Monsour del Rosario talks about his first few weeks as Makati councilor

IMAGE 0


Despite his new responsibility as a newly elected councilor in Makati City, actor turned politician Monsour del Rosario still makes time for movies. In fact, he has just finished shooting the indie film Watawat, where he plays national hero Apolinario Mabini.


Unang pagkakataon na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actor-athlete na si Monsour del Rosario, bilang newly elected Councilor ng Makati City District 1, last Saturday, July 31. Ang okasyon ay ang special preview ng indie film na Watawat sa My Cinema, Greenbelt 3.

Ginagampanan ni Monsour sa pelikula ang papel ng bayaning si Apolinario Mabini. Nasa preview rin ang direktor na si Dave Cecilio at ang bidang aktres na si Chin Chin Gutierrez, na gumanap naman sa papel ni Marcela Agoncillo.

KONSEHAL MONSOUR. Unang kinumusta ng PEP kay Monsour ang kanyang tungkulin bilang bagong konsehal Monsour sa District 1 ng Makati City. Nagsimula ang panunungkulan niya noong Hulyo 1, 2010.

"Nasa City Hall ako, three or four times a week, minsan every day," sabi ni Monsour, who begged off being addressed as "Konsehal" sa ganitong pagkakataon. Aniya habang nangingiti, "Mon na lang, wala naman tayo sa opisina. Pag nasa City Hall office tayo, puwede na."

Patuloy niya, "Pag maraming trabaho, every day nandun ako. Mga 10 o' clock normally nando'n ako. Mga 10 a.m. to 6 p.m."

Nakapag-adjust na ba si Monsour sa bago niyang regular work schedule?

Hinggil sa oras ng pagre-report sa trabaho, walang kaso sa kanya ang maagang pagpasok. Aniya, "Malapit lang naman [ang City Hall]. At kasi, may responsibilidad na rin pag may trabaho ka. Siyempre, kumbaga sa trabahong showbiz, pag may shooting ka ng 8 o'clock, gigising ka ba ng 10 o'clock? Di gigising ka ng six. Pag may call time ka, may appointments ka, may responsibilidad ka... Tulad itong 3 o'clock [p.m.] showing [ng Watawat], hindi ako dumating ng 4 o'clock."

Ikinuwento rin ni Monsour ang mga una niyang ginawa bago ang unang araw niyang panunungkulan bilang konsehal.

"Ipinalinis ko yung opisina dahil sa sobrang baho at dumi!" banggit niya. "So, general cleaning ng opisina, tapos nag-hire kami ng mga staff na marunong sa trabaho na kailangan. Yung iba temporary, kasi hindi pa kami makahanap ng pang-permanent. Yung iba naman, permanent na. For now, yun ang umpisang ginawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos yung opisina, dinesign ng wife ko [Joy Zapanta-del Rosario], at mga kaibigan din niya," pagmamalaki ni Monsour. "Tumulong din ang mga kaibigan niya para maging homey ang opisina, at medyo nakikita nga 'yon sa image ko. May kanya-kanyang design. Pag pumunta ka sa opisina ng ibang konsehal, makikita naman ang taste nila. Wala nang remodel, bawal mag-remodel. Kung anong furniture mo, desk mo, aparador mo, banyo mo, yun 'yon. So the most you can do is ayusin mo na lang ng konti, lagyan mo ng mga kung anong gusto mong litrato."

Sa Watawat preview ay kasama rin ni Monsour ang wife niyang si Joy, minus their kids—Matthew Lorenzo, 4, and Bella Dominique who's turning two years old on August 9.

"Matthew is okay. Nagta-taekwondo na! He's four years old na. Si Bella, magtu-two pa lang," banggit pa ng proud actor-politician dad.

STALEMATE. Hindi malinaw ang kaganapang nabanggit ni Monsour, sa loob ng Makati City Council kaugnay ng mga proyektong inaasahang pagkakaabalahan niya ngayon ng tulad niyang may katungkulan.

At inilahad ni Monsour ang mga kadahilanan. "Sa ngayon, wala pang projects. Hindi pa kasi nag-uusap ang Mayor [Junjun Binay] at Vice Mayor [Romulo "Kid" Peña, Jr.] namin. So, habang wala pang maliwanag na pangyayari, stalemate muna kami. Parang sub-zero ako ngayon. Frozen!" at napatawa na lang siya.

Pero hindi naman daw nangangahulugang hindi niya ginagawa ang kanyang mga tungkulin: pagre-report sa opisina sa takdang oras at kaukulang pag-aaral ng mga bagay na Council-related.

"Pinag-aaralan ko yung Local Government Code ng 1991," sabi actor-politician. "Pinag-aaralan ko ang City Charter ng Makati, ang Civil Service [Code]. Tapos, nagko-consult ako sa mga attorneys."

Mahalaga rin, ayon kay Monsour, ang pakikipag-ugnayan ng kanilang opisina sa anumang sangay ng local media.

"Eventually, lalo na pag naging official na yung mga committee chairman, vice chairman, at members ng committees," sabi ni Monsour. "Pag naging official na 'yan, e, marami nang meetings, marami nang pag-uusapan. Pero sa ngayon, ang nangyayari, e, frozen na. Stalemate habang nagnenegosasyon pa sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROSPECTS. Masasabi ba ni Konsehal Monsour na medyo "dim" ang prospects hinggil sa pagpapasulong ng mga proyektong pangkaunlaran sa lungsod ng Makati?

Walang tiniyak ang actor-politician, sa ngayon. Sabi lang niya, "Well, sana mag-ayos na yung mga leaders ng City Hall para mas masimulan na yung mga serbisyo na ipinangako ko...well, ipinangako rin ng ibang konsehal sa mga taumbayan ng Makati."

Ang malaking hadlang sa ngayon, sa pagtukoy ni Monsour, ay ang hindi agad maayos na pag-uusap ng bagong nahalal na Mayor at Vice Mayor.

"Kasi kung walang mga project na magagawa, walang serbisyong makakarating," sabi niya. "Sa ngayon, nag-uusap na. Nag-umpisa na yung usapan, nagne-negotiate na. Pero nothing is definite pa. Nasa negotiating table pa [lang]. Hindi kasi magkakasundo."

On his part, walang problema ang bagong konsehal sa mga mataas na nanunungkulan, bagamat kasama si Monsour sa grupo ng dating Vice Mayor Ernesto Mercado, na tumakbong Mayor, at hindi pinalad na manalo.

"Okey naman ako sa grupo ng Binay, okey rin ako sa grupo ng Mercado. Wala akong problema," paniniyak ni Monsour. "Pero ang mahirap, dahil konsehal lang ako, di ba, hindi naman ako Mayor, Vice Mayor, hindi naman ako Congressman...nakikipagtrabaho ako sa lahat. Work harmoniously. 'Yan ang attitude ko."

SUBLIME PARALYTIC. Sa Watawat, ginampanan ni Monsour ang papel ng bayaning itinuturing na "Brains of the Revolution" at "Sublime Paralytic" na si Apolinario Mabini. Siya ang sumulat ng plano ng saligang batas ng Unang Republika ng Pilipinas, sa ilalim ng pamamahala ni Gen. Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng ating Republika. Nahirang ding unang Prime Minister ng Republika si Mabini noong 1899.

"Maganda yung role," ani Monsour. "Tulong lang ito kay Carlos Morales at kay James Blanco [producers], mga kaibigan ko na nakiusap sa akin. Ka-basketball ko [sila], di ba? Sabi, 'Kuya Mon, puwede ka bang mag-guest? Bibigyan ka namin ng maliit na role, pero okey lang ba sa 'yo?' Sabi ko, 'Sige, walang problema.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginampanan ni Carlos Morales ang papel ni Gen. Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng Republika. Si James Blanco naman ang gumanap sa papel ni Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan na namuno sa malawakang pag-aaklas laban sa mga Kastila noong 1896. Naging aktibong kaanib din ng Katipunan bilang isang matapat na opisyal nito si Mabini.

"Pinag-aralan ko na rin si Mabini, sa history. Dumaan naman tayo sa high school at college, e," sabi ni Monsour.

Sa mga personal na aspeto, o pagkatao ng tauhang ginampanan, "Si Dave [Cecilio, director] na ang nagbigay sa akin ng konting inputs kung paano ang kanyang personality. Nadirek naman ako nang maayos ni Dave. Sandali lang naman ang labas ko dito, mga two, three scenes lang siguro."

Ang pangunahing tauhan ng obra na si Marcela Agoncillo, ginampanan ni Chin Chin Gutierrez, ang siyang naatasang humabi at magdisenyo ng watawat o bandilang siyang ginamit at iwinagayway sa Kawit, Cavite, sa inagurasyon ng Unang Republika ng Pilipinas, matapos makamit ang kalayaan laban sa mga Kastila, noong Hunyo 12, 1898.

Marami nang naging pagbabago, sa anyo at kulay ng ating watawat, mula sa panahon ng rebolusyon, ng mga Katipunero, pero nananatili ang dinisenyo ni Marcela Agoncillo sa malaya at mapayapa nitong pagkakawagayway hanggang sa kasalukuyang panahon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN