Mark Herras puts priority on work over lovelife

IMAGE 0


"Ever since naman, trabaho naman ang priority ko. Ayokong sayangin ang mga opportunity na naibibigay sa akin at siyempre, yung mga blessings na natatanggap ko, inaalagaan ko. So, siyempre, work pa rin," says Mark Herras.


"Kilala mo 'yan?" biro ni Paolo Contis sa anak na si Xonia Aitana nang madaanan nilang mag-ama si Mark Herras habang ini-interview noong Linggo, July 18, sa reception ng binyag ng anak nina Paolo sa Outback restaurant sa may Libis, Quezon City. Para sa hindi nakakaalam, naging girlfriend noon ni Mark si Lian Paz, na siyang ina ng anak ni Paolo.

Kasama ni Mark ang girlfriend niya ngayong si Ynna Asistio sa binyag ng anak nina Paolo at Lian. Pero hindi sila ninong at ninang kundi ang ina ni Ynna na si Nadia Montenegro.

Sabi ni Mark, wala nang ilangan sa kanilang lahat kahit nagkaroon sila ng relasyon noon ni Lian.

"Wala na yung ilangan. Kasi, lahat kami masaya na, e. Wala na yung mga awkward moments. At saka, hindi na rin ako ganoon kabata para ma-awkward-awkward pa," pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

May wish ba siya para kina Paolo at Lian?

"For Kuya Pao and Lian, sana maging healthy at beautiful baby girl si Xonia. At alam ko rin naman na ang parents ni Xonia ay very responsible. At saka good health at more blessing to come," sabi ni Mark, na "kapatid" ni Paolo sa manager nilang si Lolit Solis.

Sinabi ni Paolo na sa second baby nila ni Lian ay siguradong kukunin na nilang ninong si Mark. Ano ang masasabi ni Mark dito?

"Paghahandaan natin 'yan siyempre kung matuloy man yun. Siyempre, I'll be happy at matutuwa ako," sagot niya,

ENJOYING THEIR RELATIONSHIP. Sila naman daw ni Ynna ay nag-e-enjoy lang sa relationship nila ngayon kung kaya't malayo pa raw na magkaroon sila ng sarili nilang pamilya tulad nina Paolo at Lian.

"Hindi pa ito ang right time at saka nirerespeto ko ang family ni Ynna, especially Tita Nadia and Tito Boy [Asistio]. Hindi ako gagawa ng maling hakbang na ikasasama ng loob nila sa akin. Ayokong maputol yung happiness na nararamdaman namin, like yung bonding ko with their family, talagang sobra, wala ka nang hahanapin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal nang nali-link sina Mark at Ynna, pero hindi sila umaamin sa totoong namamagitan sa kanila. Pero two Sundays ago sa Showbiz Central, biglang napaamin si Mark na sila na nga ni Ynna. (CLICK HERE to read related story.)

What's the exact date na naging sila?

"Secret!" mabilis niyang sagot habang tumatawa. "Basta ako lang, I'm happy lang. Yun lang ang masasabi ko. May nag-interview nga sa akin, sabi ko lang, ayoko kasing maging public property kung ano ang meron kami ni Ynna. Iniingatan ko lahat, so ayokong pagpiyestahan."

May anniversary silang sine-celebrate?

"Lahat naman nagse-celebrate. Talagang kasama yun, hindi naman mawawala," sabi ni Mark.

"Secret" muli ang sagot ng young actor nang mag-follow-up kami kung monthsary o anniversary na ang sine-celebrate nila.

Bakit siya biglang umamin na sila na nga ni Ynna?

"Actually, naipit lang din ako, e," nakangiti niyang sagot. "So, yun nga... Pero sabi ko nga, ayoko siyang maging public property, so hanggang doon lang."

MARIAN RIVERA. Um-attend din sa binyag ni Xonia si Marian Rivera, na minsan ding na-link kay Mark. Kasama naman ni Marian ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes, na isa sa mga ninong ni Xonia.

Pero ayon kay Mark, "Wala...wala... Kasi, hindi na kailangang i-open ang mga topic, like hindi naman na kailangang buksan. And ako naman, wala, okey naman ako sa lahat."

Okey rin ba sila ni Marian at wala nang ilangan?

"Wala, same lang din with Lian. Pareho lang, wala naman dahilan para mailang. Past is past. Tapos na yun. Ang importante, e, masaya kaming lahat."

Ano ang pakiramdam na nakikita niyang parehong masaya na ngayon sina Marian at Lian?

"Siyempre, I'm happy rin. Masaya ako dahil lahat kami masaya," sagot ni Mark.

SAVING FOR HIS FUTURE. Ayon kay Mark, nag-mature na siya at naging responsible kahit sa finances niya. Siya na raw ang humahawak at nagba-budget ng pera niya. At the same time, nag-iipon na rin siya for his future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag naman may gusto akong bilhin, binibili ko pa rin. Kapag tingin ko hindi ko pa kaya, someday siguro. Pero ngayon, nandoon na ang tipid. Although, hindi ko pa rin naman pinapahirapan ang sarili ko kasi alam ko na nasa stage pa ako na nag-a-adjust pa ako. Kung gumastos man ako, okey lang. Nandoon pa rin ako sa stage na pinag-aaralan ko pa lahat," saad ng 23-year-old actor.

Nag-mature ba siya because of Ynna?

"Yes, lalong naging mature. At the same time, maganda ang pasok talaga ng lahat. I mean, Ynna, the family of Tita Nadj, my family, yung anak ni Kuya. So, lahat, okey rin. Pati mga trabaho, guestings..."

May pagkakataon na bang dahil sa pagiging in-love niya o sa relasyon nila ni Ynna ay naapektuhan ang trabaho niya?

"Wala... Sobra, sobrang tagal na, wala na yung isyu na yun. Lahat kami okey. Lahat kami steady. So, masaya," diin ni Mark.

Ano ba ang talagang priority niya?

"Ever since naman, trabaho naman ang priority ko," sagot ni Mark. "Ayokong sayangin ang mga opportunity na naibibigay sa akin at siyempre, yung mga blessings na natatanggap ko, inaalagaan ko. So, siyempre, work pa rin."

Hindi ba nagseselos si Ynna sa leading lady niya sa Langit Sa Piling Mo na si Heart Evangelista?

"Hindi, kapag trabaho, trabaho naman. At saka, malaki ang pang-unawa ni Ynna," sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN