Young rapper Elmo Magalona plays a nerd in Kaya ng Powers sitcom

IMAGE 0


Elmo says making people laugh runs in his family. "Kasi, yung tatay ko rin, si Francis Magalona, palabiro rin siya. At saka, siyempre, kapag galing ka sa ganoong pamilya na mga makukulit, siyempre, makukulit din kami."


Sunod-sunod ang mga regular shows ni Elmo Magalona sa Kapuso network. Nag-umpisa siya sa Party Pilipinas kunsaan patuloy pa rin siyang napapanood. Ngayon, bukod sa singing at hosting, pinasok na rin ni Elmo ang larangan ng pag-arte, una muna sa drama via ang Pilyang Kerubin, at ngayon naman sa comedy bilang isa sa cast ng Kaya ng Powers. Pilot telecast na ng sitcom mamayang gabi, July 24, sa GMA-7 after ng 24 Oras.

Sa press conference ng Kaya ng Powers noong Tuesday, July 20, sinabi ni Elmo na nag-e-enjoy siya sa lahat ng nangyayari ngayon sa career niya.

"Sobra po akong overwhelmed na nabibigyan po ako ng mga ganitong projects na bago at hindi ko pa natutuklasan. First sitcom ko po ito at nae-excite na po ako na magbiburuan sa eksena."

JOKER. Tingin naman ni Elmo, kung nakaya niyang magdrama, kaya rin daw niya ang magpatawa.

"Siyempre po, kakayanin. Kasi, yung tatay ko rin, si Francis Magalona, palabiro rin siya kaya marami rin siyang parang naituturo sa amin na mga bagay. At saka, siyempre, kapag galing ka sa ganoong pamilya na mga makukulit, siyempre, makukulit din kami."

In real life, would he say he's also a comedian?

"Opo... like sa school, parang isa rin po ako sa mga joker. Tingin ko naman po rito, hindi naman po ako yung puro jokes. Kasi ang role ko po, nerd na may yaya, na bunso. Sobrang nerd ako, gustong-gusto kong magkaroon ng powers and eventually, magkakaroon din ako."

Kasama sa cast si Rhian Ramos, na nasabi na noon ni Elmo ay crush niya at kung may pagkakataon ay gusto niyang ligawan.

Hindi ba siya naiilang na ngayon ay magkasama sila sa isang sitcom?

"Hindi naman po ako naiilang. Kasi, parang hindi naman po to that extent ang ligaw na gagawin ko. Parang admiration lang naman at paghanga ko lang din naman po sa kanya. At siyempre, focus po ako rito sa trabaho para po maganda ang takbo ng show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEARNING FROM PILYANG KERUBIN. First drama naman niya ang Pilyang Kerubin at nae-enjoy rin daw niya ang naturang primetime series with Barbie Forteza and Joshua Dionisio.

"Sa Pilya nae-experience ko yung pag-acting ng ganoong bagay. Marami rin po akong natutunan sa Pilya at yung natutunan ko po ro'n, nagagamit ko rin sa buhay ko."

Nakaka-bonding na rin daw niya ang kanyang mga castmates. "Siyempre po, pare-pareho po kaming bagets. Madali naman po kaming makisama sa isa't isa kasi pare-pareho naman kami."

Malapit na ang birthday ni Barbie, at sabi ni Elmo, "Bibigyan ko po siya ng gift, parang something po for her birthday."

Hindi naman niya napi-feel na dahil sa pagpasok niya sa love team nina Barbie at Joshua ay may mga fans na nagseselos sa kanya.

"Hindi naman po. Kasi, ang alam ko naman po, ito po ang talagang work namin. Focus kami ro'n at hindi namin dapat ipaapekto sa amin yung ganoong bagay at mas focus na lang kami sa ginagawa namin."

Dugtong pa niya, "Sa Pilya rin po, nag-introduce po ng bagong love interest ko at baka naman hindi rin po maapektuhan ang love triangle."

Ngayong full-blast na siya sa pag-aartista, kumpara noon na pa-guest-guest lang siya sa TV at mas mga commercials ang ginagawa niya, nararamdaman na ba niya ang pagiging popular niya?

"Opo... marami pong sumusubaybay sa akin sa Party Pilipinas at sobra po akong napa-flatter. Sa pag-e-entertain ko, napi-feel ko na nai-start ko na rin ang ginawa ng tatay ko dati."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN