Aljur Abrenica's reaction to gay rumors: "Natawa, nakyutan, medyo nainis."

IMAGE 0


"Ito na lang po ang sasabihin ko, hindi ko po pagkatao yan. Yun na lang," said the actor amiably, whose conflicting image is that of a guy who convincingly romanced Kris Bernal while carrying on a secret relationship with Rich Asuncion, and who's now pursuing Rhian Ramos, his love interest in the upcoming series, Ilumina.


Hindi pa rin makapaniwala si Aljur Abrenica na wala na ang love team nila ni Kris Bernal. Nagsimula ito noong nasa StarStruck pa lang sila hanggang sa magkaroon sila ng dalawang magkakasunod na hit series sa GMA-7. Kaya naman kapag nababanggit ang dating kapareha, sinasabi nitong nalulungkot pa rin siya hanggang ngayon.

"Nag-a-adjust pa rin ako," aniya. "Alam ninyo naman na si Kris ang lagi kong kasama. Kailangan ko lang tanggapin na part ito ng showbiz, e, na dapat kong harapin. So, nasa process pa rin ako ng moving on. Pero we still get in touch with each other. Kapag nagkikita kami ni Kris, gano'n pa rin, wala pa ring nagbago. 'Saka ipinangako ko sa kanya na lagi lang akong nasa tabi niya pag kailangan niya ako."

A CRUSH ON HIS LEADING LADY. Pero aminado siyang may kakaibang excitement siyang nararamdaman ngayon dahil ang crush niyang si Rhian Ramos ang kasama niya sa bagong serye sa GMA-7, ang Ilumina.

"Sa pictorial pa lang namin, simula pa lang, first time naming magkasama, may yakapan na. May pa-sweet moments kami. Doon ko naramdaman na, wow! Hindi ko lang nakaharap kundi nakasama ko pa yung crush ko," kilig niyang kuwento.

Pinaliwanag ni Aljur ang rebelasyon ni Rhian, sa isang naunang interview namin sa aktres, na nagpaparamdam at nagpapakita daw ng interes sa kanya ang aktor.

"Sa akin naman, lahat ginagawa ko para maalagaan silang dalawa. Si Ms. Jackie Rice, hindi lang si Ms. Rhian Ramos kundi si Ms. Jackie Rice rin, na isa ko ring kasama, alumni sa StarStruck. Lahat ginagawa ko para mapakisamahan ko sila," sabi niya.

Ang mga tinutukoy ni Rhian na pagpaparamdam ng binata ay ang pagtatanong nito sa kanya at ang paghatid-hatid nito sa aktres sa sasakyan nito.

Sabi naman ni Aljur, "Si Ms. Rhian kasi very vocal naman pag may gusto siya. Like, one time may sinabi siyang isang bagay. Ako kasi yung taong pagdating sa mga babae, pag may gusto sila, gumagawa ako ng paraan para makuha nila, e. Like sa food. May gusto siyang iniihaw na 'betamax' [grilled bituka ng manok], naghanap talaga ako pero wala akong makita, e. Nakakalungkot nga, e, kasi wala akong nakita. Hindi naman siya na-disappoint. Na-touch nga siya, e. 'Saka pag may nakikita akong food na gusto niya, pag meron ako sa kotse, ibinibigay ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"WALA NAMAN AKONG INAMIN." Tungkol naman kay Rich Asuncion na napabalitang lihim niyang naging kasintahan, medyo ilang pa rin si Aljur na pag-usapan ito. At patuloy pa rin niyang itinatanggi na nagkaroon sila ng relasyon.

"Ang sa akin lang, ah, wala naman akong inamin. Ang sinabi ko lang sa interview, yung pinagsamahan namin, kung anuman yun, masaya akong naging parte ako ng buhay niya, si Rich."

Dahil sa intrigang ito, nagkaroon daw ng image si Aljur bilang isang "player," o isang taong mahusay maglaro sa takbo ng showbiz. Gaya ng pagsakay niya sa love team nila ni Kris, na halos napaniwala nila ang mga tao na may nagaganap ngang relasyon sa kanila, samantalang ang karelasyon talaga ni Aljur ay si Rich.

"Talaga?" reaksiyon ng binata. "Ang sa amin naman kasi, lahat ng narinig ninyo sa amin ni Kris, totoo yun. Wala naman po akong itinago. Yung sinabi ni Kris na niligawan ko siya, totoo po yun. Nag-fall talaga ako sa kanya, alam niya yun. E, dumating kasi sa amin yung pagbabago. Napag-isipan namin na magkaibigan na lang kami at mag-focus kami sa trabaho. So, si Rich naman, dumating sa point na naging parte siya ng buhay ko."

Pero itinago niya ang tungkol sa kanila ni Rich.

"Hindi. Wala. Wala akong itinago. Hindi ko itinago, wala akong dininay. Kasi hindi naman talaga naging kami. Naging... close lang kami. Naging magkaibigan kami," paninindigan ni Aljur.

Kaya may duda ngayon ang press sa ginagawang pakikipag-close ni Aljur kay Rhian, dahil baka sinasakyan na naman raw nito ang team-up nila ng young actress para maging epektibo ang kanilang love team.

"Hindi naman po," sagot niya.

Ipinagdiinan ni Aljur na ang pakikipaglapit niya kay Rhian ay parte ng pagiging magkasama nila sa trabaho, kaya walang siyang dapat ikatakot kung may masasagasaan siya, lalo na sa natuturong rumored boyfriend ng aktres na si DJ Mo Twister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman po akong ginagawang masama. Wala akong ginagawang isang bagay na sa palagay ko magkakaroon ako ng kaaway. Lahat ng ginagawa ko pinag-iisipan at sa lahat ng makakabuti. Wala po akong masasabi... hindi ko po masasabi yung sinasabing may interes ako. Ang sa akin lang, sobra talaga ang paghanga ko sa kanya, same with Jackie Rice. At kung ano ang nakikita nila sa akin is pakikisama na lang at parang build of relationship as friends," sey niya.

GAY BENEFACTOR. Isa sa mga isyung hindi mamatay-matay tungkol kay Aljur ay ang pagkaka-link nito sa mga gay men. Mayroon raw itong gay benefactor na siyang sumusuporta sa mga pangangailan niya sa buhay. Napangiti ang actor sa kanyang narinig.

"Isa lang ang masasabi ko: 'Talaga?'...Halo-halo ang reactions ko diyan, e. Natawa, nakyutan, medyo nainis. Natatawa ako kasi hindi naman totoo. Nakyutan kasi gumagawa sila ng isyu, na parang ang feeling ko talagang pina-fantasize ako. And, ahm, nainis, kasi hindi totoo, e. Kasi lahat ng nakikita ninyo sa akin, pinaghirapan ko. Sasakyan ko sa akin, yung business ko, kita naman ninyo sa lahat ng projects ko. Yung business naming karaoke bar, which is from my dad, sa Batangas. Tapos sarili kong house wala pa ako, e, nagri-rent pa lang ako. Balak ko pa lang bumili this year. Sana. Gusto ko around Scout area [sa Quezon City] lang. Nandito ang family ko, e. Dati ako lang mag-isa, nagri-rent lang ako. Okey lang. Pero yung family ko nandito na. Okey lang naman sila doon pero kaya gusto nilang lumipat, dahil gusto nilang magsama-sama kami. E, masyado kaming malaki. So, balak kong bumili ng bahay para sa aming lahat," paliwanag niya.

Isa pang kumalat na tsismis ay ang pagkaka-link nito sa isang gay staff ng GMA-7 na naging malapit sa kanya noong nasa StarStruck pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam. Wala po akong alam diyan. With all the respect, pero wala, e... Ito na lang po ang sasabihin ko, wala po talaga, e. Hindi ko po pagkatao yan, e. Yun na lang," nakangiti pa rin niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN