Zoren and Carmina's twins set to debut on their parents' morning show

IMAGE 0


Zoren Legaspi and Carmina Villarroel's (in photo) popular twins, Maverick and Cassandra, have made several commercials but have never appeared on a TV show. Now fans of the nine-year-olds will finally get to see them for longer than 30 seconds when they guest in their parents' morning talk show, Love Ni Mister, Love Ni Misis.


Magsisimula na sa Lunes, August 2, ang pinakabagong morning show ng GMA-7 na Love Ni Mister, Love Ni Misis, kunsaan hosts ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

At sa morning show na ito, puwede nang lumabas ang kanilang sikat na kambal na sina Maverick at Cassandra, na mas kilala as Mavy and Cassy. Nine years old na ang twins.

Never pa nakapag-guest sa anumang talk show ang kanilang mga anak, at hinahanda na raw nila ang dalawa sa araw na magiging special guests sila.

Kuwento ni Zoren, kahit na kilalang-kilala na ang kanilang kambal dahil sa rami ng commercials na nagawa na nila, mahiyain pa rin daw ang mga ito at hindi sanay na napapaligiran ng maraming tao.

"Nahihiya pa rin nga sila kapag may mga taong nakatitig sa kanila. Hindi pa sila sanay na may audience sila. Sanay lang silang gumawa ng commercial kasi iilang tao lang naman ang nakapaligid, e.

"Kaya inuunti-unti namin sila ni Mina na masanay sa maraming tao. Pero okey lang naman sa amin ni Mina na nandoon pa rin ang pagkamahiyain nila. It means na hindi nila iniisip na kilalang-kilala na sila ng marami," ngiti ni Zoren.

LEARNING TO SPEAK TAGALOG. Naka-enroll sa iba't ibang workshops sina Mavy at Cassy tulad ng singing, dancing, at pagsalita ng Tagalog. Gusto kasi nina Mina at Zoren na mag-enjoy ang dalawa sa unang paglabas nila sa isang talk show.

"In fairness, maayos na ang pananalita nila ng Tagalog. Natututo na rin kahit papa'no," tawa ni Mina.

"Kami naman ni Zoren, we are looking forward na makasama namin ang kambal sa show. Kasi family show na namin ito kung tutuusin, kaya gusto namin na maging part na sila. Basta walang maging problema sa school nila at sa kung anu-anong bagay, mapapanood sila sa show namin ng tatay nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ni Zoren na matutong magsalita ng Tagalog ang dalawa para maganda raw ang pakikipag-communicate nila sa ibang tao, lalo na sa mga bata kasing-edad nila.

"Lumaki kasi ang kambal na English ang pinaka-language nila. Pero mas gusto nga namin ni Mina na matuto silang mag-Tagalog. Paunti-unti rin namin ginagawa iyon. Sa bahay, kinakausap namin sila in Tagalog at gusto namin Tagalog din ang sagot nila.

"Wala namang masama, di ba? Pinapalaki namin bilang mga Pinoy ang mga bata kaya dapat mahalin nila ang lengguahe natin. Agree naman si Mina kasi gusto rin niyang makipag-interact ang kambal sa ibang bata. Ayaw naming naiilang sila kapag kinausap sila in Tagalog."

KIDS' LEAD. Ano naman kaya ang magiging topic nila kapag natuloy na ang pag-guest ng dalawa?

"Marami naman kaming napag-uusapan kapag magkakasama kami. Siguro one is tungkol sa school nila. Masipag mag-aral ang dalawang 'yan kaya proud parents kami ni Tatay," ngiti pa ni Mina.

"'Tapos, puwede naming pag-usapan ang mga hilig nila at kung ano ang gusto nilang maging paglaki nila. Endless naman ang topics kapag parents and their children ang nasa isang show. Huwag lang sana nila akong paiyakin kasi alam nilang very emotional ako. Gusto ko yung masaya kaming nag-uusap."

Para naman kay Zoren, ipapaubaya na lang niya sa kanilang kambal ang gusto nilang pag-usapan sa morning show.

"Since mga bata pa naman sila, hindi mo maipipilit yung topic na gusto mo, di ba? Gusto ko na may freedom sila to talk about anything at hindi yung nili-limit mo sila sa ganitong pag-uusap lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN