Ara Mina reacts positively to rumored relationship of sister Cristine Reyes with Rayver Cruz

IMAGE 0


"Binibigyan ko ng deadline ang sarili ko, dahil feeling ko after 34 hindi pa ako nakapag-asawa, hindi na ako makakapag- asawa for life. Wala, I have a feeling lang. Kaya I'm giving myself, pinakamatagal na yung 34. Pag na-engage ka, one year yung planning ng wedding, so tama lang yung two years to three years from now, di ba? Sandali, parang hindi naman yata maganda na ako ang mag- propose!" says Ara Mina about cut-off age for marriage.


Isa sa mga naitanong kay Ara Mina sa grand launch ng GMA-7 perimetime series na Ilumina kagabi, July 27, ay ang tungkol sa napapabalitang relasyon ng nakababatang kapatid niyang si Cristine Reyes sa young actor na si Rayver Cruz.

Pabor ba si Ara kay Rayver para kay Cristine?

"Well, si Rayver kasi hindi na iba sa akin because I've worked with him sa Kiss Muna. Alam mo yun, bata pa siya, anak siya nina Elizabeth Oropesa at Joey de Leon, sa GMA. So, parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya kasi kapag nakakasama ko sa show, nagiging close ko. Pero siyempre nalipat siya sa ibang channel tapos matagal na kaming hindi nagkakatrabaho 'tsaka sobrang bata pa niya.

"And ang good thing lang, ang gusto ko kay Rayver, naririnig ko from my mom... Naku, huwag sanang magalit si Cristine kung nasabi ko ito, but I'm just telling the truth... Na magkaibigan sila, at maganda yung ano, marespeto si Rayver sa mom ko. Importante 'yon, e," pahayag ni Ara sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa Glass Garden sa may Santolan, Pasig City.

Nanliligaw ba si Rayver kay Cristine?

"Ayokong magtanong kay Cristine, e, pero ano..." bitin niyang sagot.

Pumupunta ba sa bahay nila si Rayver?

"Magkaiba kami ng bahay, e. Magkapitbahay yung mommy ko 'tsaka si Cristine."

Pumupunta ba si Rayver sa bahay ni Cristine?

"A, nariririnig ko," sagot niya. "Pero ayokong magtanong kay Cristine unless siya ang mag-open up. But one time, tinanong ko lang na ano. Friends daw sila."

Pero if ever, boto naman daw si Ara kay Rayver para sa kapatid niya.

"Oo naman, guwapo naman si Rayver!" tawa niya. "Pero siguro ano lang, hinay-hinay lang muna, 'wag biglaan."

Siya ba ang tipo ng ate na nakikialam sa lovelife ng kapatid?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na. Di ba, simula nung nag-away kami, ayoko na, 'no! Never!"

What if mauna pang mag-asawa sa kanya si Cristine?

"Ay, hindi ako papayag!" tawa ni Ara.

Pipigilan niya?

"A, hindi naman, hindi naman. Kung kinakailangan na i-confront ko na yung boyfriend ko, iko-confront ko na na, 'Hoy, uunahan na ako ni Cristine, kaya halika na!'" tawa niya ulit.

Paano kung mabuntis si Cristine at kinailangang magpakasal na?

"Mabuntis? My God! Walo na ang mga pamangkin ko, 'no!" sambit ni Ara. "Siguro naman alam niyang protektahan ang sarili niya, and ang ganda ng career niya ngayon. So, I don't think na pababayaan niya na ganun ang mangyari.

"But if ever ganun ang mangyari, wala tayong magagawa, tatanggapin ko pa rin, mamahalin ko yung pamangkin ko. And still, puwede pa rin naman siyang mag-artista, makakabalik naman siya. Like what happened to Jennylyn Mercado, to Valerie Concepcion, and si Angelu [de Leon], di ba? So, ang ganda-ganda rin ng naging takbo ng career nila."

ARA'S BOYFRIEND. Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin sinasabi ni Ara ang pangalan ng boyfriend niya.

Paliwanag niya, "Eto, hindi ko talaga puwedeng sabihin ang pangalan dahil private na tao siya."

Pero sa pagkakaalam ng PEP, ang kanyang boyfriend ay mula sa isang prominenteng pamilya na konektado sa ilang mga negosyo, kabilang na ang print media.

