Pokwang on Mariel-Zanjoe breakup: "Hindi nila niloko ang isa't isa."

IMAGE 0


"Iba, kakaibang Pokwang 'to, e. Iniba kami ni Direk Cathy [Garcia Molina] rito. Inilayo niya kami sa Pokwang na every day akong napapanood. So, very challenging ang mga pinagawa sa amin. Yung mga hirap, pagod, puyat, heto na..." says Pokwang about her role in the horror film Cinco

.


Pagkatapos ng press conference ng pelikulang Cinco ng Star Cinema noong Miyerkules, July 7, ay ginanap naman ang "Cinco Night" sa Guilly's restaurant sa Tomas Morato kinabukasan, July 8. Mistulang napaaga ang Halloween dahil sa games at costume party kung saan nagkaroon ng chance ang fans na makasama ang stars ng Cinco.

Ang komedyanang si Pokwang, na tampok sa "Puso" episode ng Cinco, ang bukod-tanging nag-effort sa cast members na dumating nang naka-costume bilang taong daga.

Kung hindi nagkaroon ng chance ang entertainment press na makausap ang cast individually noong press conference ng Cinco, nagpaunlak naman ng interview si Pokwang during the "Cinco Night."

When asked about her costume, natatawa nitong sabi na yun na raw kasi sa tingin niya ang pinakamadaling isuot. "Pinatahi ko pa 'to," banggit niya.

BABAENG WALANG PAHINGA. Marami na rin namang nagawang pelikula si Pokwang, pero bakit tila iba ang excitement niya sa Cinco, to think na hindi full-length ang exposure niya rito dahil hinati-hati sa five episodes ang pelikula?

"Excited talaga, excited kaming lahat!" bulalas niya. "Masaya kami nang gawin ang movie na ito kaya ibinibigay ko ang buong-buong suporta ko. Yung episode naman namin ni Zanjoe [Marudo], 30 minutes."

Feeling ni Pokwang, bago ang mapapanood sa kanya ng mga tao sa Cinco.

"Iba, kakaibang Pokwang 'to, e. Iniba kami ni Direk Cathy [Garcia Molina] rito. Inilayo niya kami sa Pokwang na every day akong napapanood. So, very challenging ang mga pinagawa sa amin. Yung mga hirap, pagod, puyat, heto na..." pahayag ng Wowowee co-host.

Si Pokwang yata ang isa sa mga Kapamilya star na wala na halos pahinga?

"Meron naman. Pero maganda na yung sabi nga nila, hanggang mainit pa, go nang go!" natatawa niyang sabi.

Supposedly, Sunday raw ang pinaka-rest day niya, although nagagamit pa rin ito paminsan-minsan.

"May mga pelikulang nagagawa kaya yung Sunday, nauutang muna nila. Okey lang naman, naiintindihan ko naman kasi kailangan talagang pagandahin ang pelikula. Wala munang pahinga. Kasi kapag nakita mo naman ang kinalabasan, daig mo pa ang nagpahinga nang bonggang-bongga sa tuwa," saad ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag mga ganoong sitwasyon, paano siya bumabawi ng oras sa anak?

"Naiintindihan naman niya," sagot niya. "Sinasabi ko naman sa kanya kung bakit ako nagpapakapagod ng ganito. Sinabi ko rin sa kanya na, 'Ang trabaho ng Mama mo, hindi panghabambuhay kaya pinag-iipunan kita nang bonggang-bongga. Ito yung future mo.' Nauunawaan naman niya dahil wala rin namang ibang mag-aalaga sa kanya kung hindi ako."

ZANJOE & MARIEL. Si Zanjoe Marudo ang kapareha ni Pokwang sa "Puso" episode. May kissing scene ang dalawa sa movie at kuwento ni Pokwang, pinagplanuhan nina Direk Cathy Garcia at Zanjoe na biglain siya tungkol dito.

"Oo! Sila ni Direk Cathy, magkakuntsaba sila. Natutuwa si Direk Cathy kasi first kissing scene ko sa movie. At natutuwa siya noong makita niya ang reaction ng mukha ko noong sinabi niya na, 'O, maghahalikan kayo rito.' Nakita niya kung paano ako namula!" natatawang kuwento ng comedienne.

Hindi naman daw sure si Pokwang kung sina Zanjoe at Mariel Rodriguez pa habang sinu-shoot nila ang movie. Although, naikukuwento raw niya kay Mariel ang nangyayari sa shooting. Magkasama kasi sina Pokwang at Mariel sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

"Tawa lang siya [Mariel] nang tawa. And I'm sure, kapag napanood niya yung eksena, tatawa lang din siya nang tatawa," sabi ni Pokwang.

Kasama rin sa Cinco si Mariel kung saan siya ang bida sa "Mukha" episode.

Sumang-ayon si Pokwang nang sabihin namin sa kanya na medyo naging tense ang atmosphere ng presscon ng Cinco last July 7 dahil na rin sa presence nina Zanjoe at Mariel.

Aniya, "Hindi naman maiiwasan dahil alam naman nating nagmahalan naman ang dalawa. Hindi maiiwasan yung mga ganoong tension at hayaan na lang natin sa kanilang dalawa yung mga nararamdaman nila."

Pero bakit niya nasabi sa presscon ang katagang "Wala namang nanloko kay Mariel?" Na tila ipinagtatanggol niya si Zanjoe tungkol sa naging breakup nito kay Mariel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, e, wala naman. Ang masasabi ko lang, hindi nila niloko ang isa't isa. Siguro, masasabi ko lang, siguro dumating na rin sa inyo ang ganitong karanasan. Lahat tayo nakaranas ng ganito na parang dumating sa punto na let's be friends muna," paliwanag ni Pokwang.

Nakukuwentuhan ba siya ng dalawa kung ano talaga ang nangyari sa kanilang relasyon?

"Wala!" mabilis niyang sagot. "Hindi nagkukuwento sa akin ang mga 'yan. Nagugulat na lang ako sa mga interview sa TV."

Ayon pa kay Pokwang, sila naman daw ni Mariel ay sanay na mag-asaran o magbatuhan ng biro.

"Asaran kami niyan, ganyan kami. Sanay na si Mariel sa akin. Ganyan kami mag-asarang dalawa. I love Mariel. Sobra. Sobrang mahal ko ang batang 'yan," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN