor-concert producer Jomari Yllana is slated to do a new movie about the fiesta of Peñafrancia in Bicol. This will be directed by award-winning director Marilou Diaz Abaya, whom Jomari first worked with in Sa Pusod ng Dagat.


May bagong gagawing pelikula ang aktor na si Jomari Yllana sa direksiyon ng multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya. Ito ay ang kontrobersiyal na Ina (working title), na tribute sa 300th foundation ng Our Lady of Peñafrancia sa Bicol. Unang nagkatrabaho sina Jomari at Direk Marilou sa critically-acclaimed film na Sa Pusod ng Dagat ng GMA Films.

Originally, ang Ina ay dapat ipu-produce ng Unitel Pictures (producer ng Crying Ladies at La Visa Loca). Nakapag-shooting na rin dito ng ilang araw ang orihinal na bida na si Judy Ann Santos, at makakasama rin sana sa cast ang asawa nitong si Ryan Agoncillo.

Kaso, habang nagsisimula pa lamang ang shooting ay nabuntis si Juday at unti-unti nang lumalaki ang tiyan nito't nagpunta pa ang mag-asawa sa abroad. Ang ending, ang dinig nami'y nag-backout na sa project ang Unitel Pictures ngunit desidido pa rin itong ituloy ni Direk Marilou. This time under her film company.

MOVIE ABOUT PEÑAFRANCIA. Kuwento ni Jomari sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Hindi pa kami nagkikita ni Marilou, yung line producer lang niya ang kumakausap sa akin. Ang invitation niya sa akin is parang independent. So, production siya ni Marilou. I decided na I will not ask for any talent fee. Yung pamilya ko is a devotee of Peñafrancia. Di ba, taga-Bicol kami? I decided na hindi ako maniningil. Kaya lang, hindi pa alam ni Marilou.

"Ganito kasi 'yan, for a number of decades, yung lolo ko, si Monsignor Florencio Yllana, siya yung naging parish priest ng Peñafrancia Church. Namatay siya 1995, naabutan ko 'to. Inalagaan niya 'yan, nasa poder niya 'yan. Yung family ko, both Garchitorena and Yllana, ay devotees ng Peñafrancia. 'Yan yung nagpi-fiesta tuwing September sa Bicol, e. Hindi ko magawa na kumita or...parang offering na lang ito ng family ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi na lang niya i-donate ang kanyang talent fee sa Peñafrancia?

"Ganito 'yan, e. It's an independent film anyway. Alam mo naman kung magkano ang TF na ibinibigay sa mga indie, e. Pinadalhan ako ng outline ni Marilou. Lahat ng documents, ipinadala sa akin. Tapos, yung contracts, ipinadala rin sa akin, yung schedule... So, after checking everything kung okay sa schedule ko... E, nakalagay do'n, maliwanag na she's [Direk Marilou] doing it for charity also. Pro bono siya dito, e. Devotee rin siya. So, nag-decide ako. Bakit ako maniningil dito? Parang gano'n.

"It's the same film na shinoot na ni Juday and Ryan. I don't know kung nag-revise sila, I also don't know if they'd change the title... Alam kong nag-shoot na sila, nabuntis si Juday, tapos hindi na nila matuloy. So yung nalaman kong Juday-Ryan, nalaman ko from Direk Chito [Roño] nung nagte-taping kami ng Imortal. Pero hindi sinabi sa akin ang backstory. Pero umoo na ako," lahad ni Jomari.

Sabi ni Ryan sa interview nito on TV ay na-offend sila sa ginawa ni Direk Marilou. Nasa abroad daw sila ni Juday nang mabalitaang kukuha na ng ibang actors for the film.

Ano ang reaksiyon dito ni Jomari?

"Basta ang alam ko, in-offer sa akin, umoo ako. Kasama ko si Iza [Calzado]," sagot niya.

CONCERT PRODUCER. Noon namang June 22 sa Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ay pinarangalan ang Missing You concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera bilang Concert of the Year (2009). Ang Fearless Productions nina Jomari ang nag-produce ng naturang concert.

"Tinanggap namin ni Ronald yung award," banggit ni Jomari. "Masaya kami for that siyempre. Si Ronald, he's so excited nung una kong ibinalita sa kanya yun."

Na-inspire ba sila sa nasabing award as concert producers?

"Nakakagana yung ganyan," sagot niya. "Si Ronald, ginanahan. Meron siyang bagong concept na sinasabi sa akin, bago pa lang... It's a very big concept for an artist, nasa drawing board pa lang. Malaki. It's for the Filipino artist. Kasi sabi ni Ronald, 'Papunta tayo nang papunta ng foreign artists, paano naman yung local?' Yung Pinoy, local artists."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaroon ng gusot noon sa pagitan nina Jomari at Martin nang mag-break ang aktor at si Pops, na ex-wife naman ng Concert King. Okay na ba sila?

"Wala naman akong dala-dalang negative vibes for them. Ako naman, pagdating sa speech, bahala na kung ano ang lalabas sa bibig ko," sabi ni Jomari.

Kumusta sila ni Pops ngayon, na naging espesyal sa puso niya before?

"Okay naman kami ni Pops, e," sagot niya. "Nagpunta siya nung wake ng kapatid ko [Robbie], pati si Ara [Mina]. At sa libing, nagpunta si Aiko [Melendez, his ex-wife]. Hindi sila nagsabay-sabay."

LOSING CANDIDATES. Ano ang masasabi ni Jomari na hindi sinuwerte sa eleksiyon sina Aiko at Ara nang tumakbo ang mga ito bilang vice mayor at councilor, respectively, sa Quezon City noong nakaraang eleksiyon?

"Nalungkot ako sa lahat ng artistang hindi nanalo na alam kong deserving. Most of them... Si Anjo [Yllana, his brother], si Joey [Marquez], si Rico J [Puno], si Aiko, si Ara, si Cesar [Montano]... " sagot niya.

Paano tinanggap ng utol niyang si Anjo ang pagkatalo bilang vice mayor ng Parañaque?

"Malungkot. Pero dahil more on sa namatay ang kapatid namin. Yung pagkatalo, wala yun, e. Mas affected si Anjo sa pagkamatay ng kapatid namin, kasi sila yung close. Makikita mo sa TV, malungkot ang mga mata niya.

"Ako naman, puro trabaho para di ako mainip. Mabuti nga, nagkataon na marami akong trabaho, e. Mas nalulungkot ako pag nasa bahay ako na wala akong ginagawa. Nababagot ako."

MARIE DIGBY. Isa pang napagkuwentuhan namin ni Jomari ay si Marie Digby, ang YouTube sensation at magandang foreign singer na dinala rin nila rito sa Pilipinas last year upang mag-concert.

Ano ang masasabi niya at nali-link ngayon si Marie sa aktor na si Sam Milby?

"Masaya ako for them," sagot ni Jomari. "Number one, we have an American-Japanese na international artist na nali-link sa isang Pinoy [Sam], sikat na artista, na taga-Channel 2. They can exchange cultures and all. It's good for everyone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, "Kinokontak ako ng The Buzz, nagpakilala. 'Sir Jom, si ganito po ng The Buzz, puwede ho bang makuha ang contact numbers ni Marie?' Ang sabi ko, 'Bakit, para saan?' Di na siya sumagot! Later on, nalaman kong may nagaganap na pala!"

Ipinaubaya na ba niya si Marie kay Sam?

"Wala naman akong kailangang ipaubaya. Personal naman yung sa kanila, e. Yung relationship naman namin ni Marie in the past is purely professional," nakangiti niyang sabi.

Happy ba siya for Marie and Sam kung sakaling magkatuluyan ang mga ito?

"Hindi ko siya pinilit, kusa niya akong minahal!" natatawang biro nito.

May bali-balita rin na nagkaroon ng short-lived romance sina Jomari at Marie noon. Totoo ba ito?

"No comment!" tawa ni Jomari. "Wala talaga...professional kuno lang. Pero wala talaga, walang romantic na ano... Walang romance, walang ligawan. Sandali lang siya dito, e, inalagaan lang namin."

Pero biro niya, "Una siyang naging akin!" Sabay bawi ng, "Walang romantic angle, professional level lang."

Totoo bang pinag-shopping niya noon si Marie?

"Nag-request 'yan na mag-Intramuros, so pinadala namin siya. Lahat ng ni-request, binigay naman namin. She just wanted to go around, in one whole day na nag-ikot siya, di na namin sinamahan. Binigyan namin ng security and driver. Nagpaka-turista. Pero after nung concert, lumabas kami, nag-The Fort kami. Party. Yun lang 'yon," paliwanag ni Jomari.

Ano ba ang pinag-shopping niya for Marie noong nandito siya?

"Lahat ng ni-request niya nung nandito siya," sagot niya. "Pero hindi ako kasama, e. Hindi ko maalala kung anu-anong requests niyang pinamili, e. Ang naalala ko lang na request niya ay gusto sana niyang mag-Tagaytay. Gusto niyang makita yung Taal.

"Okey kami. We were ready to send a chopper and everything. Ang problema, masyadong malayo. So we decided na mag-Intramuros na lang. So, may binuo akong grupo, na merong security na mag-aalaga sa kanila, dinala sila sa Intramuros."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi siya ang personal na sumama?

"Pagod na kami noon, e," aniya.

May attraction ba siya dati kay Marie?

"Type ko siya as an artist. Type ko siya as a performer. Mabait siyang tao. Gano'n yung attraction ko sa kanya. Mabait talaga siya," sagot ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN