Joey Marquez is back to showbiz after his failed mayoralty bid last elections

IMAGE 0


"Huwag n'yo na ako tanungin sa lovelife at matanda na tayo! Sa mga bata na lang ninyo itanong 'yan at mas bagay sa kanila 'yon. As for me, trabaho lang tayo. Matagal akong nagbakasyon from working and it's time na magtrabaho na ulit tayo," says Joey Marquez.


Masayang humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Joey Marquez noong Martes, July 20, para sa bagong show niya sa GMA-7. Ito ay ang sitcom na Kaya ng Powers kung saan kasama niya sina Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Elmo Magalona, Sheena Halili, Jaya, Bearwin Meily, Alyssa Alano, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at marami pang iba.

Gagampanan ni Joey ang papel ni Dr. Robert Powers, isang magaling na scientist na naka-discover ng isang formula na makakapagbigay ng kakaibang super powers sa simpleng tao. Huling napanood si Joey sa primetime series na Adik Sa 'Yo last year, pero naging guest judge din siya sa Talentadong Pinoy ng TV5 at Pinoy Records ng GMA-7.

LOST BID. Kaya nawala ng matagal sa telebisyon si Joey ay dahil tumakbo siyang muli bilang mayor ng ParaƱaque City nitong May 2010 elections. Pero hindi sinuwerte si Joey at natalo. Huli siyang nagsilbi bilang mayor noong 2004.

Pero hindi naman daw sumama ang loob niya dahil alam niyang may rason sa kanyang pagkatalo. Nataon ngang may offer sa kanya ang Kapuso network kaya senyales daw ito na kailangan na niyang bumalik sa pagpapatawa sa TV.

"I'm very okay now," nakangiting sabi ni Joey. "Tapos naman na lahat 'yon. Bagong simula tayo ngayon and I am so thankful sa GMA-7 for putting me in this new project. Na-miss ko ang mag-taping. Before kasi, magkakasunod ang mga shows natin at hindi tayo nababakante. Medyo nawala lang tayo, pero I'm back to reality."

Dagdag niya, "Nakakatuwa nga dahil si Rufa Mae pa ang makakasama ko. Maganda na ang chemistry namin ni Rufa Mae kasi ilang beses ko na siyang nakatrabaho before. At lagi niya kaming inaaliw sa taping namin kaya.

JOEY'S DAUGHTER. Tinanong din si Joey tungkol sa kanyang anak na si Wyn-Wyn Marquez. Marami kasi ang pumupuri sa anak ni Joey dahil sa husay nitong sumayaw sa Party Pilipinas. Proud na proud siyempre ang aktor dahil enjoy ang kanyang anak sa ginagawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Manang-mana sa tatay niya! Ang minana lang niya sa nanay niya [Alma Moreno] ay yung buhok niya!" malakas na tawa ni Joey. "Pero seriously, alam n'yo naman kung kanino talaga nakuha ni Wyn yung talent niya sa pagsasayaw. Nasa dugo na niya 'yong talent na 'yon. Kaya natutuwa ako kapag pinupuri siya. Siyempre, anak ko 'yan."

Tulad ni Alma, gusto rin ni Joey na mas mag-concentrate sa pag-aaral si Wyn-Wyn. Kaya hindi ito puwedeng mag-full time sa showbiz hanggang hindi ito nakakatapos sa pag-aaral.

"Yun naman ang naging kasunduan namin," banggit ni Joey. "We let her do Party Pilipinas pero hanggang doon lang muna. May pasok na kaya school ang priority niya. Two years na lang kasi kaya gusto naming matapos niya 'yon.

"Okey lang naman kay Wyn kasi gusto rin niyang makakuha ng college degree. After ng college, she can do whatever she wants. Kahit saan pa siya lumabas, magagawa niya 'yon kapag tapos na ang pag-aaral niya."

Okey lang ba kay Joey na magkaroon na ng boyfriend si Wyn-Wyn?

"Wala naman siyang sinasabi sa akin, pero feeling ko, may mga close naman sa kanyang mga lalake. Pero walang serious na relasyon. Alam naman ni Wyn kung ano ang importante ngayon.

"Hindi naman ako tutol na magka-boyfriend siya. Kung meron naman talaga, ipapakilala na niya sa akin. Gusto ko na kilala ko na kung sino siya. Pero sa ngayon, wala naman sinasabi si Wyn sa akin kaya mukhang wala pa naman," saad ni Joey.

Nabanggit din ni Joey na nagkakausap sila ng kanyang ex-wife na si Alma Moreno tungkol sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

"Open naman ang communication namin ni Ness. Lalo na when it comes to our children, like sila Wyn-Wyn, Yeoj, VJ and MM, kailangan naming mag-usap talaga. Nag-text nga siya sa akin na sasayaw sila ni Wyn-Wyn sa Party Pilipinas. Hindi ko lang napanood kasi may iba akong lakad that day. Pero magaganda ang feedback sa ginawa nila and I'm happy na may ganyan silang ginagawang mag-ina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan naman mapapanood si Joey kasama si Wyn-Wyn na mag-perform sa Party Pilipinas?

"Ako sasayaw? Teka, hanapin ko muna ang kanang paa ko kasi parehong kaliwa ang mga paa ko!" malakas na tawa niya.

Aniya pa, "Diyan ako hindi maaasahan ng anak ko kasi I'm not a dancer. 'Yan ang hindi ko ginagawa talaga. Even singing, hindi tayo puwede diyan. Okey na sa akin ang magpatawa kasi diyan tayo magaling. I will just stick to something na alam kong gawin."

NO QUESTIONS ABOUT HIS LOVELIFE. Sa personal life naman ni Joey, nakiusap siyang huwag na lang itong ungkatin dahil wala naman daw mauungkat sa ngayon. Tahimik daw ang buhay niya at mas gusto raw niyang magtrabaho nang magtrabaho.

"Huwag n'yo na ako tanungin sa lovelife at matanda na tayo!" tawa niya. "Sa mga bata na lang ninyo itanong 'yan at mas bagay sa kanila 'yon. As for me, trabaho lang tayo. Matagal akong nagbakasyon from working and it's time na magtrabaho na ulit tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN