Jean Garcia admits undergoing beauty enhancement to maintain youthful look

IMAGE 0


"We are in this age na we need to make gastos para mas ma-maintain ang kaseksihan natin. Sino ba naman ang gustong maging losyang, di ba?" says Jean Garcia.


Pinalakpakan nang husto ng mga tao sa nakaraang FHM's Sexiest Women 2010 victory party sa World Trade Center last July 15, Thursday, ang pagrampa ng mga tinaguriang "Hot Mamas" na sina Jean Garcia at Eula Valdes.

Parehong pumasok sa Top 100 ang dalawang primerang kontrabida ng GMA-7. Nasa No. 58 si Jean samantalang No. 61 naman si Eula. First time nina Jean at Eula na rumampa nang sabay sa FHM event at natuwa naman sila dahil na-appreciate ng marami ang kanilang presence ng gabing iyon.


AGE DOESN'T MATTER. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jean sa backstage after the event, inamin niyang kinabahan siya dahil first time niyang gagawin ang mag-open ng isang event ng FHM. Na-explain naman daw sa kanila ni Eula na kaya sila ang pinili na magbukas ng show dahil patunay lang na age doesn't matter sa mga babaeng nananatiling sexy tulad nila. Pareho na kasing nasa 40 age bracket sina Jean at Eula.

"Kinabahan ako, kapatid, kasi nga hindi naman ako sanay na may opening number!" natatawang sabi ni Jean. "Pero nagtulungan naman kami ni Mareng Eula. Gagawin namin ito dahil we want to be good examples sa mga babae diyan na kaedad namin. Na kaya pa nating maging sexy and hindi hadlang ang edad, di ba?

"'Tsaka, we should all be proud of our bodies and our age. Magpasalamat tayo sa Diyos na buhay pa rin tayo sa edad na ito and we're taking care of what He gave us. But of course, nandiyan naman ang mga kailangan to maintain our figure and beauty. Kailangan na rin natin ng tulong ng siyensya, di ba? Hindi ito nangyari ng overnight lang."

Ang maganda pa kay Jean, hindi niya dini-deny na dumadaan siya sa beauty enhancement para ma-maintain ang kanyang figure.

"It's something na hindi na kailangan itago," sabi ng 41-year-old actress. "We are in this age na we need to make gastos para mas ma-maintain ang kaseksihan natin. Sino ba naman ang gustong maging losyang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka kailangan namin ito sa trabaho namin. We all have to look good para hindi kami nawawalan ng mga trabaho. Every year, may bagong mga artista na dumarating. It's not na nakikipag-compete ka sa kanila, but you have to maintain something para tuluy-tuloy ang trabaho."

COUGAR. Kaya okey lang kay Jean na matawag siyang "cougar" dahil kahit sa kanyang edad ay mga lalakeng mas bata sa kanya ang nabibighani sa hitsura niya.

"Ewan ko ba kung matutuwa ako sa term na cougar dahil usung-uso 'yan sa mga tulad namin ni Eula. But I think it's a flattering term for us, kasi positive naman, e. At least, hindi kami iniiwasan ng boylets, di ba? Sila pa ang nagpapapansin!" sabi ni Jean kasabay ng malakas na tawa.

EULA IS DATING. Inamin ni Jean na may dine-date siya na non-showbiz guy ngayon. Kaibigan pa lang daw niya ito at gusto niyang makilala muna ito nang husto.

"Hindi siya taga-showbiz kaya huwag na natin siyang pangalanan, di ba?" ngiti pa ni Jean. "Yes, I am dating and I am enjoying it. Kailangan din natin 'yan. Yung makipag-interact tayo sa ibang tao. Pagbibigyan ko naman ang social life ko ngayon. Puro kasi tayo trabaho, there's a time to have fun naman. I deserve naman to enjoy those moments."


LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER. Natutuwa rin si Jean dahil nakapasok din sa Top 100 Sexiest Women list ng FHM ang kanyang anak na si Jennica Garcia. Nasa No. 44 raw ito at first time na may mag-inang nakapasok sa Top 100 ng FHM.

"Proud ako sa anak ko," sambit ng aktres. "Noong malaman nga namin na pareho kaming nasa top 100, naku, para kaming mga luka-luka! I think it's Jen's first time na makapasok sa listahan. At thank you sa mga bumoto sa anak ko. It's a big achievement na for her. Feeling niya, hindi siya sexy. But for me, my daughter is the sexiest, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala si Jennica noong victory party. Maganda raw sana na mag-ina silang rarampa noong gabing iyon.

"Si Jen, napakamahiyain niyan. Mukhang hindi niya kakayanin ang ganito. Tama na raw na ako na lang ang rumampa. Kapag pasok ulit siya next year, baka i-consider na niyang rumampa. Hindi raw malakas ang loob niya na sabayan sila Iwa [Moto], Katrina [Halili], at Jackie [Rice]. But she's happy to be part of the Top 100 and she thanks the people who voted for her."

JENNICA'S BOYFRIEND. Tinanong din ng PEP si Jean tungkol sa bagong pag-ibig ni Jennica na si Alwyn Uytingco. May tandem name na nga ang dalawa na "WyNic." Wala namang pagtutol si Jean sa nababalitang karelasyon ni Jennica.

"As long as my daughter is happy, mas masaya ako," ngiti niya. "Wala namang problema sa akin kasi kilala ko si Alwyn. And I know how much he respects my daughter. Alam ko kung saan sila pumupunta at minsan nasa bahay sila.

"I've never seen Jen this happy kaya mas masaya ako. Bilang magulang naman, we only want the best for our kids, di ba? Ayaw natin silang nasasaktan or makitang malungkot. Kaya I am very happy to see Jen na masaya sa nararamdaman niya ngayon."

Huling napanood si Jean sa GMA Sine Novela na Ina, Kasusuklaman Ba Kita. Muli siyang mapapanood sa isang bagong primetime telefantasya na pagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN