Ara Mina responds to text message intrigue: "Kung sino ka man, mabubuking ka rin."

IMAGE 0


Ara was supposedly spotted in Guam with an older man, according to a text message that was sent to numerous media outlets, including PEP. But the sexy actress, who kept a low profile for months while running in the recent elections and performing in concerts abroad, just laughed: "Welcome to showbiz life again!"


Kahapon, July 10, sa Startalk ay nakausap ang aktres na si Ara Mina hinggil sa bagong isyu na kumakalat tungkol sa kanya. Maging ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nakatanggap ng text message from a certain sender na number lang ang rumehistro at nang tanungin namin kung sino ito ay hindi na sumagot.

Ayon sa text message, kailan lang daw ay namataan si Ara Mina sa Guam na may kasamang lalaking mas nakatatanda sa kanya at sa ipinadalang text message ay pinangalanan ito. Ang implikasyon ng mensahe ay nakikisama si Ara sa isang DOM.

Mabilis naman na nakuhanan ng Startalk ng sagot si Ara tungkol dito at ang reaksiyon niya: "Oo nga raw. Wala... nandito ako sa Pilipinas. Simula nang dumating ako sa Pilipinas from the States, June 17, ang layo naman ng America sa Guam. Kumbaga, kahit i-check pa nila ang passport."

Hinarap kaagad ni Ara ang isyu tungkol sa lalaking supposedly kasama niya.

"Sasabihin ko lang, siguro a year ago ako last na nagpunta ng Guam and I'm with my boyfriend." Hindi taga-showbiz ang boyfriend niya.

Dugtong pa niya, "Iniisip ko lang, bakit puro reporter, puro media ang tine-text. Parang inside job, alam mo yun?... Ibig sabihin, taga-showbiz din ang gumagawa nito...

"Ano ba ang gusto nilang mangyari? I mean, may gusto ba silang pasikatin na tao or whatever?"

HATCHET JOB. Sa tingin niya ay gusto lang siyang siraan ng taong nagpapakalat ng mga text messages, lalo na't babalik na siya sa pag-arte via her new soap opera sa GMA-7 with Aljur Abrenica and Rhian Ramos.

"Porke't may trabaho na, sisiraan na naman ako? Kumbaga, welcome to showbiz life again," natatawa na lang niyang sabi.

Ang mensahe ni Ara sa nagkakalat ng malisyosong text message: "Kung sino ka man, mabubuking ka rin kung sino ka."

At sabi pa niya, "Prepaid nga ang pinanggamit, so, mati-trace natin 'yan, I'll find a way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN