Busy actress Eugene Domingo makes certain she keeps comedy fresh

by Rose Garcia
Aug 21, 2010
"Kailangan palagi tayong conscious, kasi binibigyan tayo ng iba't-ibang project. At medyo sunod-sunod. So, I'll make it a point to really work with the creative team. Para masabi ko sa kanila na, 'Nagawa ko na 'to, pati ang hitsurang ito.' Kasi kailangan, kahit ako, hindi manawa sa sarili ko," says Uge who stars in Regal's 50th anniversary offering, Mamarazzi.

Inulan ng biro noong Huwebes, August 19, ang itinuturing na No. One Comedienne ng bansa ngayon na si Eugene Domingo dahil sa kanyang revealing red blouse sa press conference ng Mamarazzi, ang latest movie niya na 50th anniversary offering ng Regal Films.

Baka pagkatapos raw ng Mamarazzi ay lumipat na ng genre ang komedyana—sa pagpapa-sexy na.

"Hindi naman!" tawa nang tawa si Uge nang sumagot. "Wala lang talaga akong makitang pula. Ha ha ha!... Yung pula ko, gown! Masyado naman akong formal. Parang pang-awards night."

Ni-require kasi ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na magsuot ng pula ang cast ng Mamarazzi at ang iba pang dadalo sa presscon, na ginamit na rin na okasyon para i-celebrate ang birthday ng producer, ang 50th anniversary ng kanyang film outfit, at ang launching ng bago niyang resort sa Taal.

HOPE AND EXPECTATION. Sa Wednesday, August 25, ang showing ng Mamarazzi. Kung ikukumpara ni Eugene sa launching movie niyang KimmyDora, mas may nararamdaman ba siyang pressure dito sa bago niyang movie?

Continue reading below ↓

"Actually, mas magaan... Kasi, natutuwa ako kapag ang proyekto ay pinagtutulung-tulungan ng director, writer, producer. Yung pressure kumokonti. At saka, alam mo kasi na katulad niyo, I know, you all wish well for us. Gusto niyo na magtagumpay ang pelikulang ito, kasi nakikita niyo naman na wala naman kaming ginusto kung hindi ang lumigaya ang manonood.

"So, yung pressure, napapalitan ng hope at magandang expectation. E, uulitin ko lang, for Mother Lily's birthday and for the anniversary of Regal, I just want her to be happy."

Speaking of KimmyDora, ayon kay Uge ay matutuloy ang paggawa ng part three nito.

"Gagawa tayo ng KimmyDora next year. Tuloy-tuloy na yun. Maghintay tayo ng official statement from Spring Films. Pero sa initial meeting namin, gagawa kami ng baka higit pa sa inaasahan nating lahat na KimmyDora."

COMEDY QUEENS. Sa Kapuso network, si Uge ang maituturing na reyna ng komedya, sa bakuran naman ng ABS-CBN ay nandiyan sina Pokwang at AiAi delas Alas. Kahit napagkukumpara sila at napagko-compete, gusto raw ni Uge na makasama sa pelikula ang dalawa.

"Oo naman, gustong-gusto kong makasama sina Ms. AiAi at Pokwang sa isang pelikula. Imadyinin niyo na lang, di ba? Super riot, super treat for all of us. At ako kasi, bilang nakatrabaho ko na sila pareho, magkaibang-magkaiba ang kanilang ibibigay, kaya napaka-interesting na magkasama-sama kaming tatlo."

Hindi kaya magkaroon ng problema in terms of billing?

"Naku, kilala niyo naman ako. Wala akong problema sa ganoon. Kahit nga ang pangalan ko ay nasa likod ng poster, okey lang," natatawa niyang sabi.

Sa isang interview, sinabi ni AiAi na kumportable siyang hinahambing silang dalawa dahil matagal na silang magkilala. Anong masasabi ni Uge doon?

"Well, unang-una sa lahat, walang basehan ang comparison, at saka ako, talagang sasabihin ko sa inyo na nagsimula ako sa pelikula ni Ms. Aiai delas Alas bilang support niya and I will always be willing, and always the pleasure is mine na mag-support kay AiAi, anytime, anytime!" pagdidiin niya.

Continue reading below ↓

KEEPING IT FRESH. Dahil sa pagiging in demand niya ngayon, mapapelikula or telebisyon man, hindi ba siya nag-aalalang magkaroon ng duplication ang mga ginagawa niya?

"Yes, tama ka diyan. Kailangan palagi tayong conscious, kasi binibigyan tayo ng iba't ibang project. At medyo sunod-sunod. So, I'll make it a point to really work with the creative team. Para masabi ko sa kanila na, 'Nagawa ko na 'to, pati ang hitsurang ito.

"So, hands-on ako. Kasi, kailangan din natin na, kahit ako, hindi manawa sa sarili ko."

Natawa naman si Uge nang malamang binansagan siyang "tagabuhay" ngayon ng movie industry.

"Talaga? Natutuwa ako na nai-inspire sila. Siyempre, talagang kailangan na sipagan natin, di ba? Kasi, minsan ka lang mabigyan ng ganitong pagkakataon, kaya sana, magsilbi rin naman akong inspirasyon, na kapag ikaw ay nagsisipag and you focus, makakarating at makakarating ka at maraming tutulong sa 'yo."

Read Next
Read More Stories About
Eugene Domingo, Mamarazzi
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kailangan palagi tayong conscious, kasi binibigyan tayo ng iba't-ibang project. At medyo sunod-sunod. So, I'll make it a point to really work with the creative team. Para masabi ko sa kanila na, 'Nagawa ko na 'to, pati ang hitsurang ito.' Kasi kailangan, kahit ako, hindi manawa sa sarili ko," says Uge who stars in Regal's 50th anniversary offering, Mamarazzi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results