Wendell Ramos denies he was jailed for alleged involvement in illegal drugs

IMAGE 0


"Yung lang ang sasabihin ko. Hindi totoo 'yon. Wala na akong comment sa mga gumawa ng ganung isyu at kung saan nila kinuha iyon," says Wendell Ramos said about his reported detention at a police precinct due to alleged tangle in illegal drugs.


Isang malaking tanong sa entertainment press na dumalo sa presccon ng bagong Kapuso show na JejeMom last Friday, August 6, kung darating ang isa sa cast members nitong si Wendell Ramos.

Naging laman kasi ng ilang pahayagan nitong mga nakaraang linggo ang balita tungkol sa pagkakakulong diumano ng aktor dahil sa illegal drugs. Nakapagpiyansa lang daw si Wendell kaya ito nakalabas ng kulungan.

Sa presscon nga ng JejeMom ay marami ang nag-akala na hindi sisipot si Wendell para makaiwas sa mga katanungan ng press tungkol sa napabalitang pagkakakulong niya. Pero nagulat ang marami nang dumating ang aktor at sinagot ang balita tungkol sa kanya.

WENDELL DENIES THE ISSUE. Mariing itinanggi ni Wendell ang balitang nakulong siya dahil sa drugs.

"Ikaklaro ko lang, wala naman. Hindi naman totoo yung nagsasabi ng issue," pahayag ng aktor.

Dagdag niya, "Actually, ako, ayoko talaga magbigay ng comment, pero kailangan kasi... Yung lang ang sasabihin ko. Hindi totoo 'yon. Wala na akong comment sa mga gumawa ng ganung isyu at kung saan nila kinuha 'yon."

Pinabulaanan din ni Wendell na may naganap na news blackout tungkol sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa drug issue.

"Heto lang 'yon, sana dapat ilabas nila yung dapat nila ilabas. Ang pangit lang doon is meron din akong anak. So far, buti na lang at hindi nila nalalaman yung isyu, and I feel blessed pa rin," sabi ng aktor.

Inamin ni Wendell na may hinanakit siya sa nagkakalat ng masamang balita tungkol sa kanya.

Aniya, "Alam mo kapag tumahimik ka na lang at hinayaan mo... Parang masakit lang dahil wala ka namang ginagawa at alam mo namang hindi nakakatulong sa trabaho mo. Yun lang yung hassle ko. Pero diretso lang trabaho."

Tuloy nga ang trabaho ni Wendell, lalo pa't dumarami ang kanyang shows tulad ng JejeMom at Bubble Gang. Kagagaling din daw niya sa isang pictorial para sa Bench, kung saan isa siya sa pinakamatagal nang endorser ng nasabing clothing company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN