William Martinez on separation from Yayo Aguila: "Ganyan talaga ang buhay, may expiration."

IMAGE 0


"Whatever Yayo says, I have to respect that. Ang lalake, ganoon dapat. Hindi ako nagmamalaki that I don't need any person or any girl. I cannot say anything bad about Yayo. She's a very nice person. Very nice woman," says William Martinez about his separation from Yayo Aguila.


Last week ay kinumpirma ni Yayo Aquila sa kanyang interview sa Paparazzi na hiwalay na sila ng mister niyang si William Martinez. Bagamat nilinaw ng aktres na maayos naman ang naging hiwalayan nila at ang relasyon nila ngayon. Naiintindihan din daw ng mga anak nila ang desisyon niyang makipaghiwalay. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ni William sa Startalk last Saturday, July 17, ay nagsalita na rin siya tungkol sa hiwalayan nila ni Yayo.

"Twenty-six...twenty-seven years kaming magkasama," banggit ng aktor. "I'm fine with it. Mahal na mahal ko siya. Sometimes things happen you can't explain."

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si William nang tanungin kung ano ang eksaktong dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa. Although sa naging interview ni Yayo, sinabi nito na may mga bagay pa rin daw siyang gustong gawin on her own.

Paliwanag ni William, "I cannot speak. Lalake ako. Masama yun. Whatever Yayo says, I have to respect that. Ang lalake, ganoon dapat. Hindi ako nagmamalaki that I don't need any person or any girl. I cannot say anything bad about Yayo. She's a very nice person. Very nice woman."

Sinabi pa ng aktor na kahit magkahiwalay na silang mag-asawa, hindi naapektuhan ang relasyon nila bilang mga magulang sa kanilang mga anak.

"Sobra!" bulalas ni William. "Mahal na mahal ko ang mommy nila. Mahal na mahal ko ang mga anak ko. Okey lang yun."

May natututunan naman daw si William sa set-up nila ni Yayo ngayon. Bagamat sa ilang nakakaalam at nakakarinig ng kuwento nila ay tila hindi masyadong mapaniwalaan ang paghihiwalay nila.

"Ang message ko sa mga taong hindi nila maintindihan, we're okay, we're fine, we're happy. Ganyan talaga ang buhay, may expiration. We have to take that. Respect that also. Kontrata ng buhay 'yan. Basta ang importante, hindi kami nagkakaaway. Nagmamahalan pa rin kami. At ang mga anak namin, mahal kami pareho, okey na yun," saad ng dating matinee idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN