Dina Bonnevie confirms wedding of son Oyo Sotto and Kristine Hermosa in 2011

IMAGE 0


Young couple Oyo Sotto and Kristine Hermosa will get married early next year. This was confirmed by Oyo's mother, Dina Bonnevie. "Hindi naman yata nila itinatago na may plano silang pakasal. Next year pa," she says.


Lumabas sa PEP Alerts noong July 15 na sinabi ni Dina Bonnevie na magpapakasal na ang anak niyang si Oyo Sotto at ang kasintahan nitong si Kristine Hermosa "very soon."

Inamin naman ito ni Dina sa short interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas last Sunday, July 18.

"Hindi naman yata nila itinatago na may plano silang pakasal. Next year pa," sabi niya.

Pero pinabulaanan ng aktres ang balitang lumalabas na lihim na raw ikinasal sina Oyo at Kristine sa Canada kung saan naninirahan ang pamilya ng aktres. Ayon kay Dina, nagpunta ang dalawa sa Canada para mamanhikan na si Oyo sa pamilya ni Kristine.

January 11, 2011 daw ang target wedding date nina Oyo at Kristine.

May balita rin na nag-ampon daw sina Oyo at Kristine ng bata, na kinumpirma rin naman ni Ms. D.

Aniya, "Meron silang ampon, pero, huwag na lang nating pag-usapan yun."

Base sa impormasyong nakalap ng The Buzz, balak daw nina Oyo at Kristine na mag-migrate na sa Canada pagkatapos ng kanilang kasal.

Kumukuha na rin daw ng makeup lessons si Kristine para kung sakaling mag-migrate na nga sila ng Canada ay magamit niya ito for her future career. Kaya malaki rin daw ang posibilidad na after ng kasal nila ay iwan na rin nina Kristine at Oyo ang kanilang showbiz career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN