Beauty queen Krista Kleiner says Maria Venus Raj has good chance at Ms. Universe pageant in Las Vegas

IMAGE 0


Krista Kleiner has just wrapped up a world concert tour with Spanish crooner Julio Iglesias and gets ready to hand over her crown as Bb. Pilipinas-International 2010 when the pageant rolls around in October.


Tapos na ang World Concert Tour ng international Latin singer na si Julio Iglesias kung saan naging bahagi ang Kapuso artist at Binibining Pilipinas-International 2010 winner na si Krista Kleiner.

Ayon sa phone patch interview ng Startalk kay Krista kanina, August 14, ang ilan sa mga lugar na inikot nila for the concert series ay ang Canada, New York, Indiana, Miami, Anaheim at Las Vegas.

"Tiring, but also exciting kasi siyempre that's my dream, to celebrate my 21st birthday in Las Vegas, and then Julio sang to me happy birthday on my birthday, in our show in Las Vegas."

BIRTHDAY SONG FROM BOYFRIEND. Krista turned 21 last June 12. Nagkataong may show sa Amerika ang boyfriend niyang si Jay-R that same week, kaya nagkaroon sila ng pagkakataong magkasama.

Ayon naman kay Jay-R in a separate interview na ipinalabas rin kanina sa Startalk, "Sa birthday niya, I sang her something live, it's called 'I Love You, Too.'" Pero bukod pa roon, may isa pang espesyal na regalo ang singer sa kasintahang beauty queen.

"Secret, something really personal at hindi nabibili," ang isinagot ni Krista nang tanungin kung ano ito.

Ini-reveal naman ito ni Jay-R. "I wanna give her a gift na parang... personal, so gumawa ako ng kanta, it's called 'Mama.' Tuwang-tuwa talaga siya kasi no one's ever made a song for her," ayon sa R&B Prince.

Kung mabibigyan naman ng pagkakataon at may mga tutulong sa kanya, open si Krista sa posibilidad na magkaroon ng showbiz career sa Hollywood.

MESSAGE FOR VENUS. Pero sa ngayon, sa pag-uwi ni Krista sa Pilipinas sa katapusan ng buwan, ang puspusang paghahanda para sa Ms. International beauty pageant sa darating na October ang kanyang haharapin.

Kasama na raw sa preparasyon niya ang panonood ng mga tapes ng mga nakaraang beauty pageants, pati na rin ang pagpapraktis ng tamang paglalakad sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman kay Maria Venus Raj na nasa Las Vegas ngayon for the Miss Universe beauty pageant, ang sabi ni Krista, "I think we have a good chance and I'm really excited for her and hope she does really well."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN