John "Sweet" Lapus will be launched by Regal Films

IMAGE 0


Comedian and television host John "Sweet" Lapus will reprise the role of Kumander Gringa, which was originally portrayed by Roderick Paulate in the late '80s.


Better late than never.

Ito marahil ang bagay na kataga para sa comedian at TV host na si John "Sweet" Lapus matapos niyang ihayag na finally, after 17 years in show business, ay magkakaroon na siya ng pelikula na pagbibidahan niya mismo.

Sa press conference ng pelikulang Mamarazzi kahapon, August 3, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, ay masayang ibinalita ni John na Regal Films ang tatayong producer ng kanyang launching movie.

"Si Mother Lily [Monteverde, Regal Films founder] nangako na po," diretsong pahayag ni Sweet.

Bagamat wala pang konkretong detalye sa ngayon, sinabi ni Sweet na napipisil ni Mother Lily at ng anak nito na si Roselle Monteverde-Teo na ipagkaloob sa kanya ang modern remake ng pelikulang Kumander Gringa.

Taong 1987 nang ipalabas ang nasabing pelikula na unang ginampanan ng komedyante at ngayo'y Quezon City 2nd district councilor na si Roderick Paulate.

Target daw ng Regal na maipalabas early next year ang Kumander Gringa.

PATIENCE IS A VIRTUE. Sa isang separate interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper, inamin ni Sweet na matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng proyekto na siya ang tatayong bida.

"Sino ba namang artista ang hindi?" sabi niya. "I'm very sure lahat ng artista pinangarap, o ninais, o ginusto, na magkaroon ng launching movie. Pero sa case ko kasi, bilang ang tagal ko na dito sa industriya, para sa akin kung hindi dumating, okay lang. Ang importante, meron akong trabaho. Ang importante 'andiyan pa rin ako after 17 years bilang artista."

Naikuwento rin ni Sweet kung paano niya unang nalaman ang balak ng Regal na ipagkaloob sa kanya ng solo movie project.

"Few weeks ago, ang Star Magic [ABS-CBN's talent arm] nagpa-dinner para sa mga July birthday celebrants. Apat lang kami nun—ako, si Rayver [Cruz], si Diether [Ocampo], 'tsaka si Zanjoe [Marudo]. We were there together with Star Magic's Ms. Mariole [Alberto] and Mr. M [Johnny Manahan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, dumating si Mother Lily 'tsaka si Ms. Roselle. So, dun habang nagtsitsikahan, sinabi ni Ms. Mariole, 'Mother, kailan ba magkakaroon ng launching movie si John?' Tapos, all of a sudden, sinabi ni Ms. Roselle, 'Ay, meron talaga kaming balak!' Kasi raw, it's really about time na si John Lapus magkaroon ng launching movie."

Nananatiling nasa bakuran ng Star Magic si Sweet bagamat napapanood siya sa mga programa ng GMA-7. Taong 2006 nang magsimula ang komedyante na magtrabaho sa Kapuso network matapos na dumalang ang mga proyekto niya sa ABS-CBN. Kasalukuyang napapanood si Sweet sa Showbiz Central, Pilyang Kerubin, at Show Me Da Manny.

Kamakailan lang din ay napanood si Sweet sa pelikulang Here Comes the Bride. Ang Star Cinema, na siya namang movie production outfit ng ABS-CBN, and nagpondo sa nasabing proyekto.

FROM SUPPORT TO LEAD ROLE. Todo-suporta naman ang mga malalapit na kaibigan ni Sweet sa nalalapit niyang paglabas bilang Kumander Gringa.

At unang-una nga sa mga natuwa ay ang box-office comedienne at bida sa Mamarazzi na si Eugene Domingo.

"Kung ako nga ay makakaipon ng talagang sasapat upang ma-launch siya, ibibigay ko talaga, isusugal ko talaga," hirit ni Uge (palayaw ni Eugene). "Kasi, bilang isang supporting actor din at bilang isang taga-theater, nararamdaman ko na buong-buo na ang husay ni John Lapus. Hindi ka magiging mahusay na lead actor kung hindi ka marunong mag-support."

Kabilang sa mga pelikula kung saan napanood si Sweet bilang isang supporting actor ay ang mga sumusunod: Wanted: Perfect Mother (1996), Apat Dapat, Dapat Apat (2006), Agent XX4 (2007), Ang Cute ng Ina Mo (2007), Shake, Rattle & Roll X (2008), Shake, Rattle & Roll XI (2009), Here Comes the Bride (2010), at marami pang iba.

Hindi maiwasang maitanong kay Sweet kung hindi ba siya nainip sa dahilang nauna pang mabigyan ng lead role break ang mga kaibigan niyang sila Uge at Vice Ganda samantalang kung tutuusin ay mas matagal na siyang nasa showbiz kumpara sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ang Mamarazzi ay solong pinagbidahan ni Uge ang pelikulang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme noong 2009. Considered as bida rin ang naging papel ni Uge sa Here Comes the Bride at Working Girls (2010).

Si Vice Ganda naman ay kasalukuyang tinatapos ang kanyang launching movie sa Viva Films na Petrang Kabayo, na modern remake din ng pelikula na dati nang ginawa ni Roderick Paulate.

"Okay lang 'yon," mabilis na sagot ni Sweet. "Kanya kanya lang naman na oras 'yan at panahon... Hindi ba moderno na talaga ang panahon? Tanggap na tanggap na ang kabaklaan dito sa Pilipinas at sa buong mundo for that matter. Sino'ng magsasabi na after so many years, 2010, isang openly out gay na nagdadamit babae at naghaha-high heels tulad ni Vice Ganda ang ilu-launch? Hindi ba, siya lang yata ang kauna-unahang ganun and it's an honor at proud ako na kaibigan ko at little sister ko ang openly out gay na may launching movie.

"Meron na rin naman dati kaya lang paminta [slang for discreet gay], e. Kami ni Eugene, nandun kami sa Petrang Kabayo. So, ganun namin kamahal si Vice and it will be an honor for me to be the second na baklang out sa Pilipinas na magkakaroon ng launching movie."

At para patuyan na walang selosan o inggitan na namamagitan sa kanilang grupo ay nagsabi na agad si Uge na handa siyang lumabas sa first solo movie project ni Sweet in a supporting role.

Sabi ni Uge, "Hindi po ako mag-aalangan magbigay ng support sa kahit kaninong artista na lumapit at ila-launch. Willing na willing po ako any time. Kung ako nga sinuportahan ng mga malalaking artista sa Kimmy Dora na walang hiniling na kapalit. Kaya ako po ay willing na willing mag-support kahit kanino basta masaya!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN