Maria Venus Raj says Melody Gersbach gave her a "good luck charm" for the Miss Universe pageant

Aug 29, 2010
Words for a departed friend: "Si Mel, alam ko po na masaya siya sa anumang na-achieve ko. Kasi, isa po siya sa mga taong nag-push talaga sa akin na sumali ng Binibining Pilipinas. And definitely Miss Universe. Alam ko, Mel, masaya ka para sa akin and I'm very, very thankful na nakilala kita at naging kaibigan."

Live na naging guest ng Startalk ang Miss Universe 4th runner-up na si Maria Venus Raj kahapon, August 28. Pag-upo pa lang niya sa hot seat na tinawag na throne para raw sa kanya, tinanong na agad ni Butch Francisco ang tungkol sa naging sagot niya sa question-and-answer portion ng beauty pageant, na sa tingin ng marami ay naging dahilan kung bakit di niya nakuha ang korona.

Ang tanong sa kanya ng Hollwood actor at pageant judge na si William Baldwin ay, "What is the biggest mistake that you've ever made in your life and what did you do to make it right?"

Ang sinagot naman ng beauty queen ay: "You know what, Sir, in my 22 years of existence I can say that there is nothing major, major, I mean, problem that I have done in my life. "

Ano raw ba ang ibig sabihin ng "major, major," bonggang-bongga?

"No naman, not necessarily bonggang-bongga," natatawang sabi ni Venus. "Siguro na-repeat ko lang siya nang twice. Hindi ko naman... ewan ko, hindi ko naman... Parang siguro kung gusto mong bigyan ng emphasis ang isang word. Like salamat, salamat. But hindi ko siguro masyadong narinig ang sarili ko while talking. Sobrang dami ng tao ro'n at nagsisigawan sila."

Continue reading below ↓

Hindi raw ba napipikon si Venus na ginagawa nang katatawanan ang sinabi niyang 'major, major'?

Natatawa niyang sinabi, "Actually, hindi ko alam na ganito na siya kalaki."

Hirit ni Butch, "Major, major na siya!"

Ayon naman kay Joey de Leon, bakit daw kaya hindi bigyan ng five minutes ang mga kandidata para makapag-isip ng tamang sagot. At ngayong nahimasmasan na raw si Venus, kung tatanungin uli siya ng the same question, meron raw kaya siyang gustong isagot na iba?

"Actually, yung content, yun pa rin. Parang yun nga, katulad po ng sinabi ko kanina, parang wala naman pong major mistake na nangyari sa buhay ko."

MISS MEXICO DESERVES CROWN. Bukod sa kanya, sino sa mga candidates ang bet niya talagang manalo?

"Si Miss Mexico po. She really deserves the crown. Maganda po siya. Medyo hindi siya ganoon katangkad, pero sobrang ganda ng mukha niya."

Kung matatandaan, bago makaalis si Venus to compete, nagkaroon ng isyu tungkol sa kanyang nasyunalidad dahil ipinanganak siya sa Doha, Qatar, at may inconsistencies sa kanyang birth records, bagay na naging sanhi ng kanyang pansamantalang dethronement noong Marso. Sa tingin ba ni Venus ay nakatulong pa itong krisis sa kanya?

Continue reading below ↓

"Opo, sa tingin ko po. Sabi ko nga, everything na nangyayari sa buhay natin, there's a reason kung bakit nangyayari yun. Ngayon po, naiintindihan ko na. Ang dami kong pinagdaanan. Halos umiiyak ako araw-araw. Pero ngayon, after ng lahat ng yun, parang nasagot na lahat ng question ko. Na 'eto pala ang kapalit kaya ko pinagdaanan yun."

Was it all worth it?

"Yes," nakangiti niyang sagot.

CONTINUING MELODY'S WORK. Ano naman ang mga premyong napanalunan niya bilang fourth runner-up? Ang gustong malaman ni Lolit Solis ay kung may datung.

"Meron naman po," nakangiting sabi niya. "Pero parang hindi naman po siya considered as cash prize, parang cash gift lang po nila sa mga runner-up. Pero yung pinaka-prize, para lang talaga sa Miss Universe."

Wala rin daw trophy ang mga runner-up at binigyan lang sila ng mga bouquet.

Halos kasabay sa pag-compete niya for Miss Universe ay ang pagkamatay sa aksidente ng kaibigan niyang si Melody Gersbach, ang 2009 Binibining Pililipinas-International. Magkababayan ang dalawa sa Bikol at isa rin si Melody sa kinikilala ni Venus na sumuporta sa kanya.

Continue reading below ↓

Tinanong ni Butch kung ipagpapatuloy nga ba ni Venus ang naiwang trabaho ni Melody sa Miss Bikolandia?

"Actually, kagagaling ko lang po sa libing niya kanina. Yun nga po, nasabi ng mommy niya na dapat pupunta si Melody sa pageant ngayong September. Yun nga, dahil sa nangyari, hindi na siya makakapunta. Sabi ng mommy niya, 'Venus, sana, maipagpatuloy mo kung anuman sana ang plan ni Melody sa pagpunta ro'n.'

"At dahil part siya ng Bikolandia committee, definitely, magiging part din ako no'n, pero, siguro after na ng reign ko as Binibining Pilipinas."

ANY SHOWBIZ PLANS? May plano ba siyang pumasok sa showbiz at mag-artista dahil narinig ni Lolit na maggi-guest si Venus sa Show Me Da Manny.

"Okey lang din po, pero hindi ko pa po, kasi ang dami ko pa pong kailangang gawin sa Binibini... one and a half years po ang contract ko sa kanila."

Tinanong ni Butch si Venus tungkol sa lucky charm na ibinigay raw sa kanya ni Melody.

Continue reading below ↓

Ani Venus, "Ay, opo... bracelet po siya na pearl na may cross sa huli."

Nag-enjoy si Venus sa Las Vegas kung saan ginanap ang katatapos na Miss Universe, pero hindi raw niya sinubukang mag-slot machine.

"Hindi rin po kasi ako marunong, at saka bawal po. At saka, sa sobrang hectic po ng schedules."

Towards the end of the live interview, may inihanda palang questions mula sa Kapuso stars ang Startalk para sa beauty queen. Ang unang nagtanong ay ang prime Kapuso actor na si Dingdong Dantes. Gusto niyang malaman, kung si Venus daw ay isang tourist attraction, ano raw ang pipiliin nitong maging at bakit?

"If I will be a tourist attraction? Wow! Siguro po... Bikol, definitely! Mayon Volcano. Siguro po kasi I was raised in Bicol and I know every part of Bicol. So, if I would be a tourist attraction, definitely, Mayon Volcano."

Si Senator Bong Revilla naman ang sumunod na nagtanong at ang tanong niya ay, sa mga problema na kinakaharap ng bansa ngayon, ano raw sa tingin ni Venus ang dapat na unang solusyunan?

Continue reading below ↓

"Sobra-sobrang daming problema ng bansa natin ngayon. Siguro hindi man ako yung right person to talk about this problem, but, personally, ako, as a candidate of Miss Universe and winner of Miss Philippines, siguro, I would tackle first on education. Since ako, scholar ako noong college ako at naranasan ko kung gaano kahirap ang pag-aaral ng wala ka talagang pantustos.

"And if ever, sana makapag-produce tayo ng maraming scholars. Sana makapag-produce tayo ng maraming achievers kasi mas maganda na educated yung mga Filipino. Mas marami silang kayang gawin, if ever."

HOSTAGE CRISIS. The day before the Miss Universe pageant, naganap sa Pilipinas ang hostage-taking na ikinasawi ng ilang turistang taga-Hong Kong at pinag-usapan sa buong mundo. Was she aware at that time na may nagaganap na ganito sa Pilipinas?

"Actually, hindi ko po alam. Wala na rin kaming time para manood ng news. Pero, marami po akong friends na nagte-text, nag-i-e-mail na heto ang mga nangyayari."

Continue reading below ↓

Nakaapekto ba ito sa kanya?

"Well, hindi po. Ako po kasi ang klase ng tao na every time na may nangyayari, parang mas lalo akong namo-motivate. Kaya sabi ko, if ever na mananalo ako rito, isang way na rin siguro 'to para matulungan ko ang bansa ko na medyo mabura yung ganoong mentality."

Nagawa naman daw niya iyon, ayon kay Butch, dahil kahit paano, na-distract sa isyu ng hostage-taking ang mga tao dahil sa pagkapanalo niya.

PAGEANT BFF. Tinanong naman ni Lolit si Venus, kung ma-stranded siya sa isang isla, sinong Miss Universe candidate ang gusto niyang makasama?

"Definitely si Miss Malaysia po. She's my roommate at nakilala ko siya, sobrang bait po. Na early in the morning, kapag nag-alarm na yung alarm clock namin, hindi pa ako gumigising, siya yung, 'Babe, wake up, it's already six o' clock.'"

Bakit Babe ang tawag sa kanya, tanong ni Lolit, at di ba raw siya nagkaroon ng malisya?

Continue reading below ↓

"Hindi po, yun po ang tawagan namin. At siguro, sobrang bait niya lang at kumportable po ako."

MESSAGE FOR GOOD FRIEND MEL. Sa huli, hiningan si Venus ng mensahe para sa mga Filipino.

Aniya, "Sa ngayon po, sa dinami-rami ng pinagdaanan ng bansa natin—personally, ako, sobrang dami ng pinagdaanan ko—gusto ko pong ma-realize ng buong bansa na kahit sobrang dami pa ng problemang pinagdadaanan natin, may reason kung bakit yun nangyayari and definitely, may maganda pong mangyayari after everything. So, huwag po tayong mawawalan ng pag-asa."

At may gusto ba siyang sabihin sa yumaong si Melody?

"Si Mel, alam ko po na masaya siya sa anumang na-achieve ko. Kasi, isa po siya sa mga taong nag-push talaga sa akin na sumali ng Binibining Pilipinas. And definitely Miss Universe. Alam ko, Mel, masaya ka para sa akin and I'm very, very thankful na nakilala kita at naging kaibigan."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Words for a departed friend: "Si Mel, alam ko po na masaya siya sa anumang na-achieve ko. Kasi, isa po siya sa mga taong nag-push talaga sa akin na sumali ng Binibining Pilipinas. And definitely Miss Universe. Alam ko, Mel, masaya ka para sa akin and I'm very, very thankful na nakilala kita at naging kaibigan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results