Sam Milby on Idol co-star Sarah Geronimo: "She's a lot more fun than I expected."

IMAGE 0


It's the first time for Sam and Sarah to work together, in ABS-CBN's primetime kantaserye Idol, and the actor says the Pop Princess is a joy to work with: "I see how pure and good her heart is. I don't know why, I love her laugh, nakakatawa... Mabait, very caring, accommodating sa lahat, grounded."


Hindi pa man natatapos ang Precious Hearts Romances Presents Impostora, mapapanood na sa primetime ng ABS-CBN si Sam Milby via Idol kung saan makakasama niya sina Sarah Geronimo, Coco Martin at Zsa Zsa Padilla this coming September. Panibagong Sam Milby ang mapapanood sa kantaseryeng ito ng Kapamilya network.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktor sa nakaraang press visit sa Idol taping last Tuesday August 24, ipinamalas ni Sam ang saya niya sa bagong proyekto. "It's a great light show, a lot of comedy, too, so masaya," sabi niya.

CRUSH. Panay papuri din ang binitiwan ng aktor tungkol sa kaparehang si Sarah, at inamin niyang crush na niya noon pa ang Pop Princess.

"Dati pa naman sinasabi ko na gusto kong makatrabaho si Sarah. It's my first project with her, ang bait. She's a lot more fun than I expected actually. She looks like a very fun person pero now that I'm working with her, lalong nalalaman ko na ang saya niyang katrabaho...

"It's expected na ganun ang mga tsismis, ang mga tanong dahil may project kami, 'May chance ba?' Of course, there's a possibility, yes naman, may possibility. Dati ko nang sinasabi crush ko siya, I see how pure and good her heart is. I don't know why, I love her laugh, nakakatawa, and she's a fun person to be with. Mabait, very caring, accommodating sa lahat, grounded."

Kung mauuwi sa mas malalim ang magandang nilang samahan, handa ba siya sa pagiging mahigpit daw ng mga magulang ni Sarah hinggil sa pakikipagrelasyon?

"Parang sinasabi kong liligawan ko siya, hindi naman ganun. Kung sakaling I started to feel something... Ang weird kasi it's too early kasi, parang may plano na hindi naman ganun. Wala, I just enjoy working with her, sobrang nag-e-enjoy ako."

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Naging open naman siya na may special siyang nararamdaman para sa international singer na si Marie Digby. Totoo bang naipakilala na niya ito sa kanyang mga magulang gaya ng nabalita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not yet but naikuwento ko na siya. Just like typical parents, 'Just be careful with your heart,' alam nila na I'm big na. They never met her, basta they're just worried. 'Just take care of your heart,' para daw 'wag akong masyadong masaktan.

"Kung sakaling magiging kami, siyempre ipapakilala ko naman but we're still on the same stage, dating, texting. Actually nasa Japan siya ngayon but babalik na siya sa States. We always talk naman, kahit a few texts a day. 'Saka we only see each other dalawang beses pa lang, pero kung maging kami, that's it. We live so far apart.

"Gusto ko siya, she's very, very nice, very talented, we have a lot in common, too. I never said it could happen kasi I've never been in a long-distance relationship pero kami we have no commitment, not exclusively dating, we're just talking, texting each day, yun lang. There are days na madalas talaga kaming nagte-text, there are days na once or twice lang na kumustahan lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN