Rhian Ramos on two men she was linked to in the past: "Basta, parehas na silang wala sa phone ko!"

IMAGE 0


Rhian Ramos indirectly admitted she fell for a screen partner. "Si 'J.' Alam n'yo naman yun, e. Ano ba?" Rhian said to reporters who asked her about the screen partner she fell in love with.


Sa nakaraang press conference para kay Rhian Ramos ng HTC Philippines bilang celebrity endorser ng kanilang HTC Smart cell phone, tinatanong pa rin sa Ilumina at Kaya ng Powers star ang mga isyung ilang beses na rin niyang sinagot.

Gaya ng patuloy na pag-ungkat sa isyung nagkaalitan daw sila ni Marian Rivera dahil kay Dingdong Dantes. Matatandaang nabalita ang diumano'y pang-iisnab ni Marian kay Rhian. Ang itinuturong dahilan daw ay ang pagpapareha kina Rhian at Dingdong sa Stairway to Heaven at ang paglalagay ng romantic angle sa tambalan nila, na hindi raw nagustuhan ni Marian.

NO GAP. Pinasinungalingan na pareho nina Rhian at Marian—at maging ni Dingdong—ang isyung ito. Pero may iba pa ring nag-i-insist na meron ngang gap ang dalawang Kapuso leading ladies.

"Hindi ako nag-a-agree na nagkaroon kami ng gap," simula ni Rhian tungkol sa pag-ungkat muli sa isyu sa kanila ni Marian sa harap ng mga imbitadong media people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa presscon na ginanap sa Dolce Superclub sa Quezon City, noong August 10. Hindi pa raw sila nagkikita ng rumored girlfriend ni Dingdong mula nang huling mag-guest siya sa show nitong Show Me Da Manny.

"Kasi beforehand, hindi naman din kami talaga nagkikita," patuloy ni Rhian. "Kahit bago pa kami nagkaroon ng show ni Dong, talagang hindi naman kami nagkikita [ni Marian]. So, hindi ako nag-a-agree na nagkaroon kami ng gap. At kahit na nung nagkaroon na rin kami ng show ni Dong, siya na mismo ang nagsabi na hindi siya nagselos at walang kaso sa kanya yun.

"So, hindi naman yata kami nagkaroon ng gap kung... Buti sana kung parang, from best friends, hindi na kami nag-usap or something. Siguro yun, parang may something... Pero wala, e," paglilinaw pa ng half-British, half-Pinay aktres.

FOCUS ON WORK. Sa tambalan naman nila ni Aljur Abrenica na leading man niya sa Ilumina, ito ang pahayag ni Rhian sa mga may gustong lagyan sila ng romantikong anggulo:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung possibility lang naman... Ito, i-play natin ito nang buo, ha. Wag n'yong i-chop, ha. Kung possibility lang naman ang tinatanong, lahat naman posible. Pero, as much as possible, ang focus ngayon ay trabaho, kasi hindi rin naman kami pumupunta ng taping para magligawan.

"Pero lahat naman posible. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa future. Hindi ko alam kung may mangyayari o wala. Hindi ko sinasabi na meron, hindi ko sinasabing imposible. Pero, alam mo yun, kung nangyari na dati sa past ko na puwede mo palang madala sa bahay ang emosyon, malay mo. Pero at the end of the day, siyempre ang point namin, magtrabaho at gumawa ng show na mapapanood mo sa TV. Hindi naman namin ginagawang totoong buhay ito," mahabang paliwanag ni Rhian.

FALLING IN LOVE WITH A SCREEN PARTNER. Pero nang tanungin kung nangyari na ba sa kanya na na-in love siya sa nakapareha, ibinalik ni Rhian ang tanong, "Anong balita mo?"

"Oo," sagot ng nagtanong na reporter.

"Yun naman pala, e!" natawa nang sagot uli ni Rhian.

Nang pilitin kung sino ang tinutukoy niyang naka-in love-inlaban na kapareha, pigil at tipid sa sagot ang dalaga.

"Ahmmm...wala... Past na yun. Luma na, yun ano ba? Last, last, last week pa yun, e," nasabi na lang ni Rhian.

Hirit pa ng mga reporters: Si "J" o si "M"? "Kapatid" o "Kapuso."

Matatandaan kasing inamin ni Rhian kamakailan na nagkaroon siya "lampas pa sa friends" na relasyon with her Lalola leading man na si JC de Vera. Na-link din noon ang dalaga sa first male StarStruck winner at current Danz Showdown host na si Mark Herras.

Natigilan muna si Rhian bago sumagot na tila tinatantiya muna ang sasabihin, "Ah, si 'J.'" sagot niya. "Alam n'yo naman yun, e. Ano ba? Ba't n'yo pa tinatanong?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At si "M"?

"Si 'M'? Tanong n'yo diyan," balik ni Rhian sa reporter na nagtanong. "Kapatid o Kapuso... kairita! Basta parehas na silang wala sa phone ko!" natatawa na lang na pagtatapos ni Rhian.

CLICK HERE to watch Rhian's interview


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN