Cesar Montano's son Diego alleviates actor's longing for late son Angelo

IMAGE 0


"Hindi naman mapapalitan ang pagmamahal ko kay Angelo. He will always be in my heart. Kay Diego ko naman ipagpapatuloy ang pagmamahal at pag-aaruga ko for Angelo. Sigurado naman ako na kung nasaan man si Angelo ngayon, masaya siya for his brother Diego dahil nandito siya sa pamilya namin," says Cesar Montano.


Award-winning film actor and director Cesar Montano will turn 48 years old on August 1. Pero simple lang daw ang magiging celebration ni Cesar kasama ang kanyang pamilya. Nagsimula na raw kasi siyang mag-taping para sa bagong telefantasya ng GMA-7, ang Ilumina, na nagkaroon ng press launch noong Martes, July 27.

Kuwento ni Cesar sa PEP (Philippine Entertainment Portal), three times a week ang kanyang taping for Ilumina. Dito ay gumaganap siya bilang Romano, ang ama ng kambal-tuko na sina Romana at Krisanta, played respectively by Rhian Ramos and Jackie Rice. Location pa ang taping nila kaya mahirap daw magplano ng anumang malaking selebrasyon, dahil by the end of the week ay pagod na pagod na siya.

"Nagpapasalamat nga ako that my birthday will fall on a Sunday kaya eksaktong family day namin 'yon. Siguro lalabas na lang kami nina Sunshine [Cruz, his wife] at ng mga bata. Lately kasi, nabawasan ang time ko sa kanila noong mag-start na akong mag-taping sa GMA-7. So, sa birthday ko, babawi ako sa kanila.

"Yun na lang ang gusto ko sa birthday ko. Simple celebration lang at kasama ang pamilya. Wala na akong hihilingin pa, di ba?" nakangiting pahayag ni Cesar.

SON DIEGO. Ikinatutuwa naman ni Cesar na nasa pangangalaga na niya ang isa pa niyang anak na si Diego—ang anak niya sa dating actress-singer na si Teresa Loyzaga, na anak ng basketball legend na si Caloy "The Big Difference" Loyzaga.

Nabanggit ni Cesar sa PEP na may sariling pamilya na si Teresa sa Australia, at natuwa naman siya nang ihabilin nito sa kanya si Diego.

"Masayang-masaya ako kasi alam ko na marami akong pagkukulang sa anak kong si Diego," sabi ng aktor. "Pero hindi kasi alam ng lahat na nagkikita naman kami ng batang 'yan. Even with my other kids, close talaga si Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, madalas ko siyang makasama. We play the same sports. Pareho ang mga hilig namin, e. Magaling din kumanta tulad ng mommy niya. Kaya nga marami na ang interesadong gawin siyang artista. Marami nang nagtatanong sa akin kung puwede na ba si Diego.

"Sa akin, okey lang kasi nasa dugo ng batang 'yan ang pagiging artista. Ngayon kasi, he's in school, at gusto ko munang mag-adjust siya sa school na pinapasukan niya. If he wants to enter showbiz, walang problema basta walang magiging problema sa pag-aaral niya."

Naikuwento rin ni Cesar na sa kanyang mga anak, si Diego ang pinaka-close sa yumao niyang anak na si Angelo. Tuwing magbabakasyon daw si Diego sa Pilipinas noon ay si Angelo ang parating kasama nito.

"Silang dalawa ang parating magkasama. Sila ang two boys ko at ang saya-saya nila kapag nagkikita na sila. Yun ang mami-miss ko," pag-alala pa ni Cesar.

Dagdag niya, "Three weeks nga bago nangyari yung kay Angelo, tinext ko siya at sinabi ko na magbabakasyon nga si Diego sa Manila. Tuwang-tuwa siya kasi more than a year din silang hindi nagkita ni Diego. Kaya noong malaman ni Diego ang nangyari kay Angelo, umiyak talaga siya. Kasi nga, nawala na yung pinaka-close niyang kapatid niya. Silang dalawa lang kasi ang lalake, e, kaya nalungkot talaga siya." (Cesar has one daughter from his first wife and three daughters with Sunshine.)

Kaya malaking blessing ang pagdating ni Diego sa buhay ni Cesar dahil napunuan nito ang kalungkutan na iniwan ni Angelo sa kanyang puso.

"Hindi naman mapapalitan ang pagmamahal ko kay Angelo," paglilinaw ng aktor. "He will always be in my heart. Kay Diego ko naman ipagpapatuloy ang pagmamahal at pag-aaruga ko for Angelo. Sigurado naman ako na kung nasaan man si Angelo ngayon, masaya siya for his brother Diego dahil nandito siya sa pamilya namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELO'S EYES. At kahit nga nawala na si Angelo, meron pa rin daw itong natulungan na isang tao na muling magkaroon ng pag-asa ang buhay. Nai-donate ni Cesar ang cornea ni Angelo sa isang teacher na nawalan ng paningin. Pero muli itong nakakita dahil sa tulong ng mga cornea ni Angelo.

Kuwento ni Cesar, "Through a good friend, nakilala namin ang teacher na ito. She teaches dancing sa mga students niya. Kaso, nagkaroon siya ng karamdaman na naapektuhan ang eyesight niya. Hanggang sa mawalan na nga siya ng paningin.

"Yung corneas nga ni Angelo ang nakatulong sa kanya. Ngayon, okey na ang paningin niya at nakakapagturo na siya ulit. In fact, she invited me and my family to visit her and have dinner para magpasalamat sa pagtulong namin sa kanya."

Dagdag niya, "Nakakatuwa kasi nagkaroon ng purpose ang biglang pagkawala ni Angelo. May natulungan pa siya na magkaroon ng paningin. Nakakatuwang isipin that my son will continue on living through the eyes of someone na natulungan niyang magkaroon ng ng pag-asa sa buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN