Rhian Ramos dismisses persistent rumors linking her to Mo Twister

IMAGE 0


"Nakakatawa kasi noong una siyempre, friends kami, close kami. Pero no'ng may lumabas na intriga, mas dumami pa ang dahilan kung bakit kami nag-uusap. So, mas nag-uusap kami. Instead of... Siyempre, iisipin ninyo na parang lalayuan namin ang isa't isa. 'Hoy, iniintriga tayo, huwag mo akong kakausapin.' Parang gano'n," says Rhian Ramos about Mo Twister.


Nagbabalik sa primetime TV si Rhian Ramos sa pamamagitan ng bagong fantaserye ng GMA-7 na Ilumina. Ito ang follow-up project ng young actress, pagkatapos ng Stairway to Heaven nila ni Dingdong Dantes last year.

Sa grand launch ng Ilumina kagabi, July 27, sa Glass Garden sa Santolan, Pasig, ipinakita ang trailer nito, kung saan nagsasagupa ang powers ni Rhian at ng co-star na si Jackie Rice. Gumaganap sila bilang kambal na magiging mortal na magkaaway.

Ano ang mga preparasyon ni Rhian para sa mga gagawing action scenes sa bago niyang serye?

"Not so much of actions. Ang fightings kasi manggagaling sa mga powers namin. Sa mga itim na sorsera [sorceress], manggagaling yun sa pamaypay nila. Sa mga puting sorsera, sa payong manggagaling. At ako ay isang puting sorsera. At palagi akong may puting payong na dala-dala kahit saan ako magpunta. Mabigat na payong na dala-dala ko kung saan-saan," nangingiti niyang kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Ipinaliwanag ni Rhian kung bakit sa dinami-dami ng puwedeng gamitin, pamaypay at payong ang naisip ng creative team ng Ilumina para maging sandata ng powers nila ni Jackie.

"Eto yung mga bagay na lahat ng tao sa lahat ng bansa, meron. Pero hindi lang...parang it could be anyone. Kunwari pag tiningnan natin yung ibang tao, malay mo? Parang gano'n. Gusto lang naming nae-establish na very current siya, hindi yung nasa ibang mundo. Nasa mundo natin ang setting ng Ilumina," saad niya.

TAKING A BREAK. Sa pagkakatanda ni Rhian ay anim na buwan bago siya gumawa ulit ng isang primetime series pagkatapos ng Stairway to Heaven. Hindi ba siya nainip noong wala siyang masyadong ginagawa?

"Hindi naman," sagot ng 19-year-old actress. "Kasi pagkatapos ng Stairway, talagang sinabi ko na mag-ii-skip muna ako ng isang season, pero naging dalawa. Kasi, mahirap mag-plan. Pero no'ng time na yun, parang ayoko munang kumuha ulit. Kasi, wala, napagod ako, e. Masyadong maemosyon ang mga nangyari doon [Stairway to Heaven]. Medyo draining siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero worth waiting for naman ba ang bago niyang show sa GMA-7?

"Worth waiting for," tugon ni Rhian. "Kasi no'ng time na yun, alam ko yung magiging next project ko at yung project pagkatapos no'n. Sabi ko, i-skip ko muna yung isa at hihintayin ko muna ito para may mailabas naman ako."

Bakit natagalan bago siya nabigyan ng project?

"Gano'n, e. Jumble kasi yung ano, e... Well, noong una, ako talaga yung umayaw," pagre-reveal niya.

Tumanggi si Rhian na sabihin kung ano yung show na tinanggihan niya, na dapat sana niyang gawin bago itong Ilumina.

"Oo nga, secret!" tawa niya.

Bukod sa Ilumina ay kasama rin si Rhian sa cast ng bagong sitcom ng GMA-7 na Kaya ng Powers, kung saan may kapangyarihan din ang role niya.

ALJUR AS NEW LEADING MAN. Si Aljur Abrenica ang "pag-aagawan" nina Rhian at Jackie sa Ilumina. Wala pa nga lang masyadong masasabi si Rhian kay Aljur dahil bagu-bago pa lang silang nagkakasama at nagkakaroon ng eksena.

"Okey naman, kasi dalawang araw pa lang kaming nagkakatrabaho. Kasi yung kahapon [July 26], nagsu-shoot kami ng plug para may maipakita kami sa launching. Pero sa show pa mismo, hindi pa namin nasisimulan, mga bagets pa."

Sa dalawang araw na pagsasama nila ni Aljur, may nabasa na agad na ugali nito si Rhian.

"Mabait, gentleman. Para siyang may totoong interes sa iyo. Parang tatanungin ka lang ng mga bagay-bagay tungkol sa iyo."

Naramdaman ba niyang may interes sa kanya si Aljur?

"Parang gano'n!" hagikhik niya. "Parang nag-e-express naman siya ng genuine sincerity pag may tanong siya, na hindi lang siya nakikipag-usap lang. Parang gusto ka lang niya makilala as a person."

Ang mga tanong ba sa kanya ni Aljur ay tungkol sa trabaho o propesyon? May mga tanong na ba itong personal?

"Wala, yung mga ano lang, yung mga parang ice breaker lang, para mawala lang muna yung... Siyempre, first project pa lang namin, hindi ko naman sasabihin, 'Ay, comfortable kami agad.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ipinapakita ni Aljur ang pagiging gentleman niya?

"Hinatid niya ako sa car ko. Parang gentlemanly na bagay yun."

Ilang beses na ba siyang naihahatid ni Aljur sa sasakyan niya?

"Yung first time na magkasama kami, tapos nalaman pa lang namin na baka magka-project kami. Tapos, every time after that, hindi siya umaalis ng set na hindi naggu-goodbye," kuwento ni Rhian.

MO TWISTER JUST A FRIEND? Tiniyak ni Rhian na walang magagalit sa parte niya pag nauwi sa panliligaw ang interes ni Aljur sa kanya. Nang matukoy nga ang rumored boyfriend niyang si DJ Mo Twister, mariin itong itinanggi ng batang aktres.

"Hindi naman. Wala naman," sambit niya. "Well, ever since naman before, vocal ako na close na close kami. So, sa showbiz, kung hindi siya ang pinaka... Well, sa mga lalake, siya na nga yung pinaka. Wala nang mas ku-close pa sa kanya kasi, wala, totoo siyang kaibigan, e. Puwede ko siyang sabihan ng mga sikreto."

Itinanggi rin ni Rhian na nanliligaw sa kanya ang controversial radio- TV host.

"Kailan ba siyang nanligaw? Hindi siya nanligaw," diin ni Rhian.

Alam ni Rhian ang mga bali-balita tungkol sa kanila ni Mo at ang pagiging magkasintahan daw nila.

"Balita ko naman puro magaganda yung mga sinasabi niya. Na-appreciate ko yun. And para sa akin, na-appreciate ko na kahit iniintriga ninyo siya, hindi niya papalitan ang sagot niya na puro magaganda pa rin ang sinasabi niya. Salamat," nakangiti niyang pahayag.

Hindi naman itinatanggi ni Rhian na madalas silang lumalabas ni Mo at marami ang nakakakita sa kanilang dalawa na magkasama.

"Hindi naman kami hiding or anything," sabi niya. "Kunwari, gusto kong lumabas kasama ang mga kaibigan ko, lalabas ako. Kasi kung may intriga, yun ba ang dahilan para tapusin mo ang friendship mo sa isang tao? Parang hindi naman magandang gawain yun. Maganda naman yung dini-demonstrate niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ni Rhian, hindi siya naapektuhan kahit katiting ng mga tsismis tungkol sa itinatago umano nilang relasyon ni Mo.

"Nakakatawa kasi noong una, siyempre, friends kami, close kami. Pero no'ng may lumabas na intriga, mas dumami pa ang dahilan kung bakit kami nag-uusap. So, mas nag-uusap kami. Instead of... Siyempre, iisipin ninyo na parang lalayuan namin ang isa't isa. 'Hoy, iniintriga tayo, huwag mo akong kakausapin.' Parang gano'n."

MO TWISTER NOT SHOWING ROMANTIC MOVES. Pinag-isipan ng ilang segundo ni Rhian ang tanong kung wala bang chance na magkatuluyan sila ni Mo, kung totoo ngang hindi pa sila nito ngayon.

"Hindi ko pa siya nakikita sa gano'ng light, kasi wala pa naman siyang ipinapakita sa akin na dapat isipin kung romantic," sabi niya.

Maraming beses nang sinasabi ni Mo sa mga press na malaki ang crush o pagkakagusto niya kay Rhian. Ano ang masasabi niya rito?

"Buti sana kung sa akin siya vocal!" tawa niya. "Pero wala naman, wala naman siyang sinasabi sa akin."

Natawa si Rhian sa isyung inuulan daw siya ng mga regalo ni Mo. Maliban daw sa pagsasama nila sa Paris, binigyan din raw ng DJ ang aktres ng mamahaling sapatos.

"Buti sana!" tawa niya ulit. "Ay, hindi. Hindi naman. May sponsors naman ako para sa mga bagay na 'yan, hindi ako kailangang bigyan."

Sabi-sabing magaling sa diskarte si Mo pagdating sa mga babaeng natitipuhan nito. Isa na nga sa diskarte ay ang pakikipaglapit nito sa babae at ang pagbibigay ng mga kung anu-ano. Pero wala raw naoobserbahan si Rhian sa sinasabing pagkakaroon ng interes sa kanya ni Mo.

"No, pero hindi ko naman sinasabing hindi siya okey na tao or anything," sabi ng dalaga. "Kaya nga kami matagal nang magkaibigan, kasi wala akong iba sa ngayon na tina-trust na masabihan ng ibang bagay, katulad ng tiwala ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman masagot ni Rhian ang tanong na posible ba siyang ma-in love kay Mo kung manligaw nga ito sa kanya.

"Ewan ko, malay!" aniya.

Sinisiguro naman ni Rhian na hindi maapektuhan ang friendship nila at lalong hindi mawawala ang tiwala niya kay Mo kung manligaw nga ito sa kanya.

"Hindi mawawala, unless may ginawa siya para mawala yun!" tawa niyang muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN