Lovi Poe hopes Manila-hostage tragedy will not affect rumored boyfriend Ronald Singson's HK drug case

IMAGE 0


Lovi Poe will star opposite Mark Anthony Fernandez in Lovebug's newest episode titled "Say I Do." Her leading man says he has always wanted to work with the daughter of the late Fernando Poe Jr.


Very flattered ang 21-year-old na si Lovi Poe nang malaman na isa siya sa mga hinahangaang young actress ng mahusay na aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Sinabi ito ni Mark Anthony bago magsimula ang presscon proper ng romantic comedy na "Say I Do"—ang pinakabagong episode ng Sunday afternoon program na Lovebug—noong Martes, August 24, sa Executive Lounge ng GMA Network Center sa Quezon City.

Sa harap ng ilang entertainment reporters, sinabi niyang sina Lovi Poe at Jennylyn Mercado ang matagal na niyang napupusuang makatrabaho.

Nangyari na nga ang kahilingin ni Mark dahil itinambal siya ng GMA-7 kay Lovi sa "Say I Do," na magsisimula nang mapanood sa Linggo, August 29, pagkatapos ng Party Pilipinas.

Noong araw ng presscon ay nakakaisang shooting day pa lang ang "Say I Do," kaya maaga pa para husgahan kung may screen chemistry ang dalawang bida. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa atensiyon ni Lovi ang pagiging maginoo ng katambal sa mga katrabaho nito.

"Nakakatuwa siyempreng malaman na gusto niya akong makatrabaho," nakangiting pahayag ni Lovi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nakakakaba din kasi matagal na si Mark na artista and marami na rin siyang nakatrabaho na magagaling. I feel nervous in a way, but at the same time, it's also a great challenge to work with a good actor. Sa set, so far sa nakita ko, very maalaga siya at maasikaso."

KNOWING HER LIMITS. Marami ang nakakapansin na kumportable si Lovi sa paggamit ng sexy outfits. Sa presscon nga ng "Say I Do" ay nakasuot ang dalaga ng maikling floral blouse with plunging neckline. Mukha namang hindi naiilang si Lovi, kaya marami tuloy ang nagtatanong kung senyales na ba ito na willing na siyang magpa-sexy sa harap ng camera.

"Hindi naman," paglilinaw ni Lovi. "Nagkataon lang siguro na ganito ang damit ko ngayon. But, yes, siguro I can wear clothes na masasabing sexy, but not too much. Hindi rin naman conscious effort on my part to wear something sexy or to change my image."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey lang ba sa kanyang rumored boyfriend, Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, kung magpaka-daring siya kahit sa pananamit lang?

"No one can tell me naman what to do," seryosong tugon ni Lovi. "I know my limitations when it comes to myself."

RONALD SINGSON. Speaking of Ronald, marami pa rin ang nagtatanong kung ano nga ba talaga ang tunay na estado ng relasyon ni Lovi sa anak ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson.

Matagal nang nali-link ang dalawa at makailang beses na rin silang nababalitaang magkasama sa loob at labas ng bansa. Wala namang naririnig na direct confirmation na magpapatunay sa sinasabing romantic involvement nila sa isa't isa.

Naging laman ng mga pahayagan kamakailan si Ronald, na kilala rin sa showbiz bilang concert producer at promoter, matapos itong makulong sa Hong Kong dahil nahulian ito ng cocaine sa Chep Lap Kok International Airport noong July 11, 2010. (CLICK HERE to read related story.)

Noong August 19 ay pinayagan si Ronald ng Hong Kong Court na makapagpiyansa ng kabuuang halagang HK$2 million kapalit ng pansamantala nitong paglaya. Naghain ang kongresista ng "guilty" plea sa korte, kaya daw ito pinayagan nang makapagpiyansa. (CLICK HERE to read related story.)

Sa September 7 nakatakda ang arraignment ng drug-trafficking charges laban sa 41-year-old congressman.

SUPPORTING RONALD. Present si Lovi at si Gov. Chavit Singson sa nasabing hearing sa Hong Kong.

Nang mag-guest si Lovi sa Showbiz Central noong August 22, sinabi niya na personal siyang tumungo ng Hong Kong para suportahan si Ronald bilang isang kaibigan. (CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng "Say I Do," kinumusta ng PEP kay Lovi si Ronald at ang pakiramdam nito sa gitna ng kasalukuyang pinagdadaanan.

"Well, he's the only one who could answer how he can describe his experiences," sagot ni Lovi. "But for me, siguro, I see it na parang I'm happy that he's strong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa rin daw ang kanilang komunikasyon sa isa't isa. "It's still there, and hindi naman mawawala 'yon nang ganun-ganun na lang. He knows naman how much I support him."

Umaasa rin daw si Lovi na sana ay hindi makaapekto sa kaso ni Ronald ang nangyaring hostage-taking dito sa Pilipinas. Nangyari ang trahedya noong Lunes, August 23, sa Quirino Grandstand sa Maynila, kung saan walong Hong Kong nationals ang namatay matapos ma-hostage ng isang dating pulis officer ang tourist bus na kanilang sinasakyan.

"I hope not," malungkot na pahayag ni Lovi sa PEP. "Sana hindi naman makaapekto sa kaso niya [Ronald] 'yong nangyari. I'm hoping, and hindi naman siguro makitid ang utak ng mga tao na magdya-judge dun sa case niya."

Sa huli ay tinanong ng PEP si Lovi kung naaapektuhan ba siya ng mga lumalabas na negative criticism tungkol sa kanya, kaugnay pa rin sa diumano'y patuloy niyang pagtanggi sa tunay na relasyon nila ni Ronald.

"Siguro hindi ko naman mapipigilan kung ano ang reaksiyon ng ibang tao for me. As long as me, myself, I'm handling it well, even though people would see it otherwise. As long as I think I'm doing okay, 'yon lang naman 'yong mahalaga," sagot ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN