Singer Ronnie Liang: "My imperfection makes me beautiful."

IMAGE 0


Calayan Surgicenter's latest billboard hunk says he's not afraid of the gay tag... not that he is. "Masaya nga ang ganyang isyu, hindi lang yung puro serious topic. Negative publicity man 'yan o positive, it's still publicity. Saka hindi naman ako magiging diva, sure ako d'yan," said the game singer, who has a bachelor's degree in elementary education, major in general science, physics, chemistry and biology.


Kaliga na ngayon ng singer na si Ronnie Liang ang mga katulad nina Lea Salonga, Gary Valenciano, Yeng Constantino, Bianca Gonzalez at Apo Hiking Society, dahil isa na rin siyang endorser ng DepEd o Department of Education para sa Brigada Eskuwela.

Ang nasabing brigada ay may kinalaman sa kampanya ng "bayanihan" bilang pagmumulat sa kaisipan ng mga mag-aaral na dapat magtulungan ang lahat para sa ikakaganda ng kanilang paaralan.

"Magsu-shoot kami ng music video at commercial to promote Brigada Eskuwela," pagbabalita ng singer. Naka-adopt na raw siya ng mahigit isang daang paaralan na handa niyang puntahan upang palaganapin ang alituntunin ng nasabing brigada.

Nakapagtapos si Ronnie ng Bachelor of Elementary Education, major in General Science, Physics, Chemistry at Biology, at ito ang naging pasaporte niya para maging endorser ng Brigada Eskuwela.

"Tuwing may campaign ako, very proud sa akin ang mga teachers dahil hindi lang ako singer kundi isa ring guro."

NOT AFRAID OF THE GAY TAG. Naganap ang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mang-aawit sa pictorial session nito para sa bagong billboard ng Calayan Surgicenter, kasama ang dalawa pang bagong celebrity endorsers na sina Bangs Garcia at Kian Kazemi.

Kung ang ibang aktor ay takot mabalita o matsismis na gay, kakaiba ang drama ni Ronnie dahil ikinakatuwa pa niya ito.

"Hindi po ako apektado sa ganyang isyu," sabi ni Mr. Ngiti. "Masaya nga ang ganyang isyu, hindi lang yung puro serious topic. Negative publicity man 'yan o positive, it's still publicity. Saka hindi naman ako magiging diva, sure ako d'yan."

Pero, habang katsikahan ng PEP, ay nag-diva-divahan ito. Natawa lang siya dahil hindi niya nakayang bumirit ng falsetto.

Sa nasabing huntahan ay nilinaw niya na medyo naghihinayang siya sa kanyang pag-alis sa male quartet na VOIZboys. Ayon sa kanya, dapat niyang irespeto ang desisyon ng kanyang manager at ng Universal Records dahil magkakaroon ng conflict of interest. Isa siyang exclusive solo artist ng UR at mayroon na siyang nagawang album para dito kaya imposibleng makapag-record pa siya ng album kasama ang VOIZboys na nasa ilalim ng ibang label.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw din niya na kaya hindi na siya napapanood sa ASAP XV ay dahil tapos na ang kanyang kontrata. May alok sa kanya ang Party Pilipinas ng GMA-7 pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa ito. Nakapag-guest na siya sa Dis Iz It bilang hurado at nagpaunlak din siya ng kanta.

THE BODY AS TEMPLE. Inamin niyang matagal na siyang nagpapa-service sa Calayan clinic. Nagpa-facial treatment siya at kapag lumalaki ang kanyang tiyan ay nagpapa-laser siya.

Ayon sa kanya, takot siya sa dugo kaya hanggang facial lang siya. Wala raw siyang ipababago sa katawan dahil kumportable siya sa kung anumang ibinigay sa kanya ng Diyos. Aniya, "My imperfection makes me beautiful pero I do respect din naman doon sa mga gustong magpaganda kay Doc Manny, personal choice nila yun."

Dagdag nito, kung dumating ang panahong kailangan na niyang magpa-"Thank You, Doc" dahil sa paglaki ng tiyan, papayag na siyang magparetoke. Mayroon siyang paniniwalang ang katawan natin ay isang templo ng Panginoon na kailangan maging fit and healthy, kaya gagawin niyang mapanatili ang kalusugan ng katawan sa tulong ng siyensya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN