Phillip Salvador: "I just want the world to know that Kris Aquino is a very good mother."

IMAGE 0


The action star still hopes for the best for his former love, the mother of his son Josh, and her husband James Yap: "Sa totoo lang, kami ni Emma [Ledesma, his wife], ipinagdarasal namin sila kasi ayaw namin... ng kahit na sino na may ganung sitwasyon. Ang totoo, nalulungkot kami... Mahaba na ang itinakbo ng relasyon nila, ang dami na nilang bagyong pinagdaanan. Pero nasa kanila pa rin 'yan."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest ang aktor na si Phillip Salvador sa Paparazzi ng TV5 kahapon, July 11. Maysakit si Ipe at medyo namamaos pa nga, "Kaya lang, talagang si Cristy Fermin ay talagang hindi ko mahihindian," sabi niya tungkol sa isa sa host ng show.

Ang unang tinanong sa kanya ni Cristy ay kung kumusta na ang kaso ni Cristina Decena laban sa kanya. Matatandaang na-convict si Ipe ng estafa noong 2006 bunga ng kasong isinampa ng dating girlfriend na businesswoman laban sa kanya. Noong Pebrero 2010 ay pinawalang bisa ng Court of Appeals ang kanyang conviction.

"Ang alam ko, nag-ano na siya sa Supreme Court. Pero ano lang naman, pinasasagot lang sa amin yung ipinadala nina Cristina Decena doon sa Supreme Court, na sinagot naman ng aking abogado," simpleng tugon ni Kuya Ipe.

A GOOD FRIEND IN BONG. Sumunod naman ay kinumusta ni Ms. Fermin ang personal na buhay ng aktor.

"Mainam, masaya ako, I'm happy with my life although mas simple lang ang buhay ko ngayon kumpara noon."

Wala siyang TV or film project sa kasalukyan. Ang huling pinagkaabalahan niya ay ang pangangampanya para kay Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. nitong nakaraang 2010 elections.

Dahil ba rito ay nagkaroon ng hidwaan sa kanila ni Senator Jinggoy Estrada (na pumangalawa kay Senator Bong sa senatorial race) dahil mas naging visible si Kuya Ipe sa mga campaign sorties ni Sen. Bong kaysa kay Sen. Jinggoy?

"Wala," ang maagap na sagot ni Kuya Ipe. "Ah, hindi naman si Bong lang ang sinuportahan ko nang todo, it just so happened na si Jinggoy naman, nasa kanya naman si LT [Lorna Tolentino, maybahay ng namayapa nilang matalik na kaibigang si Rudy Fernandez], si Pipo [Tirso Cruz III], so si Bong naman ang sinamahan ko.

"Kasi noong una silang tumakbong dalawa ni Bong noon... as senator, kami ni Daboy [Rudy Fernandez], na kay Jinggoy, hindi namin nasamahan si Bong, ganyan. Ni minsan hindi namin nasamahan si Bong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, tahimik ang showbiz career ni Kuya Ipe, at gusto niyang maibalik ang dating sigla nito. Pero habang wala pang nangyayari, tinuturing isang haliging masasandalan si Senator Bong.

"Ah, si Bong kasi, hindi mo na kailangan pang... katukin. Lalayo ka pa nga, ikaw pa ang lalapitan! Ha! Ha! Ha! Ikaw pa ang lalapitan. Ibang klase ng tao."

HOPING FOR THE BEST FOR KRIS AND JAMES. Dating karelasyon ni Ipe si Kris Aquino, at siya ang ama ng panganay ni Kris na si Josh. Ano ang masasabi niya sa nangyaring hiwalayan nina Kris at ang asawang si James Yap?

"Ikaw talaga, Cristy," natatawang bulalas ni Kuya Ipe.

"Sa totoo lang, the honest truth, kami ni Emma [Ledesma, ang asawa niya], ipinagdarasal namin sila kasi ayaw namin... ng kahit na sino na may ganung sitwasyon. Ang totoo, nalulungkot kami.

"Ah, sa ating lahat, Diyos lang naman ang nakakaalam ng lahat, ng totoong kuwento sa ating buhay and ang sa amin lang, we need to continue praying for them, not just for Kris and for James, kasi sayang naman.

"Mahaba na ang itinakbo ng relasyon nila, ang dami na nilang bagyong pinagdaanan. Pero nasa kanila pa rin 'yan."

Nakikita ba niya nang regular ang anak na si Josh?

"Ah... next question!" ang mabilis na sagot ni Ipe.

Wala ba silang pag-uusap ni Kris tungkol kay Josh? Na kung maaaring ilang gabi sa isang buwan ay sa piling ng ama nito si Josh?

"Ah, ano na lang, kung puwede huwag na lang nating pag-usapan iyan, iyan na lang ang ire-request ko sa iyo... Pag tungkol kay Josh, sa aming dalawa na lang," ang pakiusap ni Ipe.

MISSING JOSH. Kaya ang sumunod na itinanong na lang sa kanya ay kung ano ang nami-miss niya kay Josh?

"Iyong yakap ng anak ko."

Dito huminto sa pagsasalita si Kuya Ipe dahil nabasag na ang boses dahil siya'y naiiyak. At sa kanyang pagpapatuloy, dinagdag niya, "Iyong bonding... pero next question, thank you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita naman daw niya recently si Josh, at sa puntong ito, muling umaliwalas ang kanyang mukha at masayang nagkuwento.

"Oo, oo, nagkita kami, nagkita kami, pati si Bong, na-shock, e! Pagyakap sa akin, natakpan ako, e, natakpan ako!

"At please, ha, I just want the world to know that Kris is a very good mother, she's a very good mother."

Sa tanong kung sino ang mas kinaaawaan niya, si Kris o si James, ang sagot ni Phillip, "Naaawa ako kay Kris."

Pero hindi nangangahulugan na sinasabi niyang si James ang may kasalanan.

"Wala akong sinasabi. I don't know this person kaya hindi ako puwedeng magkumento ng kahit na anupaman tungkol sa kanya. I don't know him, I know Kris, kaya naaawa ako sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN