John "Sweet" Lapus considers launching movie an "extra blessing" in his career

IMAGE 0


After 17 years in entertainment, everybody's favorite gay best friend gets to be the star in a Regal project tentatively titled Kumander Gringa. The comedian is thankful and excited, but he has learned not to look too far ahead in the fickle world of showbiz. "I'm a now person. Hangga't wala pa, hindi ko muna iisipin 'yan," says "Sweet" who does something intriguing with Eugene Domingo in Mamarazzi.


Sa trailer ng Mamarazzi ng Regal Films, parang may eksenang magiging intimate sa isa't isa ang magkaibigan sa tunay na buhay na sina John "Sweet" Lapus at Eugene Domingo. Pero ibinuko na ni Sweet na hindi niya raw nakaya ang ganoong sitwasyon sa movie pa lang.

"Basta may catch yun sa story at iisipin ng tao, ako ba ang tatay ng mga anak ni Mamarazzi or si Diether [Ocampo] ba? So, hindi puwedeng i-reveal yun kasi may punchline kung sino ba talaga ang tatay ng bata.

"Pero ako, bilang best friend niya, ako ang kasama niya noong nalaman niya na in a year, kailangang tanggalin ang matris niya, otherwise magiging cancerous. So, sabi sa kanya ng doctor, 'Kung gusto mong mabuntis, kailangan ngayon na.' So, that's what happened."

In real life, wala pa bang nag-attempt na babae na maging intimate sa kanya at bigyan siya ng anak?

"Wala pa naman! At kung meron man, halimbawa close friend ko, ang gusto ko artificial [insemination], ha, ayoko ng ano, ha... kadiri, ha!" natatawa niyang sabi. "Never pa. Any experience sa babae, never! I'm not the type na tulad ng ibang bakla, kaya nila or eventually nag-aasawa...

"Yung ibang bakla, naging lalaki munang stage. Ako kasi, tinodo ko na, bakla kaagad! Hindi ko talaga kaya, promise."

Wala sa kanya yung inggit kung nakakakita ng ibang gay na may sariling anak at pamilya?

"Wala! Kasi, may mga pamangkin naman ako."

STAR VEHICLE. Next year ay sisimulan na ni Sweet ang kanyang launching movie after 17 years in showbiz. Ang Regal din ang magbibigay sa kanya ng oportunidad.

Ganito daw ipinaalam sa kanya ng producer na si Mother Lily Monteverde na magbibida na siya sa pelikula:

"Birthday celebrant dinner ng July ng Star Magic. Nag-join ako kasi magkakasama sina Diether, Zanjoe [Marudo], at saka si Rayver [Cruz] sa 15th floor. Late si Mother. 'Tapos, pagdating niya, sinabi na niya kaagad, 'Naku, Mr. M, Mariolle [Johnny Manahan at Mariolle Alberto, execs ng Star Magic], si John Lapus bibigyan ko na ng launching movie next year!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang unang sinabi niya Kumander Gringa nga. Pero peg lang yun, peg lang. Pero magbi-brainstorm pa kami. Tinanggap na ng friend ko na si Chris Martinez na siya ang magsusulat at magdidirek."

Excited na ba siya?

"Yeah, pero, hanggang doon na lang yun. Kasi ano 'ko, I'm a now person. Hangga't wala pa, hindi ko muna iisipin 'yan. Ayokong ma-stress nang wala pa."

Hindi rin daw kaso kay Sweet kung may mas nauna pa sa kanyang komedyante na ma-launch kahit na mas matagal na siya sa showbiz.

"Wala... wala sa akin yung ganoon. Realistic akong tao, e. Alam ko naman na mahirap. Even in Hollywood, mahirap na bigyan ng isang movie ang isang out na gay person. Whether tomboy 'yan or bakla. Mahirap, e. So, yung roles na naibibigay sa akin bilang support, malaking bagay na yun. Kung bibigyan ako ng launching, extra blessing na yun."

ON KRIS AQUINO. Nakumusta rin namin kay Sweet ang kaibigang si Kris Aquino at ang feelings niya sa kinahinatnan ng marriage nito with cager-husband James Yap.

Aniya, "Hindi lang kami nagkikita kasi busy pareho. Pero may tatlong araw na almost every day, magkasama kami."

Suportado naman niya ang desisyon ni Kris na makipaghiwalay sa asawa. "I'm the type of person na kung hindi ka masaya sa isang tao, ako, dedma. Parang bye-bye na. Ano pa ang gagawin mo? Mas better na yung maghiwalay na sila kesa sa hindi na nila mahal ang isa't isa...

"Ang mga bata naman, I'm sure, matatalino na 'yan. Maiintindihan nila. They will understand."

Nag-o-open up ba sa kanya si Kris?

"Ang pinag-usapan lang namin ni Kris yung tungkol nga kay Baby James. Ang sabi niya sa akin, wala namang problema sa kanya na dumalaw-dalaw si James. Ang problema nga lang, minsan ang bata, nagta-tantrums, ayaw sumama sa tatay. Yun lang naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang sabi ko sa kanya, to make sure na nakikita pa rin. Iyak-bata lang naman 'yan kay Baby James, pero, kapag kasama na niya ang tatay niya, wala namang magagawa na 'yan."

Humihingi rin ba ng advice sa kanya si Kris?

"Hindi naman. Si Kris Aquino pa. May sariling mundo yun. Alam niyo naman yun. E, kung 'eto nga, ni hindi namin nabalitaan na nakipaghiwalay na siya. Hindi siya yung tipong, 'Makikipaghiwalay na 'ko'... hindi siya gano'n... Malalaman na lang namin, tapos na pala. At bilang kaibigan, susuportahan mo na lang."

Naging magkaibigan ba sila ni James?

"Medyo naman, in fairness. Naging sweet at mabait sa akin si James."

Dugtong pa niya, "Wala akong masamang tinapay sa kanya bilang wala naman siyang atraso sa akin at bilang wala naman kaming away. Hindi naman ako ang naging asawa niya at tatay ng anak niya, 'no."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN