Dawn Zulueta says Sigwa will not be her first and last indie film

IMAGE 0


"Ang mga materyal na usually ipinapakita rito sa mga festival na ito ay hindi yung usually na ipinapakita sa mainstream. And iyon ang kagandahan dito. That's why I am eager to join pagka mayroong project na talaga namang maganda, hindi ko hihindian 'yan. At hindi ko rin hihindian ang isang project dahil lang walang budget. Hindi iyon ang magiging dahilan," says Dawn Zulueta about indie films.


Kahit libre lang ang serbisyo ni Dawn Zulueta para sa paggawa ng indie film na Sigwa, hindi ito magiging hadlang upang sumabak ulit sa ganitong uri ng proyekto na unti-unti nang nagbubukas sa kamalayan at natatanggap ng masang Filipino.

Entry sa isinasagawang Cinemalaya Film Festival ang Sigwa na idinirek ni Joel Lamangan at isinulat ni Boni Ilagan. (CLICK HERE to read more about this indie film)

Bago ang gala night ng Sigwa sa Cultural Center of the Philippines noong July 10, inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres ukol sa performance niya sa Sigwa. Ano ang comment niya sa sinasabi ng iba na may panlaban na siya sa award-giving bodies next year?

"Siyempre, ang sarap namang pakinggan. Pero hindi ko pa napapanood ang buong pelikula kaya hindi ko alam kung tama ang kanilang nakikita. Pero, maraming salamat," nakangiting sabi ni Dawn.

Sino among her co-stars dito, ang masasabi niyang talagang lumutang nang husto sa kanilang performance?

"Lahat ng mga nakasama ko rito ay puro magagaling, pero mas bilib talaga ako kay Kuya Pip [Tirso Cruz III]. Believable na believable kasi ang kanyang pagkaka-portray, e," sabi niya.

Sinabi pa ni Dawn na nang unang makita niya ang script, alam na niya agad na napakaganda ng proyektong ito.

"Oo, nagandahan ako at naisip ko na hindi dapat palampasin. Pero ang mas importante talaga sa akin ay si Direk Joel ang nagdidirek nito."

Mapili ba siya sa mga role na ginagampanan o dahil kay Direk Joel lang kaya niya ito tinanggap?

"Hindi lang si Direk Joel, siyempre pati iyong material," sagot ni Dawn. "Pero importante rin talaga sa akin 'yong direktor. Kasi kahit na maganda 'yong materyal, kung hindi ako kampante sa direkor, maaaring hindi ko pa rin gawin ang isang project."

Gaano ka-supportive ang kanyang husband na si Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo sa pagiging aktres niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siya nakikialam sa mga desisyon ko sa trabaho ko. Ang importante lang sa kanya ay yung hindi masyadong nakaka-eat up ng time ko. Ang priority ko kasi lagi ay ang pamilya ko, e. So, dito sa Sigwa, wala namang problema dahil 10 days lang ang shooting ko rito, e," nakatawang saad ni Dawn.


TOO BIG FOR AN INDIE FILM. Ang Sigwa ang unang indie film ni Dawn na sa laki ng casting ay parang hindi isang indie film. Bukod kina Dawn at Tirso, kasama rin sa pelikula sina Zsa Zsa Padilla, Gina Alajar, Marvin Agustin, Pauleen Luna, Lovi Poe, Megan Young, Jim Pebangco, Allen Dizon, at iba pa.

"Parang hindi lang ito isang indie film, kasi mukha lang malaki dahil siguro nakikita ninyo na marami sa amin sa mainstream ang nagtatrabaho rito. Wherein usually, hindi sila nakakakuha ng mga mainstream na mga artista, iyon, kaya siguro mukhang malaki," saad ni Dawn.

Pero ano ba sa palagay niya ang kaibahan ng ganitong klase ng pelikula?

"Ang kaibahan? Maliit na maliit ang budget, iyon ang malaking ipinagkaiba," nakangiting wika niya.

Dagdag niya. "Hindi ko na nga ininda ang talent fee, hindi naman ako nagpabayad. Siyempre naman, libre. Pag mahal ko iyong ginagawa ko, pag naniniwala ako sa isang proyekto, naniniwala ako na gaya nito, nagbibigay ako ng suporta dahil gusto ko rin na makita ng lahat ng tao na mayroon talaga tayong mga venue para sa ganitong mga klase ng material.

"Hindi naman kasi lahat dito ay pera-pera lang, e. Siyempre hindi naman lahat ng ginagawa naming mga artista, just because gusto lang naming kumita. Mayroon din kaming, you know, mayroon din kaming mga paninindigan din. And I support lahat ng mga director at lahat ng mga nakakasama rito sa mga ganitong klase ng festivals, because gusto sana nating mabuhay ulit ang industriya ng pelikula natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, ang isa ba sa nag-udyok sa kanya para gawin ang Sigwa ay ang dedikasyon niya bilang artista?

"Well, yes," sagot niya. "And sana nga ay mas dumami pa ang mga artists natin dito. Kasi, ang mga materyal na usually ipinapakita rito sa mga festival na ito ay hindi yung usually na ipinapakita sa mainstream. And iyon ang kagandahan dito. That's why I am eager to join pagka mayroong project na talaga namang maganda, hindi ko hihindian 'yan. At hindi ko rin hihindian ang isang project dahil lang walang budget. Hindi iyon ang magiging dahilan."

So, hindi ito ang kanyang first and last indie film?

"Ah, I'm sure it's not," sagot niya.

Hudyat na kaya ang pelikulang Sigwa na magiging active na ulit siya sa showbiz tulad noon?

"Well, depende lang talaga sa project dahil hindi naman ako talagang nagpaplanong masyado ukol diyan, e," sabi ni Dawn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN