Kris Aquino seeks legal separation from James Yap

IMAGE 0


Reconciliation seems to be far from Kris Aquino's mind now. She has already sought the help of her lawyers to begin the process of legal separation from husband James Yap.


Mukhang malabo na talagang magkabalikan ang mag-asawang sina Kris Aquino at James Yap.

Sa statement kasi mula sa mga abugado ni Kris—ang Marcos, Ochoa, Serapio, & Tan law firm—ay nakasaad na nais ng TV host na simulan na ang proseso ng legal separation nila ng basketbolista.

Ayon sa statement na binasa ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, July 11: "Ms. Kris Aquino has recently announced that she has decided to end her marriage to Mr. James Yap. We shall take the necessary steps at the soonest possible time and we request everybody to respect the privacy of the parties and let the legal process take its course."

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Kris tungkol sa kanyang desisyon. Kasalukuyang nasa U.S. si Kris, kasama ang anak nila ni James na si Baby James at ang anak nila ni Phillip Salvador na si Josh para sa dalawang linggong bakasyon.

Nauna rito ay naglabas ng pahayag si James Yap at sinabing ipaglalaban niya na "mapanatiling buo" ang kanilang pamilya "anuman ang mangyari." Ngunit sa desisyon na ito ni Kris na tapusin na nang tuluyan ang kanilang pagsasama ay mukhang mahihirapan ang PBA player sa kanyang kagustuhan na buuin muli ang kanilang pamilya. (CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang inanunsiyo ni Kris sa publiko na tinapos na niya ang kanilang pagsasama ni James. Ito ay ginawa niya sa huling araw niya bilang host ng The Buzz noong June 27. (CLICK HERE to read related story.)

Nagdesisyon si Kris na iwan ang kanyang showbiz talk shows sa ABS-CBN na The Buzz at SNN upang makaiwas sa kontrobersiya bilang respeto na rin sa pagkakahalal ng kapatid niyang si Noynoy Aquino bilang bagong Pangulo ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN