Paulo Avelino regrets not being at LJ Reyes's side when she gave birth to their son

IMAGE 0


Paulo Avelino, 22, is now a proud father to a baby boy. His girlfriend LJ Reyes, 22, gave birth last July 24 in New York. But Paulo was not able to witness the birth of his child because his visa was denied twice.


Masayang-masayang si Paulo Avelino dahil sa maraming magagandang pangyayari sa kanyang buhay ngayon. Una na nga rito ang panganganak ng kanyang kasintahang si LJ Reyes sa kanilang first baby na si Ethan Akio. Tapos ay ang gumaganda niyang showbiz career dahil sa pagkakasama niya sa bigating cast ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Ilumina, na mapapanood na simula sa August 2. "

Sa presscon ng Ilumina na ginanap kagabi, July 27, sa The Glass Garden sa Santolan, Pasig ay kaagad kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Paulo kung ano ang feeling ng bagong daddy.

"Eto, masayang-masaya po. Namigay po ako ng tobacco sa mga kaibigan ko nung Sabado," sambit ni Paulo.

Nakaugalian na kasi sa Pilipinas na kung hindi nagpapainom ay nagbibigay ng tobacco ang isang bagong ama sa mga kaibigang lalaki. Sinong nagsabi sa kanya na magbigay siya ng tabako?

"Yung mga kaibigan ko po," sagot ni Paulo. "Nung ibinalita ko na tatay na ako, sabi nila tabako daw. Kaya ayun, binigyan ko sila."

Nanganak si LJ bandang alas-tres ng madaling-araw (U.S. time) noong July 24 sa Amerika. Madali naman daw makaka-recover si LJ dahil normal delivery naman daw ito.

"Mabilis lang po siyang nag-labor, less than an hour. Mabuti na nga rin po na hindi siya sobrang nahirapan," banggit ng young actor.

Tumitimbang ng 7.4 pounds si Baby Ethan Akio, na ang ibig sabihin daw ng pangalan ay strong hero or brave hero.

Maituturing ngang "double victory" para kay LJ ito dahil bago pa siya nanganak ay nanalo naman siya ng Best Supporting Actress para sa pelikulang The Leaving na kasali sa New Breed category ng 6th Cinemalaya Independent Film Festival.

NOT ON LJ'S BEDSIDE. Ang malungkot na parte nga lang ay hindi personal na nasamahan ni Paulo si LJ sa panganganak nito sa Amerika dahil dalawang beses na-deny ang visa ng aktor. Inamin naman ni Paulo ang dahilan kaya siya na-deny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo marami po kasi akong kamag-anak sa Amerika. Sabi, family ties are too strong. Yun po ang reason. Siguro akala nila mag-i-stay ako ng matagal doon," paliwanag ni Paulo.

Dagdag niya, "Nalungkot po ako pero siyempre mas nanaig yung pagkasaya bilang tatay na po ako, e."

Kailan uuwi sa Pilipinas si LJ?

"Hindi pa po namin malaman sa ngayon. Siguro po pag okay na yung lahat ng papers. Pag okay na yung baby na i-travel. Pag naayos na po lahat," sabi niya.

Sa Pilipinas ba bibinyagan si Ethan?

"Hopefully dito. Dito ko rin po gusto, e."

Paano niya pinaghahandaan ang pagpasok sa bagong chapter ng buhay niya bilang daddy?

"Ngayon nagtatanung-tanung na rin po like sa parents ko kung ano yung mga kailangan to raise an infant. May books din po akong binabasa," sabi ni Paulo.

Kailan nila balak magpakasal ni LJ?

"Sa ngayon hindi pa rin namin napag-uusapan. Pero malalaman n'yo rin naman kaagad," aniya.


PLAYING KONTRABIDA. Pinuna rin ng mga press ang bagong hair style ni Paulo ngayon. Biro nga namin sa kanya, ang babae kapag pumapasok sa bagong chapter ng kanyang buhay ay nagbabago ng hairstyle, pero sa kaso nila ni LJ, siyang lalake ang nagbago ng style ng buhok.

"Dahil po ito sa role ko dito sa Ilumina. Medyo bad boy po kasi tayo ngayon dito kaya mohawk po yung buhok ko. Tina-try ko po kasing baguhin yung hitsura ko every project," paliwanag niya.

Kontrabida ang role niya sa Ilumina, pero galing siya sa pagbibida sa Panday Kids. Hindi ba siya nagkaroon ng hesitation na tanggapin ang kontrabida role?

"Hindi po," mabilis na sagot ni Paulo. "Open naman po ako at saka gusto ko rin kasi kumbaga nag-iiba-iba yung roles ko. At saka maganda rin yung mas malawak yung ma-experience ko at bagong pag-aaral din sa akin na simula pa lang ng show ay kontrabida na ako. Kumbaga, bagong pag-aaral sa pag-arte ko at sa hitsura ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mae-expect ng mga tao sa role niya?

"I-expect nila na iba kaysa sa Panday Kids. Tapos medyo ka-love triangle din ako nina Aljur [Abrenica] at Rhian [Ramos]."

Pareho na raw niyang nakatrabaho before sina Aljur at Rhian kaya kumportable na siyang katrabaho ang mga ito. Ilang projects na ang pinagsamahan nila ni Aljur, na ka-batch niya sa StarStruck 4, gaya ng Zaido, Luna Mystika, Dapat Ka Bang Mahalin?, at All My Life. Si Rhian naman ay una niyang nakatrabaho sa "Almost A Love Story" episode ng Dear Friend.


Anong kaibahan ng pakikipagtrabaho ngayon kina Aljur at Rhian?

"Iba po, e, kasi parang una sa lahat pag kaeksena mo na, walang hiya factor to throw your lines at saka gawin yung mga eksena. Mas natural yung flow ng pag-arte kasi kilala mo yung co-actors mo," sabi niya.

Big challenge nga raw ang pagganap niya ng kontrabida.

"Very big challenge kasi bukod sa malaking project ito, maganda pa yung role na ibinigay sa akin. Tapos nung nalaman ko rin po na maraming bigating mga artistang kasama parang nakakakaba rin, e. Parang nakakahiya rin sa kanila kapag nagkamali ka."

Ang tinutukoy ni Paulo ay sina Christopher de Leon, Cesar Montano, Jean Garcia, at Ara Mina. Na-starstruck ba siya?

"Hindi naman po. Pero it's an honor for me na makatrabaho sila kasi kumbaga, sila yung mga beterano talaga na established na magagaling na mga aktor at aktres," saad ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN