Barbie Forteza on working with Maricel Soriano: "Hindi ko nakita yung pagiging mataray niya sa set kasi sobrang bait niya."

IMAGE 0


"Siyempre may kaunting pressure kasi siyempre kailangang tuparin ko rin ang mga expectation sa akin. Pangako ko lang na hanggang sa abot ng makakaya ko, hindi ko kayo bibiguin," says Barbie Forteza about being compared to Marian Rivera.


Unang ipinakilala sa Stairway to Heaven kung saan nakagawa agad ng pangalan bilang isa sa pinakasikat na young star sa kapanahuhan niya, marami ang nagsasabi na kung magpapatuloy ang magandang tinatahak ng career niya ay magiging isa sa pinakaimportanteng artista sa showbiz industry si Barbie Forteza.

Sa ganda ng itinatakbo ng career ngayon ni Barbie, mukhang sinusundan niya ang career path ni Marian Rivera. Anong masasabi niya rito?

"Sobrang saya, saka sobrang hindi makapaniwala kasi Marian Rivera yun, tapos ganun ang tingin nila sa akin. Siyempre may kaunting pressure kasi siyempre kailangang tuparin ko rin ang mga expectation sa akin. Pangako ko lang na hanggang sa abot ng makakaya ko, hindi ko kayo bibiguin," sabi ni Barbie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching niya bilang bagong endorser ng BNY Petite last July 14.

WORKING WITH THE DIAMOND STAR. Regular na napapanood ngayon si Barbie sa GMA-7 primetime series na Pilyang Kerubin. Last week ay nagsimula nang lumabas bilang special guest sa naturang serye ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Aminado si Barbie na dream come true para sa kanya na makatrabaho ang sikat na aktres dahil isa ito sa mga iniidolo niya.

"The day before na nag-tape si Ms. Maricel Soriano, nagtanong agad ako sa mga nakakakilala sa kanya kung paano ba siya sa set. Para at least alam ko kung paano ako kikilos, kung paano ako gagalaw kasi talagang Diamond Star ang makakaeksena ko. Idol ko siya, ang dami niyang films na pinanood ko tapos makakaeksena ko siya.

"Kinabahan talaga ako, naging alerto ako sa set, sa blocking ko, nakikinig ako kay Direk [Maryo J. de los Reyes]. At kahit sa rehearsals, ibinibigay ko nang todo yung acting ko. Yung mga lines ko, talagang sinaulo kong mabuti, inintindi ko para naman di siya mabigo sa akin. Di mo iisipin na ang isang Maricel Soriano ay ganun kabait. Alam naman natin lahat kung gaano siya kagaling na aktres at sobrang professional siya," tuluy-tuloy na sabi ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinahangaan ni Barbie ang professionalism ng Diamond Star. Hindi niya raw ito kinakitaan ng reklamo kahit na mahihirap ang mga eksena. Wala rin daw siyang nakitang bakas ng pagiging mataray na naging tatak dati ni Maricel.

Kuwento pa ni Barbie, "Yung sa bus kasi, halos 30 minutes kami sa bus. Hindi siya nagrereklamo kasi talagang medyo maraming tao, medyo mainit pa sa bus. Pero ano pa rin siya, wala pa ring reklamo. Pag nagse-set up, nag-i-stopover kami, ang inaabutan naming pagkain ay turon. Kain kami nang kain, hindi siya maarte.

"Hindi ko nakita yung pagiging mataray niya sa set kasi sobrang bait niya, na talagang kahit puyat na ang lahat, kuwento pa rin siya nang kuwento, tawa pa rin siya nang tawa. Basta lagi ko siyang kausap kasi halos kaming dalawa at sila Direk ang mga gising. Kasama namin siya sa kulitan namin."

Ayon kay Barbie, nagbigay pa ng payo sa kanya ang Diamond Star.

"Ang payo niya sa akin, huwag na huwag ko raw kakalimutan lahat ng mga nakasama ko sa mga shows ko sa showbiz kasi malaking bagay daw yun. Lagi raw akong makikinig sa mga direktor, huwag ko raw pababayaan ang pag-aaral ko. Pagbutihan ko raw ang career ko dahil alam daw niyang may kapupuntahan daw ako."

ANDOY RANAY. Ang unang direktor ng Pilyang Kerubin ay si Andoy Ranay, pero bigla na lang siyang pinalitan ni Maryo J. de los Reyes. Nang tanungin namin si Barbie tungkol dito, sinabi niyang wala siyang alam kung ano ang nangyari.

"Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kasi magaling naman si Direk [Andoy]. Maganda naman ang pakikisama niya sa staff, sa production. Maging sa amin, sa mga artista niya, kaya hindi ko rin alam kung bakit siya nawala," saad ni Barbie.

Si Andoy rin ang naging direktor ni Barbie sa First Time, na unang teleserye nila ng kaparehang si Joshua Dionisio bilang mga pangunahing bituin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JHAKE & ELMO. Ang ka-love triangle noon nina Barbie at Joshua sa First Time ay si Jhake Vargas, pero dito sa Pilyang Kerubin ay si Elmo Magalona na ang kasama nila. Ayon kay Barbie, nami-miss niya si Jhake pero nag-e-enjoy din siya sa company ni Elmo.

"Oo naman, nami-miss ko siya [Jhake], sa Stairway siya ang kasama namin, tapos sa First Time. Ngayon, nahiwalay siya sa amin. Siyempre nakaka-miss yung bonding moments namin, yung kulitan namin.

"Okay naman si Elmo, masaya siyang kasama. Makulit din siya, magkakampi sila ni Joshua sa pangungulit sa akin. Wala nga akong kakampi sa set, e!" natatawang sabi ni Barbie, na magse-celebrate na ng kanyang 13th birthday sa July 31.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN