Jaya understands Lani Misalucha's decision to appear on TV5 shows

IMAGE 0


"Alam mo, kanya-kanya lang diskarte 'yan, e. Kanya-kanya tayong linya, kanya-kanya tayo ng destinasyon. Kung para sa kanya ang Singko, maluwag naman niyang tinatanggap niya 'yan. At para sa amin, masaya kami para sa kanya," says Jaya about Lani Misalucha's decision to appear on TV5 shows while she's here in the Philippines. Jaya and Lani were co-hosts in the defunct GMA-7 musical-variety show SOP

.


"Ay, sabi ko na, 'yan ang itatanong ninyo! Ano ba, na-tense ako sa 'yo!" natatawang sabi ni Jaya nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagbabalik sa bansa ni Lani Misalucha.

Nakausap ng PEP si Jaya sa presscon ng kinabibilangan niyang sitcom sa GMA-7, ang Kaya ng Powers, kahapon, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Nandito kasi ngayon sa Pilipinas ang Asia's Nightingale na si Lani para sa ilang shows sa TV5. Habang nandito sa bansa si Lani ay lalabas siya sa musical-variety show na P.O.5, na katapat naman ng Party Pilipinas, ang pumalit sa SOP, sa GMA-7.

Dating magkasama sina Lani at Jaya sa SOP. Kasama pa rin si Jaya sa Party Pilipinas along with Regine Velasquez, Ogie Alcasid, and Janno Gibbs na nakasama rin noon ni Lani noong nasa SOP pa siya.

Kuwento ni Jaya, "I saw Lani nung gabi na yun [July 14], sa NBC Tent. Kasi, guest din ako nung birthday ni MVP [Manny V. Pangilinan, chairman ng TV5]. Tapos, nag-usap kami. Tapos, natanong ko siya kung ano ba? Na, 'Dito ka na lang!' chorva-chorva. E, ang original plan pala niya is to go back on the 29th sa Amerika. E, hindi ko na alam kung na-offer-an siya to stay here. Sana mag-stay siya kasi nami-miss na naman natin siya, e. 'Tsaka maganda yung maraming diva, alam mo yun?"

What if sa Singko o sa P.O.5 piliin ni Lani na mamalagi this time?

"Aba, e, di bongga!" bulalas ng Queen of Soul.

Kahit kasabay ito ng Party Pilipinas?

"Okay lang, the more competition, the better, di ba?" sabi ni Jaya. "Mas healthy yung labanan. At hindi naman kami ang magkakaaway, e, it's just the shows that are competing, not us. So, sa amin naman... Napag-usapan nga namin ni Regine 'yan, e, na wala namang personalan, 'no? Masaya nga. Kaya lang, sayang nandun siya. Akala ko nga Dos siya dati, di ba? So I guess nag-P.O.5 na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong unang nagpunta si Lani sa U.S. to establish a singing career there, sa GMA-7 siya unang napanood sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas. Pero nang sumunod na balik niya ay sa ABS-CBN na siya napanood, kung saan naging guest performer siya sa musical-variety show na ASAP.

NO HARD FEELINGS. Hindi ba sila nasaktan na hindi sa kanila bumalik si Lani?

"Bakit kami mahe-hurt?" sabi ni Jaya. "Alam mo, kanya-kanya lang diskarte 'yan, e. Kanya-kanya tayong linya, kanya-kanya tayo ng destinasyon. Kung para sa kanya ang Singko, maluwag naman niyang tinatanggap niya 'yan. At para sa amin, masaya kami para sa kanya.

"Ang maganda din kasi, I think sa Singko ay may freedom siya to guest sa ibang shows, e. So, bongga! At least makakapag-perform siya kung gusto niya sa 7 o sa 2. Sana nga mangyari 'yon, mag-guest siya sa amin. Kanya-kanyang diskarte 'yan.

"Tayo naman ay ginagawa natin ang desisyon natin sa buhay na angkop sa nararapat sa buhay natin. Ako'y mapalad, nag-singer ako, nag-artista ako, at lahat 'yan pinu-provide ng 7. Of course, dati ng Viva Records, ng GMA Records... So, maraming blessings."

So, wala silang anumang sama ng loob kay Lani?

"Wala!" mabilis na sagot ni Jaya. "I love her, mahal ko si Lani... I will only speak for me. Mahal ko si Lani, may pinagsamahan kami at may anak din siyang katulad ko. So, alam ko ang mga pinagdadaanan niya at alam ko yung feeling ng tumira sa Amerika. So, diskarte. Maganda...bongga! Kung sa Singko siya, go!"

LOYAL TO KAPUSO NETWORK. Wala na ba siya sa GMA Records?

"May bago akong recording company. Kaya lang ayaw pa nilang ipasabi. Kaya excited ako," sabi ni Jaya.

Pero ayon kay Jaya, wala siyang balak umalis sa GMA-7.

"Ako kasi, ako lang ito ha, wala akong pinatatatamaan na iba...loyal kasi ako, e. Tingnan mo naman ako, pag nag-asawa, isa lang. Pag may friends, yun na yun. So, I'm very loyal with 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For as long as they want my services and they think I have what it takes para sa kanilang network, I will stay with 7. Thankful ako. Ilang years na ba ako dito? 13 years? Mga ganun, or 12."

Bukod sa Party Pilipinas at Diva, mapapanood na rin si Jaya sa Kaya ng Powers. Kasama niya rito sina Joey Marquez, Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Elmo Magalona, Sheena Halili, Bearwin Meily, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Alyssa Alano, Diego, Elija Alejo, at Dang Cruz.

Magsisimula na itong mapanood sa Sabado, July 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN