Aljur Abrenica says team-up with Rhian Ramos is a new chapter in his life

IMAGE 0


"Ngayon naman po, iba naman po ang makakasama ko. Parang panibago lahat. Excited ako na mas marami akong matutunan at mas ma-develop yung personality ko po rito," says Aljur Abrenica about teaming up with Rhian Ramos.


Sa unang pagkakataon ay ipaparaha sa ibang young actress ang StartStruck 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica sa bagong primetime series ng GMA-7 na Ilumina. Ginagampanan niya rito ang papel ni IƱigo, ang heredero ng Royal Salcedo Construction na magiging dahilan ng pag-aaway ng magkakambal na sina Romana (Rhian Ramos) at Krisanta (Jackie Rice).

"Sa totoo lang, masayang-masaya po ako sa project na ito. Isa po talagang malaking karangalan na makatrabaho si Ms. Rhian Ramos at si Ms. Jackie Rice. Dalawang napakaganda at napakatalino, pantasya ng bayan at sa akin pa po napareha.

"At saka siyempre, yung mga bago po nating Kapuso, tulad nina Mr. Christopher de Leon, Mr. Cesar Montano. Isa po talagang malaking karangalan na makatrabaho sila dahil inaasahan mo na marami akong matutunan sa kanila," saad ni Aljur sa grand launch ng Ilumina last Tuesday night, July 27, sa Glass Garden sa Santolan, Pasig City.

Kumpara sa huling primetime series ni Aljur na The Last Prince, kung saan siya ang nasa title role, dito sa Ilumina ay tila nakasentro ang istorya sa paglalaban ng magkakambal na sina Rhian at Jackie.

Okay lang ba kay Aljur na hindi siya ang "star" sa bago niyang fantaserye?

"Hindi naman sa hindi star. Para sa akin, anything goes naman. Basta trabaho at work na ibinigay sa akin ng GMA, tatanggapin ko. Sa akin kasi, binigyan ako ng trabaho rito. Hindi tatakbo ang istorya nang wala ako rito. So, nagpapasalamat pa rin po akong talaga. At saka kahit hindi title role, wala naman pong big deal sa akin," sabi niya.

RHIAN RAMOS. Ine-expect ba niya ang team-up nila ni Rhian ngayon ay magiging katulad kung paano na-buildup ang love team nila noon ni Kris Bernal?

"Sa akin, hindi naman ako nag-e-expect. Excited lang ako," sagot niya.

Saan nanggagaling ang excitement niya?

"Para kasing isang panibagong kabanata sa buhay ko. Ibig kong sabihin, parang palagi ko po kasing kasama si Kris. Nakasanayan ko po. Every project, narating po namin ang kung ano kami sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon naman po, iba naman po ang makakasama ko. Parang panibago lahat. Excited ako na mas marami akong matutunan at mas ma-develop yung personality ko po rito."

Sa hiwalay na panayam kay Rhian, sinabi nitong open siya sa kung anumang ma-develop sa pagitan nila ni Aljur. Ano ang masasabi ni Aljur dito?

"Unang-una, nakaka-flatter naman po ang sinabi ni Ms. Rhian. Alam ko naman po na single siya. Single din po ako. Wala naman po sigurong masama kung may mangyari at magka-debelopan. Open din naman po ako sa relationship.

"Pero sa ngayon, nakikita ko lang kay Rhian na talagang desidido siya sa trabahong ito, sa team-up na ito, at saka yung trabaho muna. Nakikita ko sa kanya yun, e. Siguro rin, mas practical lang kami sa posibleng mangyari, pero career muna kami. Pero, possible naman," pahayag ng young actor.

Ano-ano ang mga katangian ni Rhian na nakikita niyang posible niyang magustuhan?

"Unang-una na po, maganda siya. Napakaganda ni Ms. Rhian. Tapos, pangalawa, asset din kasi sa akin yung pagiging matalino," sagot niya.

JC & RHIAN. Binanggit ng PEP kay Aljur ang sinabi ni JC de Vera nang huli namin itong makausap. Ayon kay JC, humingi sa kanya ng pointers at advice si Aljur tungkol kay Rhian. Noong nasa GMA-7 pa kasi si JC ay ilang proyekto ang pinagsamahan nila ni Rhian, na ang pinakahuli ay ang Lalola.

Kinumpirma naman ito ni Aljur. Aniya, "Siyempre si JC, nakatrabaho na niya si Rhian, ako hindi pa. Tinatanong ko rin kung sino ba si Rhian, kung ano ang gusto niya. Kung paano pakikisamahan?

"Napakaganda ng sinabi ni JC, na ang sabi niya sa akin, 'Sobrang mabait 'yan, sobrang professional. Wala kang problema diyan kasi napakamasunurin sa director at napakagaling na artista.'"

Ilang beses naming kinumpirma kay Aljur kung iyon nga ang sinabi sa kanya ni JC tungkol kay Rhian. Sa huling mga interview kasi ni JC ay tila hindi naging maganda ang alaala na iniwan sa kanya ng relasyon nila ni Rhian. .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Aljur, "Ang importante sa akin, nagbigay siya nga advice na nakatulong sa akin."

ANOTHER GIMMICK? Hindi ba siya natatakot na baka masabihang gumigimik lang sila ni Rhian dahil sa nangyari sa kanila ni Kris Bernal noon? Never na naging sila ni Kris, pero onscreen at kapag kausap sila ng press ay pinalalabas na nanliligaw siya sa young actress.

"Wala, wala naman akong fears," sagot ni Aljur. "Yung sa akin naman kasi, yung sa amin ni Kris, magkaibigan lang talaga kami. Umabot kami sa point na sinasabi nilang nagka-debelopan, pero tao lang naman din. Umabot sa side na nanligaw, pero dumating sa point na, talagang hindi, magkaibigan lang talaga. Maayos naman ang usapan namin."

Dagdag niya, "I know naman, yung mga fans, maiintindihan nila yun dahil nga it's not our decision naman. Parang GMA knows what's best for us between me and Kris. Alam ko rin naman na hindi nila pababayaan si Kris. Alam ko rin na hindi nila ako pababayaan. Hindi naman namin desisyon yun, desisyon ng GMA. At nirerespeto namin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN