Jackie Rice not yet ready for bed scenes

IMAGE 0


"Hindi naman ako nagmamadali kasi parang nagsisimula ulit ako sa new image ko. Kapag nasanay na ang mga tao sa ganitong image ko, siguro puwede na tayong mag-try na sa pelikula. Paunti-unti muna para mas sigurado," says Jackie Rice about doing sexy roles.


May halong kaba ang pagrampa ni Jackie Rice sa runway ng FHM 100 Sexiest Women victory party na ginanap noong nakaraang Huwebes ng gabi, July 15, sa World Trade Center. Pero kahit na malakas ang kabog ng kanyang dibdib ay ginawa niya ang dapat niyang gawin noong gabing iyon.

Sabi nga StarStruck 3 Ultimate Female Survivor, na No. 11 sa FHM 100 Sexiest this year, ay nahihiya siyang sabayan sa pagrampa ang ibang sexy Kapuso stars tulad nina Iwa Moto, Katrina Halili, Daiana Menezes, Julia Clarete, at maging sina Jean Garcia at Eula Valdes. Ito ang dahilan kaya naghanda talaga siya para hindi mapahiya. Nilakasan din niya ang kanyang loob para hindi mawala ang confidence niya sa paglakad sa harap ng maraming tao.

Kuwento ni Jackie sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Last year kasi, hindi ako nakarating. E, ayoko namang hindi um-attend ulit this year. Ito kasi ang way ko na magpasalamat sa mga taong bumoto sa akin sa FHM kaya ako umabot sa 11th spot, di ba?

"Sa dressing room nga, hindi ako mapakali. Lakad ako nang lakad. Sinabi nga sa akin ni Iwa na relax lang ako at isipin ko na lang na walang tao. Lalo raw kasi akong kakabahan kapag iniisip ko ang mga tao. Baka raw madapa pa ako. Kaya yun na lang ang ginawa ko.

"Noong turn ko nang maglakad, medyo binagalan ko kasi nga baka madapa ako, nakakahiya, di ba? Hanggang sa makarating ako sa dulo noong stage at nag-pose tapos balik agad. After naman ng lahat, okey na ako. Hindi na ako kinakabahan. Para na lang akong nasa ulap. Tapos nakita ko pa si Angel Locsin na may pakpak ng anghel. Para ngang nasa ulap kaming lahat."

Bilang preparasyon ay nag-workout sa gym si Jackie, pero hindi raw nawala sa kanya ang kumain. Hindi naman daw kasi siya tabain kaya okay lang sa kanyang kumain ng marami at hindi siya madadagdagan ng timbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit anong kainin ko, okey lang. Mabilis ko siyang ma-burn. Lalo na kapag nag-exercise na ako. Before nga nitong event na ito, tamad ako mag-gym talaga. Pero kailangan ko raw i-tone ang mga legs at arms ko. Para raw magandang tingnan.

"Yun lang naman ang naging preparation ko. Wala naman akong iniiwasan na pagkain. In fact, bago nga ako rumampa sa stage, kumain pa ako. Ayokong magutom at baka mahimatay pa ako!" tawa niya.

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Kasama ni Jackie that night ang nababalitang non-showbiz boyfriend niya. Ito ang naghatid sa kanya sa World Trade Center at hinintay siya nitong matapos.

"Nanood siya kanina at masayang-masaya siya," sabi ni Jackie. "Sinabi ko naman sa kanya na okey lang kung hindi siya manood. Pero gusto rin niya. Gusto raw niya akong suportahan. Biniro ko nga na baka ibang girls ang gusto niyang makita at hindi lang ako. Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Pero in fairness, talagang nagtiyaga siyang maghintay. Late na rin nag-start yung show, di ba? As early as 4 p.m. nandito na kami sa World Trade Center. Hindi siya umalis at tinulungan niya ako sa mga gamit ko. Gano'n siya kung alagaan ako na ikinatutuwa ko naman."

Marami raw offers kay Jackie na magpa-sexy sa mga pictorial at pelikula. Pero hanggang pictorial lang daw muna ang kaya ni Jackie.

"Hanggang doon muna, hindi pa ako ready para sa big screen. Hindi pa ako ready sa bed scenes. I just turned 20 years old at tama lang daw na sa mga magazine muna ako magpa-sexy tulad nga sa ginawa ko for FHM.

"Sa TV kasi, na-try ko na ang sexy role tulad sa Dear Friend: Tisay. Pero hindi naman sobrang sexy 'yon. Sa Romana Santa, sexy ang mga isusuot namin ni Rhian. Hanggang gano'n muna ako. Hindi naman ako nagmamadali kasi parang nagsisimula ulit ako sa new image ko. Kapag nasanay na ang mga tao sa ganitong image ko, siguro puwede na tayong mag-try na sa pelikula. Paunti-unti muna para mas sigurado," saad ni Jackie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NEW PRIMETIME SERIES. Hinahanda na rin ni Jackie ang kanyang sarili para sa bagong telefantasya ng GMA-7, kung saan kasama niya sina Rhian Ramos at Aljur Abrenica. Ang working title nito ay Romana Santa, pero papalitan pa raw ang title nito.

"Nakapag-taping na sila Rhian at Aljur, ako wala pa akong schedule," banggit ni Jackie. "Pero nakapag-workshop na kaming tatlo for the show. Okey naman at nakapag-bonding kami nila Rhian at Aljur. First time ko kasi silang makakatrabaho at marami kaming mga eksenang magkakasama. Kaya tama lang na maging okey kami once na magkaroon na kami ng taping na magkakasama kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN