Regine Velasquez and Ogie Alcasid reveal their songs for each other

IMAGE 0


"Actually nung sinabi niya sa akin na annulled na siya, umiiyak ako kasi parang... Not really for me, I was really crying for him kasi he's been waiting for this for such a long time," says Regine Velasquez.


Hindi maiwasang matuwa at kiligin ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel dahil ang special guests nila sa kanilang GMA-7 morning showna Love Ko si Mister, Love Ko si Misis kaninang umaga, August 27, ay ang celebrity sweethearts na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Nakatakdang ikasal ang dalawang singers sa darating na Disyembre.

Napuno ng kuwentuhan at kantahan ang taped episode na pinamagatang "Theme Song ng Buhay Ko." Tampok dito ang love story nina Regine at Ogie habang ikino-connect sa mga awiting naging bahagi ng buhay at relasyon nila, na kinanta nila nang live sa show.

PANGARAP KO ANG IBIGIN KA. Unang pinag-usapan sa show ang nangyaring ligawan sa pagitan nina Regine at Ogie.

Sabi ni Ogie, "Para mas interesting ibalik natin sa noong araw pa. I think it was 1987, nanonood na ako kay Regine noon. Ako ay front act lang ako noon. Siyempre gusto ko na siyang ligawan noon actually. Totoo yun."

Sabat naman ni Regine, "Na-meet ko siya sa concert ni Dingdong Avanzado. Tapos lumapit siya sa akin, nagpakilala siya sa akin, 'Hi, I'm Ogie.'"

Bakit hindi agad niligawan ni Ogie si Regine noon?

"Siyempre Regine na siya, Ogie lang naman ako," pa-humble na sabi ni Ogie. "Hindi, ang nangyari noon, actually, nakuha ko namang umoo si Mang Gerry [tatay ni Regine] noon na mag-date kami. Pero siyempre [may] chaperone, di ba? Nag-date naman kami. Nagpunta kami sa...wala na yata yung pizza place na yun, nagsara na yata yun."

Tinanong ni Carmina si Ogie, during that ligawan stage, ano ang naging kanta niya for Regine?

"Mayroon akong isinulat sa kanya. Pero 'eto yung nung medyo 'etong recently na lang," sabi ni Ogie, at pagkatapos ay kinanta niya ang awiting "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka."

WALANG IBA. Finally, nung naging sila na, ano naman ang kanta nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung naging kami na," sabi ni Regine, "ang claim ko, lahat ng isinusulat niyang kanta dedicated sa akin. Kasi pag may bago siyang kantang ginagawa, kinakanta niya sa harap ko. Parang, ayyy... Anyway, 'eto na yun," intro ni Regine sa kantang "Walang Iba."

Ang "Walang Iba" na isinulat ni Ogie ay kinanta ni Regine bilang love theme ng pelikulang OMG (Oh, My Girl) na pinagbidahan ni Ogie with Judy Ann Santos last year. Ginamit din ito ni Regine sa kantaserye niyang Diva.

Sabi ni Ogie, hindi raw siya nahirapang i-compose ang naturang kanta. "Actually, yung mga ganyang klaseng kanta, mabilis lumalabas sa akin kasi tunay kong nararamdaman."

AND I LOVE YOU SO. Sa pagbabalik ng show from commercial gap, kinakanta na ni Regine ang "And I Love You So," na kanta naman niya for Ogie.

"I've always loved that song," sambit ng Asia's Songbird. "Batang-bata pa lang ako, gustung-gusto ko na siya talaga. Tapos parang gusto ko siyang i-record pero hindi ko siya mai-record for some weird reasons. Finally, nai-record ko na siya [sa Low Key album]. Sinabi ko sa kanya na dedicated yun sa kanya."

Yung announcement ng kasal nila, how did it feel like after all these years na ang haba ng hinintay nila at hinintay ng mga tao?

"Yung feeling ko nung time na yun, parang hindi na ako masyadong naghihintay," sabi ni Regine. "Kasi we needed it private na kami muna yung nakakaalam kasi hindi pa ayos lahat, e. As much as we want to...and I want to share to everybody that I already have a boyfriend para wala na ring umaaswang sa akin. So, nung finally inamin namin, mas doon ako nakahinga nang maluwag.

"Pero yung announcement ng wedding, actually nung sinabi niya sa akin na annulled na siya, umiiyak ako kasi parang... Not really for me, I was really crying for him kasi he's been waiting for this for such a long time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Singit ni Ogie, "More than anything else, I really wanted to do that for you. Kasi you deserve that... O, umiiyak ka na naman. Really, I wanted to do that for you because I love you."

Hindi nga maiwasang maluha ni Regine nang marinig ang sinabi ni Ogie. Nagbiro na lang tuloy si Ogie na wala siyang dalang panyo, buti na lang daw at may GMA tissue. Sana raw ay maging endorsers sila nito at nakisali na rin si Carmina na sana silang apat na lang daw ang maging endorsers.

YAKAP. Kung si Regine ay may kanta for Ogie, siyempre mayroon din si Ogie for Regine. Sa bagong album nga ni Ogie na Ngayon at Kailanman: A Tribute to George Canseco ay nakapaloob ang kanta niya for Regine, ang "Yakap."

Pagkatapos kantahin ni Ogie ang "Yakap," may surprise VTR messages naman para sa kanila mula sa mga magulang ng singer-songwriter na sina Mr. and Mrs. Herminio at Herminia Alcasid. Inihayag nga nila kung gaano sila kaboto kay Regine para sa anak nila. Napakabait daw ni Regine at nakikita nilang mahal nito si Ogie.

May banta pa si Mommy Herminia: "Kay Ogie, pag nagloko ka, ako ang makakalaban mo!"

Halata namang sabik sa pagkakaroon ng apo sa dalawa si Daddy Herminio sa pagsasabing, "Bilis-bilisan n'yo na ang paggawa kay Herminio III."

Tuwang-tuwa naman si Regine sa mga papuring narinig niya sa kanyang future parents-in-law.

"She is so sweet," sabi ni Regine tungkol sa ina ni Ogie. "Actually, yung engagement ring [namin], bigay niya yun kay Ogie para ibigay sa akin. She is really so sweet at saka siyempre si Tito Herming, sobrang mabait silang pareho. Actually, lahat sila sweet sa akin, e, pati yung mga kapatid niya. Nung umpisang nalaman nila na kami, na-welcome ako kaagad. Hindi ako nanibago. Wala akong ganun [feeling]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong naman ni Zoren si Ogie kung ano ang feeling nito na ngayon pa lang ay ka-vibes ng family niya si Regine?

"Talagang yung puso ko ay sumasabog sa kasiyahan," nakangiting sabi ni Ogie. "You know, I want to thank my parents. Thank you for the messages that you gave, especially for Regine. I think it's very important to me na yung mga magulang ko, e, mahal din si Regine, di ba?"

May dagdag na rebelasyon pa si Ogie tungkol sa kanilang engagement ring na first time lang din nalaman ni Regine dahil hindi raw ito naikuwento ni Ogie sa kanya.

"Actually, 'yang singsing na 'yan, may history 'yan, e. Galing iyan sa mga lola pa ng nanay ko. Kaya that's very, very old. It's an heirloom," sabi ni Ogie.

FOR THE FIRST TIME. Sa sumunod na segment ng show ay bumati naman through VTR ang ilan sa mga kaibigan nina Regine at Ogie, kasabay ng pagpapaabot ng regalo sa kanila. Ang mga bumati ay sina John Estrada, Eugene Domingo, Allan K at Lucy Torres-Gomez.

Nakaabot naman ang mga regalo sa dalawa at binuksan nila ito sa show, puwera lang ang kay John na may bilin na sa bahay na lang daw buksan ang regalo. Ang regalo ni Eugene ay ang CD album niya bilang recording artist na rin siya. Scented candles naman ang gift ni Lucy. Ikinatawa naman ng lahat ang regalo ni Allan K na red T-back para kay Regine at red bahag para kay Ogie para raw sa honeymoon nila.

Naging surprise guest din sa show ang best friend ng dalawa na si Jaya na lumabas habang kumakanta ng "For The First Time." Later on ay sabay-sabay na silang tatlo na kumanta nito.

Sobrang malapit nga sa kanilang dalawa si Jaya dahil bukod sa pagiging kaibigan ay matagal na nila itong kasama sa trabaho sa SOP at ngayon nga ay sa Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Regine, "Si Jaya is one of sa mga friends namin na unang nakaalam. I want to thank Jaya kasi she kept the secret for four years. I don't even think na na-thank you ko na siya. Thank you, kasi mahirap... pressure din yun sa iyo na alam mong may nagaganap, pero quiet ka lang."

Hindi naman daw naging mahirap ito para kay Jaya.

Aniya, "I think it's not hard for me to do kasi kilala ko sila. Katrabaho ko sila. And I knew they have their hearts for each other. So, it was pure for them to feel what they feel. It's just that there was something about them na hindi ko mai-rejoice kasi nga they were hiding it from a lot of people.

"But nung lumabas yun, gusto kong tumambling, gusto kong sumirko! Because I was a witness to how truly they were in love with each other. And sana kung lahat tayo ganyan ang nararamdaman natin with our loved one, di ba? Sila talaga, bonggang-bongga! He writes her songs, they become hits. She sings his songs, hit din. So, talagang pinagtugma sila ng Panginoon. May dahilan kung bakit nangyari ang lahat."

OGIE'S BIRTHDAY. Espesyal din ang araw na ito para kay Ogie dahil nagkataong ngayon araw, August 27, ang birthday niya. Isang birthday cake at caricature nilang dalawa ni Regine ang regalo sa kanila ng Love Ko si Mister, Love Ko si Misis.


Sa huli, hinandugan pa ni Ogie ng isang maikling kanta si Regine. Narito ang lyrics ng kanta:

Good morning beautiful, how was your night?

Mine was wonderful with you by my side

Then I close my eyes and I see your sweet face

It's a good morning beautiful day...


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN