Pansamanta ay itinigil ng mga entertainment press ang pag-uusap tungkol sa mga di-kagandahang nagaganap sa paligid at itinuon ang usapan tungkol kay Aga Muhlach na siyang pakay ng lahat.
Kapansin-pansin ang pagiging bukas si Aga sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng gabing iyon kaya naman halos walang patlang ang pagbabato ng tanong sa kanya.
Bukod sa madalang magpa-interview si Aga ay madalang din itong magbigay ng mahahabang pahayag. Tila nag-enjoy na rin si Aga sa pakikipagbalitaan kung kaya't hindi na rin niya halos namalayan na mahigit apat na oras na pala siyang tsumitsika.
Ang 6:30 pm na imbitasyon ay natapos ng halos alas-onse na ng gabi.
CHANGES AT 41. Isa sa unang kinumusta ng press kay Aga ay kung ano ang pakiramdam niya ngayong 41 years old na siya.
Hindi naman ikinaila ni Aga na nararamdaman na rin daw niya ang mga tinatawag na "signs of aging" sa kanyang katawan.
"Alam n'yo, pagdaan mo pala ng kuwarenta, ang bawat taon malaking diperensiya. Sa pakiramdam, meron talagang nag-iiba, 'no? Being 37 compared to being 40, three years lang naman 'yon, pero ang laki ng kaibahan... Iniiisip ko, baka it 's all in the mind, pero no!
"Even when I am working out, you exert much more. Ang ginagawa ko noon is more than than what I'm doing now. Pero ang hirap! Ayaw talaga. Parang 'yong three weeks, two weeks kang gumagano'n, workout, workout...tapos kumain ka lang ng dalawang araw, wala na. So, parang depressed-depressed ka ngayon."
Isa rin daw sa senyales na nagkaka-edad na siya ay ang unti-unting paglabo ng kanyang expressive pair of eyes.
"Iyang mata? Iyan talaga!" tumatawa-tawang banggit pa niya. "Noong 39 ako, 'yong diyaryo ko—di ba meron 'yong pag upo mo sa inidoro magbabasa ka? Ngayon, sabi ko, 'Teka nahihilo ba ako?'
"I remember, nagte-taping pa ako ng That's My Doc noon, sabi ko, nagbabasa ako ng script, 'Direk, parang may ano na ako...'
"Pinasuot ako ng reading glass. 'O, basahin mo ngayon.' So, that's when I realized na nag-uumpisa nang lumabo mata ko. When I was 39, October, November, December, tapos January, tapos, pag August, wala, kuwarenta na."
Sa ngayon, ang grado raw ng kanyang reading glasses ay 150.
"Pero pag nagkita-kita ulit tayo four years from now, baka 220 na 'yan."
Hindi naman daw siya masyado pang nahihirapan kapag hindi suot ang kanyang reading glasses.
"Pero pag 'yong mga anak ko pag may ipapakita sa akin, 'Dad?' Naga-gano'n ako, masakit," paliwanag niya habang kinukusot ang mata.
Naging personal indication rin daw para sa kanya ang pagtawag sa kanya ng "tito" ng mga nakababata sa kanya.
"You just realize it when people start calling you 'tito' and then you realize parang, 'May tito factor na ba talaga ako?' No'ng una parang...and then you get used to it, then you realize na, 'Oo nga naman.'
"Then you see your kids and then they are not kids anymore. It's only now that I am experiencing that. Parang pag nagko-computer sila and they know it and I don't. Parang it's their generation na."
Kahit aminado si Aga na "tumatanda" na nga siya, hindi raw siya takot dito. Malaking dahilan ang pagiging masaya at kumpleto ng kanyang buhay.
"Noon pa ako nagmamadaling tumanda. I don't worry about aging. I don't know. It's nice to age. You're experienced. I'm happy.
"Fortunately, sabi ko nga, I've been married for nine years—we're 10 years together, we're nine years married—and if this is marriage, so forever is easy.
"That's why minsan ayaw ko nang i-bend...like if there are offers to work—as much as you need to work pa din—but if that's gonna take me away from my experience with my family parang... Kasi at the end of the day, sabi ko, I've experienced naman 'yong buhay na naghahanap-buhay dati, madami akong trabaho, ang dami mong income, ang daming gano'n, pag uwi mo naman, nakatunganga ka naman na di mo maintindihan.
"Eto naman, steady ka lang, tama lang, mabait naman ang Diyos, eksakto lang ang nasa iyo.
"E, pag nasa bahay ka naman, para ka namang nasa langit. Pag nagtatrabaho ka, pagkatapos mo magtrabaho, gusto mo nang umuwi. 'Tsaka tama 'yong nangyayari, e. Feeling ko tama, so maganda."
Naniniwala ba siyang life begins at 40?
"Di ko pa alam. Kakaumpisa ko pa lang!" natatawang sagot niya. "Tingnan natin."
AGA'S TWINS. Bago pa nagpa-birthday dinner si Aga ay naging usap-usapan na ang nakakaiyak na interview niya sa The Buzz, na ang nag-conduct ay mismong ang asawa niyang si Charlene Gonzalez. May ilang buwan na ring nagho-host si Charlene ng nasabing talk show. (CLICK HERE to read related story.)
Sa interview, na inilabas noong August 15, sinorpresa ni Charlene si Aga sa pamamagitan ng isang video recording kung saan ipinakitang tinugtog nang buo ni Atasha ang piyesang "Sana Maulit Muli" sa piano habang nasa tabi nito ang kakambal na si Andres.
Matagal na raw nagre-recital si Atasha at sa bawa't taon wala siyang absent kapag may mga ganitong major event sa buhay ng kanyang pamilya.
"Basically, she plays 'yong mga songs or music for her age. That song, 'Sana Maulit Muli,' she had to learn that song in four days. And it's not an easy piece," banggit ni Aga.
Sa puntong iyon ng The Buzz interview ay hindi na napigilang lumuha ni Aga.
"Because she had to learn it for me...." paliwanag ng aktor. "And it's the whole scenario. It's like knowing pala talaga na I'm very, very much blessed with the kids who are so nice and a wife who is loving and very supportive and then suddenly I realized na okay na okay na ako.
"Sabi ko nga, nahihiya ako pag sinasabi ko na masaya ako. But gano'n talaga, e. Talagang masaya talaga ako, e.
Samantala, kung si Atasha raw ay mahusay mag-piano, si Andres naman daw ay magaling sumayaw.
"Si Andres dances really well naman," proud na sambit niya.
Mana sa kanya?
"Siguro. Pero hindi naman ako magaling sumayaw talaga... Pero kasi sa bahay, hindi naman namin ginagawa sa mga bata na, 'O, you dance.' Pinapabayaan namin sila. Sila lang talaga ang may gusto niyan."
SHOWBIZ & SCHOOL. Between his two kids ay nararamdaman daw ni Aga na mas inclined mag-showbiz si Atasha.
"Si Andres, he dances really well. He is more natural but it is my girl, who I think...who wants to act. Hindi niya sinasabi but I know."
Papayagan ba naman niya kung sakali?
"Paglaki nila, they can decide. Maybe after college," sagot ni Aga. "But I'm just saying it now pero pag high school na ang mga 'yan, iba na. But they have to finish high school. And then after that, feeling ko, hindi na sila makikinig sa akin. So, ano magagawa ko?
"Hindi ko naman puwedeng ipagkait sa kanila itong buhay na nagbigay sa akin ng pampakain ko sa kanila.
"But what I'm trying to say is, not now. Hangga't ako pa ang nasusunod, 'wag muna. Pag seryoso talaga sila, if they really want... Kunwari ang hilig talaga nila, umarte talaga, kumanta, hindi ko naman sila pipigilan din."
Sa pagtitipon ding ito ay nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na napagdesisyunan pala nilang mag-asawa na huwag pagsamahin sa isang eskuwelahan ang kambal. Si Atasha ay nag-aaral sa isang British school, habang sa isang American school naman si Andres.
"So there won't be any comparison. No competition between them," paliwanag ni Aga. "And so far so good. It's nice. They have their own stories pag uwi nila. Kumbaga, iba-iba din 'yong mga ginagalawan namin."
Hindi raw worried si Aga na makakalimutan ng mga bata ang Pinoy values kahit pa sa mga international schools nag-aaral.
"Sa bahay naman, it's just how we are, you know? They see the right values. Ang tamang values—God-fearing ka, respect the elders, and then they don't fight. Ganoon lang. Everything else follows."
DISCIPLINARIAN. Inamin din ni Aga na may punto ng buhay-tatay niya na namamalo siya.
"Nakagamit na ako ng hanger, nakagamit na ako ng tsinelas," walang edit-edit na sabi ni Aga. Pero noon 'yon. Ngayon hindi na. That's when they were like 3, 4, 5, years old.
"Kasi sa akin, kung ano 'yong nakita mong mali, sa akin palo kaagad. Surprisingly, they became nice kids talaga. Walang nagta-tantrums, walang nag-aaway.
"Well, it worked for us. I'm not saying it's going to work for everyone. Kasi sa akin, may balance ako. Alam ko 'yong palo ko. Pero sa akin, pag mali, mali talaga."
Sa ngayon daw ay wala silang problema ni Charlene sa kambal when it comes to discipline.
"Alam mo, hindi kayo naniniwala. Kaya ayaw ko masyado napag-uusapan ang pamilya ko kasi baka masabihan ako. So far, wala pa silang ginagawang mali talaga. Like even just to open the ref, mag-a-ask ng permission iyan.
"And kung may tubig sa kuwarto namin and they know that it is mine, they will ask, 'Dad, can I drink?' Na puwede naman na inumin na lang 'yong tubig sa kwarto namin? It has become a habit lang. Like for example, when we are out of the house and they want chips or they want junk foods, they will have to call and ask."
May nagbiro kay Aga na malamang daw na ang magandang ugali na ito ay kay Charlene namana.
"Sa akin 'yon. Sa akin 'yon," sakay naman ni Aga.
Ngayong nine years old na ang kambal, nakikita na rin daw ni Aga ang sarili sa mga bata, lalo na kay Andres.
"Parang now, parang feeling niya, binata na siya," nangingiting sabi pa ni Aga. "Extreme games naman 'yong gusto niya, mountain bike naman ang gusto niya. Tapos, sa bihis nakikita mo, iba na.
"That's when you realize that you really are a father. Parang as the kids get older, doon mo nare-realize na talagang tatay na tatay na ako. Kasi kahit 'yong sa The Buzz, what made me cry is when we started talking about our family.
"I cannot pretend naman na I wanted to talk about girls, wala, e," biro pa niya. "Kasi ano ba 'yong buhay ko aside sa pag-aartista ko? It's really my family. And I promised myself naman talaga kahit no'ng binata ako na sabi ko, ang pangarap ko lang naman talaga no'ng binata ako is makapag-asawa ako. Sinasabi ko 'yon dati, e. Family talaga, e. Kaya no'ng nangyari 'yon, inayos ko na talaga. And sa awa ng Diyos, it has been good."
Ngunit kahit daw malalaki na ang kambal ay wala pa raw silang balak ni Charlene na sundan ang mga ito. At sakali mang hindi na masundan ay okay lamang.
"No'ng una nga sinasabi namin, we don't know. But hindi naming plinaplano, wala talaga. If you're gonna ask me and Charlene kung may plano kami right now, wala talaga.
"We are okay with our set-up now. Okay na okay, tamang-tama. We have so much time for each other. We have so much time para sa hanapbuhay namin. We have so much time for kids, in their school, and in their personal lives.
"We're okay as it is. 'Tsaka nakikinig pa naman sila sa akin. Maski 'yong asawa ko, nakikinig naman sa akin," biro na naman niya.
Besides, maski raw ang kambal ay ayaw pa sa ngayon ng kapatid.
"Ayaw din nila, e. Niloloko nga namin, e. 'We're gonna make a baby na'. Because di ba lumalaki na sila? 'O, go to your room, we're gonna make baby na.' Tapos sila, 'No, no, no!'"