Paglilinaw ni Ara, "Alam mo kung may ano man siya, kayamanan sila o ano, kumbaga, sa family niya yun. Pero I can see it na nag-aano siya, very hardworking siya."

Kumusta naman ang relasyon nila?

"Strong pa rin, pero siyempre may mga ano...Hindi, actually siyempre wala namang relationship na perfect. So siyempre, minsan may mga small things na hindi napagkakasunduan, pero hindi naman tungkol sa trabaho ko. Siguro pag may moods lang.

"But kung tatanungin ako kung mag-aasawa ako, gusto ko siya na. Oo, kasi ano, e, wala na akong... Kunwari kapag nakakita ako ng hunk or may mga abs diyan, hindi na ako yung ano, wala nang masyadong dating sa akin ang mga boys."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala na bang ibang nanliligaw sa kanya? Bawal na?

"Hindi, merong mga nagpaparamdam, pero ano lang yung tipong, 'O, kumusta na kayo ng boyfriend mo?' Yung mga tipong ganun lang na factor."

Ano ang isinasagot niya?

"Hindi, okay naman. Alam naman nila na yung as friends na lang, hindi yun ano. Yun."


WEDDING TALKS. Totoo ba ang balitang magpakakasal na sila ng non-showbiz boyfriend niya?

"Hindi pa!" bulalas ni Ara. "Dyusko naman, magiging proud naman ako, di ba, kung engaged na ako? Siyempre, baka naman sabihin nila tomboy ako!"

Bakit ayaw pa nilang magpakasal?

"Hindi, hindi pa siguro ano, bago pa lang kami, e. Magtu-two years pa lang. Kailangan ba pag naka-one year, kailangang magpakasal na? Hindi rin, a! Ang pag-aasawa another stage na ng buhay 'yan, ibang level na 'yan, ibang usapan na 'yan."

Wala pang proposal?

"Wala pa... Alam n'yo, pine-pressure ninyo ako!" tawa ni Ara.

Ang kaibigan at dating kasamahan ni Ara sa Bubble Gang na si Rufa Mae Quinto ay malapit na raw ikasal. Ano ang masasabi niya rito?

"Ay, ako naman, pag sinabi kong ikakasal ako, ikakasal ako," diretsang sabi ni Ara.

This year?

"Hindi siguro this year."

Nagyaya na ba ang boyfriend niya na magpakasal na sila?

"Hindi pa, hindi pa."

Gusto ba niyang yayain na siya nito?

"Well, ngayon siyempre nasa kilig-kilig factor pa rin ako na, 'Naku, baka mag-propose sa 'yo!' Pero baka mamaya, pag nandun ka na sa mismong moment na yun na, 'Ay, hindi pa pala ako ready!'

"Kailangan ano ka, e, emotionally, mentally, financially ready, and physically. Siyempre dapat bago ako magbuntis, magpapapayat muna ako nang magpapapayat para hindi naman ako lumba-lumba," saad niya.

Kapag niyaya ba siya ng boyfriend niya na magpakasal, papayag siya?

"Depende sa proposal niya!" tawa niya.

Anong type ng wedding ang gusto ni Ara? Bongga ba o simple na intimate lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, matagal ko nang iniisip 'yan, kung ano ang gusto ko na wedding. Wala pa, e. Basta ang iniisip ko din... Siguro kasi minsan hindi mo din maiiwasan pag nandito ka sa world na ito, siguro dalawang klase ng wedding: Isang intimate, isang puro family lang, yung mga very close friends. Tapos, isang open naman sa public, na sa mga kaibigan kong press, like you guys, di ba?"

May ideal age ba si Ara para mag-asawa?

"Well, siguro hindi naman sa... mga two to three years from now. Alam n'yo pini-pressure ninyo ako. Alam ko na headline ninyo: 'Kailan magpo-propose ang BF ni Ara Mina?'!" tawa niya.

Dagdag niya, "Kailangan bago ako mag-34, may asawa na ako," sabi ng 31-year-old actress.

What if wala pa?

"Kasi binibigyan ko ng deadline ang sarili ko, dahil feeling ko after 34 hindi pa ako nakapag-asawa, hindi na ako makakapag- asawa for life. Wala, I have a feeling lang. Kaya I'm giving myself, pinakamatagal na yung 34. Pag na-engage ka, one year yung planning ng wedding, so tama lang yung two years to three years from now, di ba? Sandali, parang hindi naman yata maganda na ako ang mag- propose!" tawa ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN