Luis Manzano: "Angel will always have a special place in my heart...."

IMAGE 0


"Siguro in any breakup, dadaan kayo sa mga phase naman na, sabi mo nga, medyo magkakailangan kayo or may konting anger or puwedeng friends ulit. And if there's hope for rekindling, maraming phase ang pagdadaanan. Siguro, safe to say, kami ni Angel, at this point, marami na kaming napagdaanan since the breakup. So, in terms kung maayos pa namin as a couple, only time can tell," says Luis Manzano about the possibility of gettting back with Angel Locsin.


Si Luis Manzano ang naka-one-on-one interview ni Toni Gonzaga sa kanyang "Intriga" segment sa The Buzz last Sunday, July 18. Hinarap ni Luis sa panayam ni Toni ang mga intriga o mga pahayag ng ibang tao tungkol sa kanya.

"EXHIBITIONIST." Ang unang statement na binasa ni Toni at kailangang sagutin ni Luis ay mula sa kanyang ina na si Governor Vilma Santos: "Anak, tigilan mo ang iyong pagiging exhibitionist!"

Sinabi ni Toni na kaya tinatawag na "exhibitionist" si Luis ay dahil mahilig itong magpakita ng katawan.

"Wala akong pakundangan na magbihis kung saan-saan!" natatawang pag-amin naman ni Luis. "Halimbawa noong nasa Spain tayo para sa Crazy For You, nagbibihis ako sa gitna ng daan."

Dagdag impormasyon pa ni Toni, kahit daw sa ASAP at E Live ay mahilig magtaas ng shirt at magpakita ng abs si Luis kapag nasa dressing room ito.

Sabi pa ni Toni, "Isi-share ko na kasi sa kanila kung bakit alam ko itong tawag sa 'yo. Alam n'yo kasi, around 2004, may nag-message sa akin sa MySpace na, 'Hi, this is Luis Manzano. Hi Toni.' Nakikipag-friend ka sa akin. Itanong mo kung ano ang picture mo ro'n? Nakahubad at nakatago sa pinto!"

Hindi raw yun sinagot ni Toni dahil hindi niya akalaing si Luis pala talaga yun.

"Pero na-disturb ka ba sa picture na yun?" tanong ni Luis kay Toni.

Sagot ni Toni nang natatawa: "Na-disturb ako kasi ini-hide mo pa! Yun ang literal na half-body!"

Ayon naman kay Luis, "Ginawa ko kasi yun for Cosmo. E, bata pa lang ako, wala akong pakundangang maghubad. Hindi ko naman sinasabi na ginagawa ko yun dahil maganda ang katawan ko. Ang sa akin lang, kaya kong magbihis kahit saan. Hindi naman ako naghuhubad nang all the way. Medyo yun siguro ang mali kung ayaw kong gawin sa harap n'yo. Pero kung kailangang magbihis, kahit saan, magbibihis. E, si Mommy [Gov. Vilma Santos], hindi kumportable sa idea na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BREAKUP WITH ANGEL. Ang sumunod na statement ay mula sa isang tabloid: "Ang third party raw sa hiwalaya nila Luis at Angel—Maricar Reyes?"

Ang tanong ni Toni kay Luis, kailan nangyari ang breakup nila ni Angel?

"Almost a year na rin," sagot ng TV host-actor.

Hindi sinabi nina Luis at Angel ang totoong rason ng breakup nila, pero pareho nilang sinasabi na walang third party. Kaya ang tanong din ni Toni, bakit nadawit ang pangalan ni Maricar?

"Well, you know, especially today, ang dami kong naririnig na kuwento tungkol sa akin na walang basis. Yung sa amin ni Maricar, I would always say that she's a friend. Pero never na naging factor si Maricar ng paghihiwalay namin ni Angel," paglilinaw ni Luis.

Noong time na sila pa ni Angel, tine-text ba niya si Maricar?

"Yes," mabilis na sagot ni Luis. "Actually, nag-uusap kami, ayokong banggitin."

Aware ba si Angel na magka-text sila ni Maricar?

"I don't think it's needed, kasi wala namang basis yung pagka-text namin ni Maricar," sagot niya. "She's supposed to be my love team in Flash Bomba, doon ko unang nakilala si Maricar. Second, when things happen, isa ako sa mga nag-check sa kanya...if you know what I mean. Pero outside doon, hindi talaga totoo. And the lady has been through enough. Huwag na nating idamay sa ganyan."

DESTINY TO BE WITH ANGEL FOREVER. The third statement came from a fan on Facebook: "Luis, don't you just stand there! Do everything you got to win her [Angel] back, coz it's your destiny to be with her forever!"

Sabi naman ni Luis tungkol dito: "Siguro in any breakup, dadaan kayo sa mga phase naman na, sabi mo nga, medyo magkakailangan kayo or may konting anger or puwedeng friends ulit. And if there's hope for rekindling, maraming phase ang pagdadaanan. Siguro, safe to say, kami ni Angel, at this point, marami na kaming napagdaanan since the breakup. So, in terms kung maayos pa namin as a couple, only time can tell."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinuko naman ni Toni na baka ang sinasabing time ni Luis ay "later" lang dahil sinabi raw sa kanya ni Luis kung saan ito pupunta after ng The Buzz.

"Pupunta ko kay Angel," nakangiting pag-amin ni Luis.

Ano ang pag-uusapan nila?

"Marami, kasi umalis ako, nagpunta ako ng Hong Kong. Siguro Angel and I, we have a long overdue talk. So, nagkataon na she's very, very busy with Imortal. She's very, very busy with movie, ako rin. So, siguro it's about time, it's a long overdue talk," sabi niya.

Toni asked: Mahal pa ba niya si Angel?

"Angel will always have a special place in my heart and I will always equate it [with] love," sagot ni Luis.

"ANG SARAP MAGING SINGLE." Ang huling statement ay galing kay Angel mismo. Aniya, "Porke't may guy kang kasama sa buhay, masaya ka, hindi. Ang sarap maging single. Yung time mo sa family mo, friends mo at sarili mo."

Ano ang reaksiyon dito ni Luis?

"Well, sabi ko nga, I have no idea what's in store for us. Pero sa puntong ito, I have to agree with Angel. Kaya nga siguro natin sasabihin na medyo namahinga because we do have other priorities naman na kailangang pagtuunan ng pansin.

"I can honestly say, every time na may interview na kahit paulit-ulitin ko 'to, in my age, I am very, very blessed and fortunate sa ibinibigay sa akin ng industriya. I can say, in my whole heart, Angel has a much brighter future than I do. Ang dami niyang kailangang asikasuhin so she needs more time for her family, friends. Single time siya to maximize and that's okay with me."

Hanggang kailan willing maghintay si Luis na gusto pa ni Angel na maging single?

"Well, you know, I don't know," sagot ng binata. "Honestly, instead of giving a false promise, even I, I don't know. I'm thinking things one at a time and the very, very good start, hopefully ay yung usapan namin mamaya. I mean, everything starts with a simple conversation. So, hopefully, kung anuman ang patunguhan noon, we started right."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN