Coco Martin on his love scene with Shaina Magdayao: "Nahihiya ako kay John Lloyd kasi baka ma-offend siya."

IMAGE 0


"Tuwang-tuwa ako kasi ito ang una kong mainstream movie assignment. Tapos, unang-unang kaeksena ay si Mr. Christopher de Leon. Nanginig ako sa tensiyon! Siyempre, bihira akong magkaroon ng pagkakataon to do this kind of movie. Kaya every time nagsu-shoot kami, nakaka-excite talaga kasi alam mo na tagisan ng acting ito," says Coco Martin about his first mainstream film, Sa 'Yo Lamang

.


First mainstream movie ni Coco Martin ang 17th anniversary presentation ng Star Cinema na Sa 'Yo Lamang, a family drama that features drama king Christopher de Leon and grandslam actress Lorna Tolentino, under the direction of Laurice Guillen.

Sa presscon na ginanap sa Dolphy Theater kahapon ng tanghali, August 19, ay tinanong si Coco kung mayroon ba siyang love scene sa pelikula. Kasi naman, sa mga indie films na kanyang ginawa, laging may love scene ang award-winning actor.

"May love scene ako with Shaina [Magdayao]," banggit ni Coco sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media. "Thankful po ako kasi nagtiwala si Shaina sa akin. Ito ang kauna-unahang love scene niya sa pelikula. Siyempre, para sa akin, nakakatakot kasi first time ni Shaina at baka madala siya.

"Natatakot ako na ako ang makaka-love scene niya, nahihiya ako kay John Lloyd [Cruz, boyfriend ni Shaina] kasi baka ma-offend siya. Pero sa tingin ko naman, pagkatapos ng love scene, okay naman ang nagawa namin ni Shaina," wika pa ng best actor winner sa 7th Golden Screen Awards for the movie Kinatay.

FIRST MAINSTREAM MOVIE. Dahil ito ang unang mainstream movie assignment ni Coco, lubusan daw ang kanyang pasasalamat kay Direk Laurice Guillen at sa Star Cinema sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya. Siyempre, umaasa si Coco na mabibigyan pa siyang muli ng pagkakataon na gumawa ng isang mainstream film in the future.

"Tuwang-tuwa ako kasi ito ang una kong mainstream movie assignment. Tapos, unang-unang kaeksena ay si Mr. Christopher de Leon. Nanginig ako sa tensiyon! Siyempre, bihira akong magkaroon ng pagkakataon to do this kind of movie. Kaya every time nagsu-shoot kami, nakaka-excite talaga kasi alam mo na tagisan ng acting ito," saad ni Coco.

Bagamat nasimulan na ni Coco na gumawa ng mainstream movies, hindi raw ito nangangahulugang tuluyan na niyang iiwanan ang indie films kung saan siya unang nakilala. Sa katunayan, by January 2011 ay sisimulan na ni Coco ang isang indie film assignment na ididirek ng Cannes-winning director na si Brillante Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Brillante ang nagdirek din ng unang pelikula ni Coco na Masahista (2005); na sinundan pa ng ibang indie films, gaya ng Tirador (2007), Serbis (2008), at Kinatay (2009). Dahil sa dalawang huling pelikula, nakatapak na si Coco sa red carpet ng prestigious Cannes Film Festival.

Makakasama ni Coco sa nasabing project ang isang international actress, pero may makakasama rin daw siyang local actors gaya nina Ping Medina, Jong Hilario, Ketchup Eusebio, at marami pang iba.

COURTING ERICH. Ano naman ang kanyang reaction sa pambubuking na ginawa ni Kris Aquino na nililigawan niya si Erich Gonzales? (CLICK HERE to read related story.)

"Wala naman po 'yon," pagkikibit-balikat ni Coco. "Sabi ko po, matagal ko nang kaibigan si Erich, during the time pa ng Ligaw Na Bulaklak. Wala namang ganoon. Siguro ganoon lang talaga ang bali-balita."

Dagdag niya, hindi siya nanliligaw kay Erich."Wala nga akong time manligaw, paano ako manliligaw? Barkada lang kami ni Erich!" natatawang wika ng actor.

Itinanggi rin niya ang tsismis na crush siya ni Erich. Wala raw ganoong issue dahil magkabarkada sila ng dalaga. "Totoong barkada kami, pero wala naman nangyaring ligawan. Wala naman akong nararamdaman kay Erich kasi nga barkada kami," sabi ni Coco.

Aniya pa, "Wala naman dapat sabihin sa issue na 'yan, kasi wala naman talaga. Saka wala rin naman akong ibang niligawan."

Ano ang naging reaction niya noong "ibinuking" siya ni Kris?

"Natawa lang ako kasi hindi naman talaga kami ni Erich," sabi ni Coco, na nagsabi ring mula nang bumalik si Kris sa bakasyon nito sa U.S. ay hindi pa niya ito nakakausap.

Dagdag pa niya, "Bakit ko naman po kailangan i-deny kung naging kami? Pero wala naman po talaga kaming relasyon."

Baka lang daw na-misinterpret ni Kris ang sinabi niya. Pero talaga raw matagal na silang magkaibigan ni Erich.

May boyfriend ba si Erich?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko po alam," sagot ni Coco.

Pero di ba dapat alam niya kasi close sila?

"Naku, hindi ko po inaalam ang mga ganyang bahagi," nakangiting wika ni Coco.

Bawal ba siyang ma-in love?

"Hindi naman. Ako pa, e, naghahanap nga ako!" sagot niya, sabay halakhak.

Wala naman daw sa contract niya na bawal ma-in love. "Saka kung mayroon man akong nililigawan," patuloy niya, "bakit naman di aaminin? 'Pag mayroon na, sasabihin ko talaga. Sa sobrang busy ko naman kasi, wala na akong time para ma-in love. After namin manggaling sa U.S., diretso na agad ako sa shooting ng movie at sa taping."

Kinumpirma ni Coco na tuloy ang paggawa niya ng pelikula with Kris, pero baka raw sa Disyembre pa ito maipapalabas. Malamang na sa Setyembre raw magsisimula ang shooting nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN