Is Marian Rivera "the one"? Dingdong Dantes says: "Sa ngayon, sa akin na muna yun."

IMAGE 0


The actor turned 30 last August 2, and people are wondering when he'll settle down. "Twenty-two pa lang ako pumasok na sa isipan ko 'yan," Dingdong laughs. "Pero siyempre, may mga kailangan pang i-weigh na mga factor. Siguro hindi pa noon. Pero siyempre, habang tumatanda ka, mas nagiging seryoso yung thoughts. Mas nandoon na ang reality sa harapan mo."


Nakapanayam ng Startalk host na si Lolit Solis last Thursday, August 26, si Dingdong Dantes sa araw ng muling pagpipirma ng aktor ng exclusive contract sa GMA-7. Sa interview na pinalabas sa Startalk kahapon, August 28, nagkomento si Lolit na talaga raw solid Kapuso si Dingdong.

"Oho, e, ganoon ho talaga. Solid ho talaga," ang sagot ng binata. "Hindi ko na nga mabilang kung ilang taon na. Pero siguro, almost half of my life, nasa GMA ako."

Nagbigay din ng pahayag ang mga GMA-7 executives na sina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Attorney Annette-Abrogar at Miss Wilma Galvante. Nagpapasalamat sila sa loyalty na ipinapakita ni Dingdong sa network.

KAPUSO RIVALS. Sambit naman ni Lolit, sa bakuran ng GMA-7, silang dalawa raw ni Richard Gutierrez ang maituturing na magkakumpetensiya, pero bakit daw si Richard ay nakakagawa na ng mga shows para sa news and public affairs, tulad ng Wildlife for Sale at Anatomy of a Disaster. Choice ba raw ni Dingdong na hindi tumanggap ng mga projects na pang-news and current affairs?

"Well, siguro it also depends on the timing. It also depends on the availability of the project. We all know that he's [Richard] very much involved dito sa mga environmental issues, so siguro, nagkaroon din ng perfect timing for him to host a show like that para na rin sa awareness ng mga tao."

Bilang "quote-unquote" na magkaribal, may posibilidad ba na magkasama sila ni Richard sa isang project?

"Yeah, I think, that would be a very good idea. Although, yung word nga na magkaribal, parang sa negative connotation pa. Pero, come to think of it, ang maganda sa amin, we respect each other's expertise. Kumbaga, may kanya-kanya kaming edge."

SOCIAL RESPONSIBILITY. Noong nakaraang eleksiyon, sabi ni Lolit, nakaranas na rin si Dingdong ng kung ano ang pulitika sa pangangampanya niya para kay President Noynoy Aquino. May plano raw ba siya eventually na pasukin ang pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po talaga napag-iisipan talaga 'yan. Ako, I intend to further hone my craft as an actor. Dito ako. Mas gagalingan ko na lang muna rito kung saan ako nararapat."

Paano kung may ibigay sa kanyang trabaho sa gobyerno?

"Well, welcome ako sa fact na we all have to be socially responsible. Now, may posisyon ka man o wala, elected ka man o hindi, I believe na lahat tayo may kanya-kanyang responsibilities. Even as an actor, even as a bystander, lahat tayo may kanya-kanyang part."

Sa ilang mga negatibong nangyayari sa bansa, may ilang atake or batikos kay Pangulong Aquino. Bilang isa sa mga supporter ng Pangulo, ano ang masasabi niya sa bagay na ito?

"Well, depende ho ito sa sitwasyon. Kung ang pagbabasehan po siguro ay ang nangyari lang early this week, I'm sure just as much as lahat tayo napanood yun, hindi natin gusto ang nangyari. Lalong-lalo na siya. And if there's one thing that I am sure of, he's doing everything that he can to control the situation.

"Now na natapos na siya, maybe we can improve on other things but itong mga bagay na ito siguro ang hindi natin specifically malalaman because yung totoong trabaho, nangyayari ng hindi natin nakikita."

Curious naman daw si Lolit kung paano tinatanggap ng isang lalaking katulad ni Dingdong ang mga naging resulta ng Miss Universe?

"Well, sa tingin ko, mapa-beauty pageant man yun or mapa-boxing or piko man yun or holen, basta kapag ni-represent ang bansa natin lalo na after ng mga crisis na nangyari early this week, e, magiging proud ka kahit papaano.

"Kaya ako, even watching those people watching in small TV ay sumisigaw, proud na proud din ako, sobra."

THOUGHTS OF SETTLING DOWN. Last August 2, Dingdong turned 30. Kapag nagti-thirty na ang isang lalaki, pumapasok na ba sa isip nito ang magkaroon ng stable relationship, meaning pamilya and kids of his own?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, 22 pa lang ako pumasok na sa isipan ko 'yan," natatawang sabi ni Dingdong. "Pero siyempre, may mga kailangan pang i-weigh na mga factor. Siguro hindi pa noon. Pero siyempre, habang tumatanda ka, mas nagiging seryoso yung thoughts. Mas nandoon na ang reality sa harapan mo."

Tanong naman ni Lolit, bakit daw sa kabila ng ipinapakita nilang sweetness ni Marian at magkasama pa sila sa Endless Love, sige pa rin ang tsismis na nag-aaway sila.

"E, hindi naman natin siyempre maiiwasan yun. Once na makita ng mga tao na we're okay, siyempre, hindi naman natin masasabi na 100 percent ng panahon e okay. May mga maliliit na bagay na pinagdedebatehan, pinagdidiskusyunan. So, we can't erase the fact na minsan, nakikita rin 'yan.

"Pero wala namang seryoso. Dati kasi, sinasabi namin na kapag merong konting alitan, naso-solve agad. Siguro if there's one thing that I'm proud of noon, e, ganoon pa rin. So, siguro, kung merong konting hindi pagkakaunawaan, bigyan mo lang ng konting minuto, maximum of 30 minutes, ayos na."

Bilang lalaki, ano ang mas gusto niya sa isang babae, selosa or hindi selosa?

"Balanse... balanse. Kailangan talaga balanse. Hindi naman puwedeng sobra. Hindi naman puwedeng wala."

Hirit ni Lolit, hindi ba sobra si Marian?

"Balanse... balanse yun."

On Dingdong's part, nagseselos ba ito sa naging past life ni Marian?

"Hindi ko na rin ho inaalam. Hindi ko rin naman sigurado kung hindi ako magseselos. So, mas magandang huwag ko na lang alamin."

Welcome ba kay Dingdong ang pagpasok ng ex-boyfriend ni Marian sa GMA-7? Ang obvious na tinutukoy ni Lolit ay si Ervic Vijandre na kasama ngayon sa Survivor Philippines.

"Bakit naman ho hindi? Siguro, maaaring may dahilan kung bakit siya nandito. May dahilan kung bakit siya nakuha. Because of his own expertise. At kung anuman ang talent niya, it's something that we should all respect."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"THE ONE." Seryoso na bang iniisip ni Dingdong na sila ni Marian ang magkakatuluyan?

"Serious thoughts, of course, meron. Pero siyempre, panahon lang ang makakapagpabuhay sa thoughts na yun. Which is ako, I feel very positive about it. So, magandang thoughts that inspire me."

Kaya tinanong ni Lolit: totoo bang may naka-set nang araw ng kasal nila ni Marian next year?

"Ay, wala, wala pang ganoon. And then again, gaya ng sabi ko, isa siyang seryosong bagay. Hangga't walang kasiguraduhan, hindi ko pa siya binubuo sa isip ko. Siya rin naman, marami pa siyang kailangang gawin. Pero optimistic naman and we're very happy na yung inspiration na ibinibigay namin sa isa't isa ay makakatulong talaga sa amin."

Nagkaroon siya ng maraming girlfriend, pero kay Marian ba niya nakaramdam na "'eto na, 'eto na"?

"Hindi lang po yun ang na-feel ko, marami pang ibang bagay. Pero kung yun siguro ang impression or thinking na 'eto na talaga yung totoong babae sa buhay ko, siguro mas gugustuhin ko yung isang special moment na sabihin sa lahat na 'eto na talaga siya.

"Sa ngayon, nasa sa akin na muna yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN