Sharon Cuneta reacts to alleged tweet of Piolo Pascual's son against KC Concepcion

IMAGE 0


"I don't think you can put all the blame on someone who has just turned teenager. So, nasa, siguro...environment. Yun na lang ang masasabi ko," said Sharon Cuneta (main photo) on the alleged statement of Piolo Pascual's son on Twitter against her daughter KC Concepcion. Sharon ends her reaction to the issue with a plea, "Pero sana, tantanan nila ang anak ko!"


Naging topic din sa nakaraang press conference ni Sharon Cuneta para sa concert niyang Megadrama, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 7, ang isyung kinasangkutan kamakailan ng anak niyang si KC Concepcion. Hiningan siya ng reaksiyon ng mga press people na naroon sa 41st floor ng Discovery Suites kahapon, July 22, tungkol dito.

Tila hindi naman sigurado si Sharon kung anong isyu nga ang ibig ng press na bigyan niya ng reaksiyon, "Please tell me, specifically, kung ano yung mga intriga kasi hindi niya dini-detail sa akin."

Binanggit ng press ang kamakailan lang ay lumitaw na pahayag diumano ng 13-taong-gulang na anak ni Piolo Pascual sa Twitter account nito. Ipinahayag daw nito ang di pagpabor kay KC para kay Piolo.

"May sinabi na ba si Piolo about it?" unang reaksiyon muna ni Sharon tungkol sa isyu. "I think dapat si Piolo muna ang magsabi. Pero bilang ina and defending my daughter, kasi kung medyo may ano [mali] ang anak ko, hindi ko siya ide-defend, e. Pero ito, I think, the child is how old...?"

Nag-react muna ang ilang miyembro ng press hinggil sa pagkakaroon nga ng anak ni Piolo. Hindi naman lingid sa lahat na pinagdududahan pa rin ng ilan ang pagkalalaki ng aktor at kung totoong may anak nga ito. Light ang mood at puno kasi ng biruan ang presscon ni Sharon, kaya't kung anu-anong pambubuska ang binanggit ng ilang miyembro ng press, partikular na ang isang beteranong showbiz reporter na pinagdududahan talaga ang kasarian ni Piolo.

"Thirteen?" pagkumpirma ni Sharon sa isang nagbigay ng info tungkol sa edad ng anak ni Piolo. "For a thirteen-year-old, I think ang bata, hindi mo masisisi..."

Sabi pa ni Sharon, sa mga batang hiwalay ang magulang, talagang maaasahan ang pag-ayaw nito sa kung sinumang gustong pumasok sa eksena ng naghiwalay na magulang. Ibinigay nga niyang halimbawa ang anak na si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"KC was really praying na magkabalikan kami... Of course, we were married and we were a love team," na mas lalo raw nakadagdag sa kagustuhan ni KC na magkabalikan sana ang kanyang mga magulang.

Patuloy ni Sharon, "Ang alam ko, matagal nang hiwalay si Piolo at yung mother ng bata. I think yung bata, hindi totally mabe-blame [for not wanting KC for Piolo]. Pero ayoko nang mag-comment tungkol sa kanila, dahil hindi ko alam ang pagpapalaki, e. Sasabihin ko na lang yung palaki ko sa anak ko."

SHARON SLIPS. Ikinuwento nga ni Sharon ang isang pagkakataon na inimbitahan si KC ng pinakasalan din noon ni Gabby na si Jenny Syquia.

"Dahil wala namang ginawa kunyari si Jenny sa akin, 'no... Hindi naman siya yung nakihalo nung kasal pa kami ni Gabby noon, ibang tao yun. At hindi lang sila nag-on nung hiwalay na kami...during!" sabi niya.

Napatawa ang press sa bagong rebelasyon ni Sharon tungkol sa paghihiwalay nila ni Gabby.

"Ngayon ko lang sinabi, ano ba? Wala nang relevance!" follow-up na pahayag ni Sharon sa pagkakadulas niya na lalo pang ikinatawa ng press.

Patuloy ni Sharon tungkol sa kung paano niya pinalaki si KC at ipinaliwanag dito ang sitwasyon nila ni Gabby, "When I was with KC, kaming dalawa lang, I specifically told her—dahil pupunta siya for the first time sa bahay ng Papa niya nung kasal ang Papa niya kay Jenny—sabi ko, 'When you get there, I want you to be respectful because she didn't do anything wrong to us. Because she came in after Papa and I separated. She appears to be a decent woman, she appears to be nice. So no matter what, you be respectful because she's now your Papa's wife and that's also her house. You have to respect that.'

"And I was so proud, I wasn't expecting it, Jenny wrote her a letter after that day, saying she was so happy to have met KC and to have seen that she was raised wonderfully. That she has no bitterness. Kaya nga ang anak ko... full-fledged na adult na, walang bitterness sa puso. In spite of all the intriga, ha, between me and her Papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ayokong lumaki kasi ang anak ko na galit sa mundo. I don't think you can put all the blame on someone who has just turned teenager. So, nasa, siguro...environment. Yun na lang ang masasabi ko," mahabang paliwanag ni Sharon bilang reaksiyon sa pahayag diumano ng anak daw ni Piolo sa Twitter account nito.

"Pero sana, tantanan nila ang anak ko!" pahabol ni Sharon tungkol naman sa mga atake kay KC.

"Pero I think also, kahit na sinong babae yung nali-link sa Papa niya," balik ni Sharon sa anak ni Piolo at sa tweet nito, "ganun din naman siguro ang sasabihin niya. Although it's a bit unfair, it hurts us, kasi disenteng bata si KC. At saka hindi pa sila official ni Piolo, pero matagal na silang nagkikita. They don't jump into anything ano... Hindi naman first person na nakilala ni KC ito. So, she's also been burned before, she's taking better care of herself. Yun lang yun."

A STATEMENT FROM PIOLO. Pero boto nga ba ang Megastar kay Piolo para sa anak niyang si KC?

"Walang problema," sagot agad ni Sharon na aminadong crush din noon ang Noah star.

Biro ni Sharon, ang may problema lang daw yata ay ang beteranong showbiz reporter na panay ang pagtataray tungkol sa pagkalalake ni Piolo at pagkakaroon ng anak nito.

"So far, good influence naman siya kay KC," banggit ng Megastar tungkol kay Piolo. "Ang wish ko lang naman, baka naman meron na rin siyang statement... Ang wish ko lang, pag may mga pagkakataon na ganito—alam ko ayaw rin niyang mapagitna, ayaw rin naman ni KC yun, at lalong ayoko namang mapagitna si KC—yung kung magbigay lang siya ng statement na addressing lang kung ano yung tingin niya at ma-protect lang ba si Kristina, na alam ko namang ginagawa ni Piolo, very much so."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang mahalaga pa rin daw para kay Sharon ay ang makitang maligaya ang anak, kahit na sino man ang makarelasyon nito.

"I'm the kind of mom, I told Kace, 'You know, as long as you're happy.' Ultimately that's what every parent should really want. Kasi you want your children to just be happy. Pag masaya, kahit na metro aide ang asawa—sabi nga ng tatay ko—it shouldn't matter.

"Pero lagi akong nandito, lagi siyang may uuwian, no matter what," pahayag ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN