Toni Gonzaga keeps mum about reported entry to The Buzz

IMAGE 0


"Right now, wala akong puwedeng sabihin about it. Basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari," says Toni Gonzaga about her reported entry to The Buzz.


Marami ang nag-abang last Sunday, July 4, kay Toni Gonzaga sa The Buzz dahil pumutok ang balita na siya ang papalit kay Kris Aquino sa nasabing showbiz talk show ng ABS-CBN. Pero walang Toni na lumabas sa live presentation ng The Buzz noong araw na yun.

Pinagtakhan ng marami ang no-show ni Toni. Kasabay nito ang paglabas ng balita nitong mga nakaraang araw na bukod kay Toni ay papasok din daw sa The Buzz ang nagbabalik-telebsiyon na si Charlene Gonzalez.

Ilang oras bago umere ang The Buzz last Sunday ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa dressing room ng ASAP XV. Medyo iwas pang magbigay ng detalye ang TV host-actress-singer sa mga mangyayari at plano ng management ng ABS-CBN, kasama na ang nababalitang pagpasok niya sa The Buzz.

"Hindi ko alam, e, ang hirap pang magsalita," sabi niya. "Right now, wala akong puwedeng sabihin about it. Basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari."

Sa kabila ng mga balita, sinabi ni Toni na masaya siya sa paghu-host ng isa pang showbiz talk show ng ABS-CBN, ang Entertainment Live, kasama sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, at Luis Manzano. Lalo na't dito unang nakilala ang husay niya sa pag-host ng ganitong show. Pero ang desisyon kung lilipat siya sa The Buzz ay manggagaling pa rin daw sa management.

"We started in E-Live three years ago. Magti-three years na kami this August. And first time kong naka-experience ng Best Female Talk Show Host [award] dahil sa E-Live, so malaki ang pasasalamat ko sa show na ito. E-Live taught me a lot and I've learned so much from E-Live. Lahat naman nasa desisyon ng mga tao na nasa itaas, lahat naman 'yan nasa decision ng management," saad niya.

Pero sa pagkakaalam ng PEP, sa susunod na Linggo, July 11, papasok si Toni at maging si Charlene sa The Buzz, kasabay ng pagre-reformat ng show. Kasama pa rin bilang hosts ng programa sina Boy Abunda at KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH ROBIN. Sa ibang balita, pansamantalang natigil ang shooting ng pelikulang pinagtatambalan nina Toni at Robin Padilla. Lumitaw ang pangalan ng ina ni Toni na si Mommy Pinty, na siya raw ang may ayaw na tapusin ng anak ang nasabing pelikula ng Star Cinema. Sa pagkakadiin ng pangalan ng kanyang ina, ipinagtanggol ito agad ni Toni, lalo na't magre-resume na raw sila ng shooting.

"Resume kami this week," paliwanag niya. "Hindi totoo yung kay Mommy. Siyempre may mga tao na mahilig na magbigay ng speculations, lalo na sa industriya natin na pag kaunting delay, may problema, ginagawan na ng issues agad. Minsan yung iniisip nilang haka-haka, sinsulat nila agad, 'kala nila confirmed agad, na di naman.

"Matagal nang issue 'yan, tapos na 'yan. Alam namin kung ano talaga ang dahilan kung bakit nag-stop kami for a while. Basta resumed na kami this week and di na kami titigil kasi may playdate na kami," paniniguro ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN