Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Jiro Manio admits past mistakes and says it's not too late to change

Aug 13, 2010
"Inamin ko naman po na medyo nakatikim ako ng konti. Pero, hindi naman po na umabot sa point na nalulong ako. Kasi, kahit paano, may mga nakakausap pa rin akong tao na tumutulong sa akin," says Jiro Manio about taking drugs.

Malaki na ang ipinagbago ng award-winning teen star na si Jiro Manio. Kapansin-pansin ito nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin noong August 11 sa Manila Zoo.

Binuksan na ng 18-year-old actor sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak at the age of 16 mula sa dati niyang girlfriend na mas matanda sa kanya. (CLICK HERE to read related story.).

Hindi rin naman itinanggi ni Jiro na may mga project siya noon sa ABS-CBN na hindi niya nagawang maayos. Ngayong nasa GMA-7 na siya, feeling niya, second chance na niya ito sa showbiz.

"Kung sa nararamdaman ko po, ganoon pa rin po. Medyo may konting bigat. May konting masaya. May konting hirap. Kasi nga, nagkaroon ako ng problema sa mga projects ko sa ABS-CBN, hindi ko napupuntahan. Pero pagdating ko rito [sa GMA-7], sa Pilyang Kerubin, medyo nanibago nang konti. Medyo konting ano lang, nakalimutan ko konti yung ginagawa katulad dati, like acting workshops ko."

Continue reading below ↓

More than a year din daw kung hibernation mang matatawag ang pagkawala niya sa showbiz. Ang lolo at uncle daw niya ang tumulong sa kanya noong panahong nawala siya, nagkaroon ng anak, at medyo naligaw ng landas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

SINGLE FATHER. Nasa poder ni Jiro ang kanyang two-year-old daughter. Kaya ang tanong sa kanya, unusual yata ang set-up nila ng ina ng kanyang anak dahil kadalasan pag gano'ng edad ay nasa ina ang bata?

"From the start naman po, napag-usapan namin na sa akin po talaga ang baby kahit na anong mangyari. Kasi, medyo gipit din sa work ang mother niya. Tapos, ako naman, gusto ko na sa akin talaga. Magwo-work ako kahit papaano. Itutuloy ko pa rin. Tapos, yun nga, nabigyan po ako ng second chance ni Direk [Maryo J. de los Reyes, his manager], tapos napasok po ako sa Pilyang Kerubin. So, medyo nakaluwag po ng konti," lahad ni Jiro.

Continue reading below ↓

May effort ba ang mommy ng baby niya na kumustahin ang anak nila?

"Meron naman po kahit papaano. Text-text, kamusta. Pero hindi na rin ka-open."

Ayon pa sa teen actor, hindi pa naman niya masasabing tapos na kung anumang meron sa pagitan nila ng ina ng anak niya.

"Luwag lang muna," aniya.

LESSONS LEARNED. Sa lahat ng mga nangyari sa kanya sa murang edad, ano ang mga natutunan niyang lessons?

"Marami, especially yung sa labas, in public. Kasi, maraming mga questions, maraming mga issues. Yung mga tinatanong sa akin tungkol sa anak ko, sa drugs..." saad ng Magnifico star.

Nalulong nga ba siya sa drugs gaya ng mga lumalabas na mga balita noon?

"Inamin ko naman po na medyo nakatikim ako ng konti," sabi ni Jiro. "Pero, hindi naman po na umabot sa point na nalulong ako. Kasi, kahit paano, may mga nakakausap pa rin akong tao na tumutulong sa akin.

Continue reading below ↓

Saan o ano sa tingin niya ang pinagmulan kung bakit tila naligaw siya ng landas?

"Siguro yung ano rin po, lumaki rin po ako na nasusunod ko ang gusto ko. Kung saan ko gustong magpunta. Kung anuman ang gusto kong bagay, nabibigay sa akin ang lahat. Kaya umabot ako sa point na pagiging spoiled. Kaya parang gano'n. Masyado akong kumawala," sabi niya.

May regrets ba siya ngayon?

"Kahit papaano po, yung mga taping na hindi ko napuntahan sa ABS. At saka yung mga pagkakamali ko noon. Siyempre, yung unang sumalo po noon, yung mga manonood. Tapos, yung mga manager ko sa ABS. Tapos, yung mga ibang nakakakilala sa akin sa labas, mga friends ko, pamilya ko. Siguro, kinuwestiyon nila ako na bakit ako nawala sa ABS, bakit hindi ko pinupuntahan ang mga tapings ko. Sa akin po, ipinapaliwanag kong mabuti, pero medyo nahirapan ako dahil, yun nga, may baby ako. Nag-aaral ako ng time na yun."

Continue reading below ↓

Naniniwala naman si Jiro na hindi pa huli ang lahat para sa kanya.

"Eighteen pa lang naman po ako. Marami pa po akong gustong gawin at saka nandiyan din po ang mga sumusuporta sa akin," sabi niya.

Umaasa rin siya na pagkatapos ng guesting niya sa Pilyang Kerubin ay mabigyan pa siya ng ibang shows ng GMA-7.

"Sa ngayon po, hindi ko pa po alam kasi hindi pa po ako nakakapag-sign up sa GMA. So, kay Direk Maryo pa lang. Kaya naghihintay pa lang ako sa kung ano po ang maibibigay nila sa akin."

Nakasama ni Jiro sa Pilyang Kerubin ang teen stars ng GMA-7 na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Elmo Magalona. Nakikita ba niya ang kanyang sarili sa mga ito?

"Natatawa lang po ako," sabi niya. "Kasi noong ganyang age ako noon, mas mahirap e. Mas mahirap kesa sa kanila. Medyo puyatan ng konti. Mas duguan ang mga eksena. Pero kasi rito, iba ang takbo ng story. Paiba-iba ng guests. Pero iba ang ginagawa nila, iba rin yung dati. Malaki ang age gap. Siguro sa pagtatrabaho siguro, do'n siguro nagkaroon ng pagkakaiba."

Continue reading below ↓

Napansina namin na seryoso na ngayon si Jiro sa kanyang pagsasalita, hindi tulad noon na mabiro naman siya.

Nangiti ito sabay sabing, "Medyo, siguro nga po dahil sa nangyari sa past na hindi ko nabigyan ng pansin. Siguro ngayon ko lang din naisip. Pero hindi na naman po ako ganoon kaproblemado. Okey naman po ako ngayon, sobra."

Kung hihingan siya ng advice ng mga kabataan na katulad niya, ano ang pupuwede niyang sabihin?

"Siguro po sa pag-aaral lang. Yung studies, education, yun lang siguro yung pinaka-knowledge mo na kailangan mong ituloy," sabi ni Jiro.

Magpi-first year college na si Jiro at sigurado raw siya sa sarili na itutuloy niya ang pag-aaral.

Read Next
Read More Stories About
MMFF 2015, Dan Fernandez
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Inamin ko naman po na medyo nakatikim ako ng konti. Pero, hindi naman po na umabot sa point na nalulong ako. Kasi, kahit paano, may mga nakakausap pa rin akong tao na tumutulong sa akin," says Jiro Manio about taking drugs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results